54.

569 13 2
                                    


Chapter 54

Myka's POV

Kanina ko pa tinatawagan si Earl pero hindi siya sumasagot. Nasaan na ba 'yon? Sabi naman niya sabay kaming kakain na dalawa. It's already 11pm and he is still not here. I hate this feeling, hindi kaya may nangyari sakanyang masama?

I stopped from walking, kanina pa ko pabalik-balik ng lakad dito sa maliit na apartment na kinuha muna naming dalawa. We decided that we will stay for another one week here in Manila bago kami bumalik sa Tagaytay. Hindi pa kasi ako nakakakuha ng balita about my parents. Kahit naman natatakot ako na paghiwalayin nila kami ni Earl, I still care for my mom and dad.

Pumasok ako sa kwarto namin at kumuha ako ng jacket and umbrella, ang lakas ng ulan sa labas pero I'm worried baka nastranded si Earl sa may kanto. Sinuot ko yung jacket ko at kinuha ko yung cellphone ko na nasa may lamesa bago ako lumabas. Napapikit ako nang napakalakas na hangin ang bumungad sakin. Kumukulog at kumikidlat pa nga.

"Earl, where are you?" bulong ko sa sarili ko bago ko buksan yung payong at saka ako naglakad-lakad.

Napatigil ako sa paglalakad nang may maaninag ako na kung ano sa may gilid. Parang tao na nakasandal sa may poste ng ilaw. Lumakad ako palapit doon at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino.

"Earl?!" sigaw ko. "Bakit ka nandito?!" nabitawan ko na yung payong ko at hinawakan ko sa mukha si Earl. Dahan-dahan niyang binuksan ang mga mata niya, nginitian niya ako nang madilat na niya 'to parehas.

"B-Bebe ko," mahina niyang sabi.

Napatingin ako sa may bandang sikmura niya dahil napansin kong napapangiwi siya. Muntik na kong mapasigaw nang hawakan ko yung kamay niya paalis sa may sikmura at nakita kong may sugat siya sa tagiliran.

"E-Earl, s-saan mo 'to n-nakuha?" nangingilid na ang luha sa mga mata ko.

"A-ang clumsy ko kasi natusok tuloy ako kanina sa may pako na nakausli." Pinipilit niyang ngumiti pero kita pa rin na nasasaktan siya.

Hindi ako naniniwala pero saka ko na lang siya tatanungin.

***

"Nasaan si Layner, bessy? Ikaw lang mag-isa dito?" tanong ko pagkaupo ko sa sofa. Nilibot ko ang paningin ko sa maliit na bahay nila Shai at Layner. After kasi nilang makasal umalis na sila sa condo unit ni Layner at lumipat dito.

"As usual, nasa work. Workaholic talaga si hubby. Gabing gabi na nga 'yon umuuwi e. Nakakatulugan ko na nga minsan paghihintay sakanya," sagot ni Shai habang karga karga si Ericka.

"Nagpapayaman para sa mahal niyang asawa at kambal," nakangiti kong sabi.

Tumabi sakin sa sofa si Shai. "Bakit ka nga pala napunta dito bessy? Wala ba si Earl sainyo?" tanong niya.

Umiling ako. "Umalis siya, ayoko namang maiwan mag-isa ulit sa bahay. Kung anu-ano naiisip ko. Kaya naisip ko na puntahan ka na lang at tulungan sa pag-aalaga sa kambal mo." Pinilit kong ngumiti para ipakita sakanya na totoo ang sinabi ko kahit na ang totoo—may isa pa kong dahilan kaya ako nandito.

"Bakit bessy? May nangyari ba?" nag-aalala niyang tanong. Shai is Shai nakita niya agad na may tinatago ako.

Gusto ko sanang sabihin sakanya na oo may nangyari, na nag-aalala ako na baka isang araw gumising na lang ako na wala na si Earl. Nanaginip ako nung isang araw at sa panaginip ko na 'yon nagmamaka-awa ako kay Earl para hindi niya ako iwan.

"Ella is still wavering about what she should do about Knight. Knight is Calyx pero ayaw na ni Ella na bumalik sila sa dati. I want her to be happy, she suffered enough. And for you, Myka I want you too to be happy just like me. I'm happy with Layner and with our twins. I accepted everything about him because I love him, my love for him has no limits."

Napatingin naman ako bigla kay Shai dahil sa mga sinabi niya. She smiled at me at tumayo siya at naglakad. I saw her put down Ericka in the crib where Erick is. Lumakad siya pabalik sa kinaroroonan ko.

Ngumiti siya. "Layner told me everything the night after our wedding. He told me that he is an assassin."

I gasped because Shai's reaction is so calm about it. Hindi tulad ko na matagal ko nang alam na isang mamamatay-tao si Earl pero until now natatakot pa rin ako malaman ang totoo mula sakanya.

"Assassin or not he is still Layner Villaruiz, my husband and the father of my twins." Proud niyang sabi. Umupo siya ulit sa tabi ko at hinawakan niya ang mga kamay ko. "Kaya Myka, whatever is happening between you and Earl sana wag kang susuko. Wag mo siyang bibitawan. Just like Ella, you suffered enough and you deserve to be happy. Kung may gumugulo man sa isipan mo, nandito ako para makinig sayo but remember you have your other half now—you have Earl, your husband. He is there for you because he is your other half meaning kasama mo siya sa lahat ng bagay. Do not be scared to ask him." Ngumiti si Shai pagkatapos niyang magsalita. "Everything will be alright."

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at tumulo na ang mga luha mula sa mata ko. Bakit parang alam ni Shai kung ano ang iniisip at kinakatakot ko? She knows how to cheer me up, hindi siya nagbago.

***

Pagkauwi ko sa apartment na tinitirhan namin ni Earl nagpalit ako ng damit at saka ako nagluto para sa dinner namin. I received a text from Earl and he said na pauwi na siya at gutom na gutom na siya kaya nagluto na ako.

Tumunog yung wind chime sa labas kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo. Nang makita kong pumasok si Earl, sinalubong ko agad siya ng yakap na nakapagpatawa naman sakanya. Siguro nagtataka siya dahil kakaiba ang kinikilos ko ngayon.

"Bebe ko, what's wrong? May sakit ka ba?" Inilayo niya ang katawan niya sakin at saka niya hinawakan yung magkabilang pisngi ko. "Umiyak ka?" tanong niya.

Umiling ako at niyakap ko siya ulit. "Welcome home."

Pagkatapos naming kumain naglinis na kami ng katawan at pumasok na ko sa kwarto, naiwan pa si Earl sa may labas may kailangan lang daw siyang tapusin sa laptop niya. Nagsusuklay ako ng buhok ko ngayon sa harap ng salamin nang pumasok si Earl.

Naghikab siya at saka humiga sa kama. Mukhang pagod na pagod. Ibinaba ko yung suklay sa may aparador at umupo ako sa may kama. Hinaplos ko yung mukha niya na biglang nakapagpadilat sakanya.

"Bebe ko, kanina ka pa ganyan. May gusto ka bang sabihin sakin?" hinawakan niya yung kamay ko na nasa may mukha niya at hinalikan ang likod nito. "Myka, tell me what's wrong."

I gulped, hindi ko alam paano ko itatanong sakanya. Wag ko na lang kaya itanong? Pero wala namang mangyayari kung araw-araw ko na lang iisipin yung tungkol doon. Kung totoo man 'yon, wala namang magbabago e. Mamahalin ko pa rin siya.

"Earl, tell me the truth. Are you an assassin?" nakatitig ako sa mga mata niya ngayon.

Halatang nagulat siya sa tanong ko. Nabitawan niya rin yung kamay ko na hawak-hawak niya at bigla siyang umupo sa kama at tumalikod sakin.

I bit my lower lip. Hindi ba niya sasabihin sakin ang totoo? Natatakot ba siya?

"Sino naman nagsabi sayo niyan, bebe? Hahahahaha! Tangina anong trip niya?" nagcrack yung boses niya sa bandang dulo. Napapikit ako. So, totoo?

"Earl, yes or no? Assassin ka ba? Tulad ka din ba ni Layner? Si Calyx din ba assassin rin siya?"



HFALL II: The Greatest Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon