30.

702 15 0
                                    

A/n: Here's an update! Sorry kung ngayon lang, wala kaming net sa bahay eh. :c

Chapter 30

Ashmiya's POV

Hindi ko alam kung paano ko kakausapin ngayon si Knight. Matagal lang akong nakatingin sakanya nung tinanong niya ako hanggang sa bigla na lang siyang mawalan ng malay. Nilagyan ko na lang siya ng kumot at unan para hindi siya lamigin habang binantayan ko siya magdamag. Hindi ko namalayan na nakatulog rin pala ako at nang gumising ako wala na siya sa sa loob ng unit ko. Three days na kaming di nagkikita o nagkakausap na dalawa. Hindi ko naman siya magawang maitext o tawagan—natatakot kasi ako.

Saan nga ba ako natatakot? Natatakot ba ko na malaman niya ang totoo o natatakot ako dahil hindi pa rin mawala sa isip ko yung sinabi sakin ni Pier?

Pumikit ako. Kevin is right, hindi na dapat ako natatakot. Tama na ang limang taon na nagtiis at naniwala ako na wala na siya. Ngayong nandito na siya ulit, dapat marunong na kong sumugal. Sometimes taking a risk is not bad.

Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga bago ko muling tinignan ang sarili ko sa body mirror dito sa kwarto ko. Kanina pa ko nakagayak, pupunta ako sa Orion Entertainment dahil may meeting daw kami.

Kinuha ko na yung shoulder bag ko pati ang iPhone ko na nasa may bedside table ko at lumabas na ko ng kwarto para bumaba at makaalis na.

Naglakad ako papunta sa may sakayan ng elevator, tadhana nga naman napaka-pakielamero tama ba namang magkita kami ngayon ni Knight? Napatigil ako sa paglalakad habang nakahawak sa strap ng shoulder bag ko at nakatingala ako sakanya. Hindi ko alam kung babatiin ko ba siya o hindi eh.

"Ashmiya."

Napakurap ako nang banggitin niya ang pangalan ko at nakita kong ngumiti siya.

"May photoshoot ka ba?" tanong niya.

"Ah, w-wala. May meeting lang kami." Pilit ang ngiting sabi ko.

"Ah, ingat." Sabay tapik niya sa balikat ko nang madaanan niya ko.

It's now or never, Ashmiya. It's now or never...

"Knight!"

"Hmm?"

Dahan dahan akong lumingon sakanya. Hindi ko alam kung bakit ko siya tinawag.

"Ashmiya, bakit? May sasabihin ka pa ba?"

Tumango ako. "Mamaya... dinner... pwede ba kitang makausap?"

Gumuhit ang isang ngiti sa labi niya at tumango tango siya. "Oo naman. Basta ikaw ang magluluto."

Napangiti na rin ako at tumalikod na ko sakto namang bumukas na yung elevator kaya pumasok na rin ako. Nakita ko pa si Knight na nakatingin sakin kaya nginitian ko siya at kinawayan hanggang sa magsara ang pintuan ng elevator.

Napasandal ako at nakahinga ako nang maluwag.

Ashmiya, kaya mo 'yan. It's now or never. He deserves to know the truth after all.

Natasha's POV

Meeting is over at nandito ako sa may rooftop café ng Orion Entertainment. Wala namang gaano sinabi sa meeting, inantok nga lang ako eh buti na lang nandun si Nathan at katapat ko hindi ako nabored dahil palagi niya kong pinapatawa ginagaya niya kasi si Mr. Sy yung matandang may-ari rin ng Orion Entertainment grabe kasi arte nun sa mukha nakakatawa talaga. Saka nagtext lang din kami all the time ni Nathan, kaya okay lang naman ang meeting. Haha.

Napangiti ako. Who would have thought that I'll fall for a jerk like him?

Humigop ako sa latte ko bago ko kunin ang cellphone ko na biglang umilaw, nakita ko yung caller ID—si Luke tumatawag. Ano kayang nangyari sa lalaki na 'to? Tagal ko rin siyang di nakausap. Buti naisipan niyang tawagan ako.

HFALL II: The Greatest Assassin (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon