23.

694 15 0
                                    


Chapter 23

Paris POV

Kanina pa ko natatawa dito. Pinipigilan ko na nga lang kasi baka ako naman mapagbuntunan ng galit ni Natasha, ayokong matulad sa coffee in can na hawak hawak niya ngayon. Grabe, how could she do that? Nakaya niyang yupiin yung can with her one hand only.

Iba talaga nagagawa ng selos.

"Hi, Natasha! Sup?" Napakagat ako sa labi ko nang makita ko ang boyfriend kong si Jack na nilapitan ang best friend kong as of now ang mood ay: wanna kill somebody.

Tumingin naman si Natasha pero as expected death glares ang binigay niya kay Jack. Hay nako, mister. Not now. Nasa beast mode 'yan.

"Chillax ka lang, Natasha! Ang aga aga para kang mangangain ng tao dyan eh! Haha!"

Mas lalong tumalim ang tingin sakanya ng kaibigan ko.

"Mind your own fucking business." Rinig kong sabi ni Natasha at lumakad palayo.

Nagkibit balikat na lang si Jack at nang mapalingon siya sakin, biglang lumapad lalo ang ngiti sa labi niya. I waved my hand and then smile.

"Good morning, misis!" Sigaw niya at niyakap ako nang mahigpit nang makalapit siya sakin.

"Good morning, mister. Ang agang pang-iinis naman 'yung kanina? Haha!" I answered pagkayakap ko sakanya. "Bakit ka nandito? Diba mamaya pa namang hapon ang photoshoot mo?"

"May iba pa bang dahilan? Syempre para makita ko ang pinakamagandang babae sa buong mundo." Sabay kindat.

Napailing na lang ako habang nakangiti.

Siguro kung wala siya palagi sa tabi ko, matagal na kong bumalik sa England at kahit ayaw nila Mom and Dad na bumalik ako dun pupunta pa rin ako because being here and just waiting for news about our company in a verge of getting down makes me so deppress. Tanging si Jack lang ang nakakatanggal ng mga alalahanin ko about it.

"Misis, are you okay?" Nag-aalala niyang tanong. "Iniisip mo na naman ba 'yon?" Dagdag pa niya nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko at hinalikan.

With his sweet gestures, all of my worriness fades away.

"I'll be okay as long as you are here with me, Jack Stephen."

"Ibig sabihin ba niyan gusto mo na kong makasama until forever?" Nakangisi niyang sabi.

Napakurap ako at inisip kong mabuti kung ano bang sinabi ko. Oh my goodness! Sinabi ko ba talaga 'yon? Para nga namang sinasabi ko na gusto ko siya makasama hanggang sa huling hininga ko--wow, just wow...Paris!

"Misis, sabihin mo lang at papakasalan na kita kahit ngayon na. Haha."

Kinuha ko yung kamay ko mula sakanya at napatingin ako sa paligid.

"Sira! Hindi naman yun ang ibig kong sabihin!" Pakiramdam ko namumula na ang mga pisngi ko ngayon.

"Do you mean ayaw mong magpakasal sakin?" Nakangiti siya pero ang lungkot ng mga mata niya.

"H-ha?" Iniwas ko ang tingin ko. "Hindi. I mean--" natigil ako sa pagsasalita nang bigla niya kong hatakin at niyakap. Pahigpit nang pahigpit to the point na nahihirapan na kong huminga. "J-Jack, hindi ako makahinga."

"Paris, let's get married."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Jack, ano bang sinasabi mo?"

"Magpakasal na tayo. Pakasalan mo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nagpakasal ka sa iba. Hindi ako mayaman, pero may trabaho naman ako. Kaya kitang buhayin. Paris, you are my oxygen in every day. Kung wala ka, hindi ko alam paano pa ko hihinga. You are my life, my everything--"

HFALL II: The Greatest Assassin (Completed)Where stories live. Discover now