37.

659 14 0
                                    

A/n: Misaki Scarlet Anderson on the multimedia.

Comments will be highly appreciated! thank you <3

Chapter 37

Daphne's POV

"Tasha, come on. Umuwi na tayo."

Hinawakan ko sa magkabilang balikat si Natasha at pilit na tinatayo. Kanina ko pa 'to paulit-ulit na ginagawa. Pero ayaw niya talagang tumayo. Just hearing her sobs makes me feel like crying too. Bakit ba kailangan umabot sa ganito?

Napapagod na ko kakapilit sakanya na tumayo. I decided na bantayan na lang siya dito.

"Nathan, babe, I'm sorry..." I sighed. Kanina ko pa naririnig na sinasabi niya 'yan. Who would have thought that she will be like this? Hindi ko naman masisisi si Nathan, kung ako rin ang nasa posisyon niya magagalit rin ako. Sino bang matutuwa kapag nalaman mo na ginamit ka lang pala ng taong mahal mo?

But, hindi naman kasi yun lang eh. Oo, nung una yun talaga ang plano ni Natasha. To use Nathan for her revenge. Pero dumating sap unto na nahulog siya kay Nathan eh, so nagkanda-loko loko na ang lahat.

Natasha was defeated in her own game.

I guess, I need to talk to Nathan. Hindi ko kayang makita ang bestfriend ko na ganito.

Nagsend ako ng viber message kay Nathan to meet me tomorrow sa isang café malapit sa working place namin. At the same time, tumunog yung cellphone ko. Paris is calling.

"Paris? Oh my god! Buti naman at naisipan mo kong tawagan! Okay ka lang ba?"

"D-Daph, I want to die. Nasaktan ko ng sobra si Jack." I can hear her sobbing from the other line.

Parehas na bestfriend ko pa ang naging sa sitwasyon na 'to ngayon. Ano ba yan!

"Paris Giovanni, anong I want to die?! Nababaliw ka na ba?! Where the hell are you? Pumunta ka dito sa usual bar na pinupuntahan natin ni Natasha. Hurry! And don't you ever think to kill yourself, okay? That's only a thing for coward people!"

Kanina pa ko buntong-hininga ng buntong-hininga. Wala naman akong magagawa, my two bestfriends need me. Luckily, ayos naman kami ni Kevin although medyo parang nagiging cold siya sakin. Yung mga goodmorning texts niya hindi na ko nakakatanggap.

Masyado kasi akong nasanay na siya ang unang lagi nagtetext eh. Ayan tuloy, lagi ko yung hinahanap.

Daphne Elsa, brace yourself! Wag ka muna mag-emote dyan! Okay naman kayo ni baby mo, baka busy lang talaga siya kaya ganon.

I smiled and sent Kevin a text: Baby ko, eat ka na ng dinner ha. Wag magpapalipas ng gutom. I love you!

Yes, busy lang siya. Wag kang mag-isip ng kung anu-ano.

Shai's POV

"Wow. Your wedding will be after three days? Ang bilis naman!"

"Bakit parang ayaw mo ha, Rachel?" Nakanguso kong tanong.

Tinawanan niya ko bago tumingin sakin. "I didn't say that, Shai. Nagtaka lang ako. Kasi parang nung isang araw lang sinabi mo na ayaw pa ni Layner, diba? Pero I'm happy for you, girl! Finally, makakasal ka na!"

Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Rachel. "Thank you! So where is baby Rans?"

"Nasa ama niya. Nandun sila sa may kwarto. Di na nga pumupunta si Hans sa restau dahil gusto niya laging nakikipaglaro sa anak namin eh. Ako naman pabisi-bisita na lang kasi may other works pa naman ako."

HFALL II: The Greatest Assassin (Completed)Where stories live. Discover now