PROLOGUE

327 21 4
                                    

Maraming uri ng pagmamahal ang nagkalat sa buong mundo.

Paulit ulit na senaryo, pero iba't ibang kwento.

Iba't ibang pangalan.

Pero.....

Iba't ibang Wakas.

Sabi nila,,.... Ang pag ibig daw ang pinaka mapaglarong salita sa buong mundo.

Dahil kahit hindi ka naglalaro, Pinaglalaruan ka nito.

Pag umayaw ka. Talo ka.

Pag huminto ka. Talo ka.

Pero paano kung,, lumaban ka hanggang dulo?

Mananalo ka kaya??

Ano ba premyo??

Habang buhay na pagsasama???

Walang kamatayan na pagmamahalan?

O.......

Walang kamatayan na hinanakit lang ang ibibigay sayo ng isang KATANGAHAN?.

Sabi nga...... Huwag mong ibigay ang puso mo sa taong alam mong hindi sinsero sayo.

Wag mong hayaang makapasok sila sa buhay mo, gayong alam mong mahihirapan kang palabasin sila.




Oras???

Panahon???

Pagmamahal???

Kaya mo bang ibigay sakanya? Gayong alam mong walang kapalit?

Or kung may kapalit man..........

PANANDALIAN LANG.

....

Paano nga ba kilatisin ang isang tunay na pagmamahal.

Hanggang saan nga ba kayang magbigay ng sakripisyo at halaga sayo ng isang tao.

Magagamitan mo ba to ng batas?

Mahika???

Gayuma???

* Paano kung......

Mahal mo siya.... Mahal ka niya....

Pero mas mahal niya ang sarili niyang kapakanan..

* Paano kung.....

Maging sunod sunuran ka sakanya, dahil lang sa mahal mo siya.

Pero ikaw,,, ikinahihiya ka niya.

* Kaya mo bang aminin sa lahat ang tunay mong pagkatao?

Kaya mo bang itago ang nararamdaman mo sa kapwa mo para lang wag mawala ang tiwala nila at pag-asang ibinibigay nila sayo.

At higit sa lahat....

* Kaya mo ba siyang mahalin kahit na marami siyang kasalanan na nagawa sa kapwa niya.

Kahit na maraming masasamang bagay ang nilabag niya.

...

Hindi natin maiiwasan ang mahusgahan at magkamali sa isang relasyon o kahit sa buhay natin..... Pero sa tingin ko...

Hindi naman dapat minamadali ang ganitong bagay, dahil nakalaan ito sa mga taong handa na. Hindi yung para makaexperience lang. Para makapagbilang lang....
Magmamahal ka na.

Mali yun!! Sobrang mali!!.

Madaling magbitaw ng salita. Pero kung patutunayan??

Maraming mawawala sa pangako nila.




Hindi nagtatagal ang buhay ng tao dito sa lupa.

Swerte ka na nga lang kung umabot ka pa ng pagiging senior citizen.

Pero......
Ang pinaka swerte sa lahat....

Ay yung mahanap mo yung taong magpapaligaya sayo.

Yung kahit na aawayin ka,, pero at the end. Magsosorry siya.

Yung kahit na mainit yung ulo mo,,, lagi kang sumisigaw pagdating sakanya...

Pero...... Lagi ka niyang iniintindi at palaging nag bababa ng pride niya for the sake na mailigtas ang relationship.

...

Sa pagmamahal nga lang ba sumasaya ang tao??

Sa pag ibig nga lang ba umiikot ang mundo??

Kasi kung totoo yan.....

Dapat handa kang masaktan.

Handa kang tumanggap ng pagkatalo at pagkabigo.

Sabi nga......

Ang pag ibig....

Parang paligsahan...

Kahit hirap na hirap kang ipaglaban ang karangalan.

Basta't hindi para sayo..... Hindi ka mananalo.

Or should I say........ Better luck next time.

Malay mo sa second time or another time..... Ikaw na ang manalo sa laban.


Walang impossible. Pero kadalasan.

Tayo ang nilalamon ng POSIBILIDAD. NANG REALIDAD.

na kahit na masaktan, basta alang alang sa kagustuhan.

IPAGLALABAN.

Yan ang bisa ng pagmamahal.

Masaya sa una...

Malungkot sa gitna

At sa huli........ Iiwan ka nalang ng.........

DI MAN LANG NAGPAALAM.

Di Man Lang Nagpaalam (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu