57.

585 17 10
                                    

Chapter 57


Third Person's POV


"Uso! My pendant is missing! Dad, have you seen it?" tanong ni Misaki nang makababa na siya sa hagdanan. Kanina pa niya hinahanap ang pendant na binigay sakanya nang kanyang ina noong 7th birthday niya, napakahalaga nito dahil ito na rin ang pinakahuling regalo sakanya nang kanyang ina bago ito pumanaw.

(Uso! meaning "No way!")


"Scarlet anak, can you calm down? You look like a mess. Baka nalagay mo lang sa kung saan," sagot ng ama ni Misaki habang nagbabasa ng dyaryo sa may dining table.


Misaki sighed at humila rin siya ng isang upuan sa may dining table kung nasaan ang kanyang ama. "Dad, hindi 'yon pwedeng mawala! Mom gave it to me! That's her last gift for me, I need to find it."


Binaba ni Mr. Reynan ang dyaryo na binabasa at tumingin sa anak na bakas ang lungkot sa mukha dahil sa pagkawala nang pinakamamahal nitong pendant.


"Scarlet, I have a good news for you." Nakuha naman niya ang atensyon ng dalaga na nakatingin na sakanya ngayon. Napangiti siya dahil ditto at kinuhang muli ang dyaryo na binabasa kanina. "It's ready. I just need your go signal, anak."


Kumurap-kurap ang dalaga. Nung una hindi pa niya maintindihan kung ano ang gustong sabihin sakanya ng ama pero nang magtagal kumurba ang malaking ngiti sa labi niya.


"Hontouni?!" (Really?!)


"Yes, anak. Sabihan mo lang ako at gagalaw na ang mga tao ko."


***


"Earl, anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong ni Myka habang nakatingin sa isang pamilyar na napakataas na building sa harapan nila ni Earl. Ito ay walang iba kundi ang company building ng mga Ilagan.


Hinigpitan ni Earl ang pagkakahawak sa kamay ni Myka at tumingin siya dito. Hinarap niya sakanya ang dalaga at nginitian. Pinagmasdan niya ang mukha ng dalaga sa loob ng sampung segundo bago 'to yakapin at pagkatapos ay lumayo siya para may kausapin sa kanyang cellphone.


Puno ng kaba at takot si Myka habang pinapanood si Earl na nakikipag-usap sa cellphone nito. Gusto man niyang lumapit para mapakinggan ang pinag-uusapan ni Earl at nasa kabilang linya may kung anong pumipigil sakanya sa paglapit dito.


"Kreschel anak."


Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Myka nang marinig ang pamilyar na boses nang kanyang ama na nanggaling sa likod niya. Naramdaman niyang may humawak sa magkabilang balikat niya, kasabay nito ang paglingon ni Earl sa direksyon niya at binigyan siya nito nang isang ngiti na hindi mo mawari kung ano ang ibig sabihin at pagkatapos ay may sinabi ito na kung anon a hindi naman malaman ni Myka dahil malayo siya.


"Earl... no..." mahinang bulong ni Myka sa sarili nang makita niyang tumalikod si Earl at nagsimula nang maglakad. Unti-unti nang bumagsak ang mga luha sa mga mata ni Myka. "Earl! Earl! Saan ka pupunta?! Earl!" sinusubukan niyang alisin ang pagkakahawak sa kanya ng ama pero wala siyang magawa kundi ang umiyak na lang habang sinisigaw ang pangalan ng lalakeng mahal niya.

HFALL II: The Greatest Assassin (Completed)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang