Napatingin siya sakin. Gulat na gulat.

Pero dumaan lang siya sa harap ko, at lumabas na parang walang nangyari.

Langya ang sakit talaga.

Ilang inches lang ang pagitan namin kanina, pero nagawa niya parin akong hindi pansinin.

Paano niya nagagawa yun? Ang sakit dre.

Tch. Makaalis na nga lang dito! Lalo lang akong naaasar.

Kinuha ko na yung isang gitara, nagsulat sa logbook at bumalik na sa classroom.

“Oh, anyare sayo?” tanong ni Zac pagkaupo ko sa tabi niya.

“Wala ka na dun.”

“Tch. Sungit.”

“Tse. Ano, nakaisip ka na ng kanta?”

“Oo! (^__^)”

Ang saya mo. -__-

“Okay. Anong kanta?”

Lumapit ako para tignan yung papel na sinusulatan niya kanina. Pero bigla niyang tinago.

Eh?

“Mamaya na! Dalawa siya eh. Pinaghalo ko. Hehehe. Mamaya mo nalang tignan ‘pag tapos na. (^__^)”

“Osige. Gandahan mo ha!”

“Oo naman. (^__^) Mag-gita-gitara ka muna diyan.”

Okfine. Pagbigyan. Tutal sabi niya wala siyang alam sa music, baka ito lang maitulong niya. Kaya hinayaan ko nalang siya.

Naglaro-laro muna ako sa gitara habang hinihintay si Zac.

“Alright, class. See you next meeting,” biglang sabi ni ma’am.

Eh? Tapos na ang klase?

“Huy! Ano na? Ang tagal mo naman! -__- Tignan mo oh, umalis na si ma’am!” sabi ko kay Zac na nagsusulat parin.

“Eh! Patapos na ako!”

“Tch. Pinakuha-kuha mo pa ako ng gitara. (-__-)”

Nakita ko tuloy si Josiah. Nasaktan tuloy ulit ako.

“Mamayang uwian nalang tayo magpractice,” sabi ni Zac.

“E-Eh? Kailangan na ba nating magpractice?”

“Oo naman! Para matignan din natin kung ok ‘tong nagawa ko. (^__^)”

“Okay! Fine! Mamayang uwian! Tch,” sabi ko. Kung sabagay, wala din naman akong gagawin. “Oh, andiyan na si sir!”

Tinago ko muna yung gitara sa tabi ng upuan ko para makinig (kunwari) kay sir.

At sa wakas, ay dumating din ang uwian.

Dinala ako ni Zac sa may bleachers. Oo, ang parehong bleachers kung saan nagkaaminan kami ni Josiah.

‘Di ko maintindihan kung nananadya ba ‘tong si Zac o ano eh. ‘Pag ang iprepresent pa namin ay yung dinedicate na song sakin ni Josiah, papatayin ko na talaga ‘to.

Aish. Bakit ba dito pa?

Naaalala ko pa yung araw na yun. Nung inakala kong makikipag-“break” sakin si Josiah, pero yun pala, gusto na niyang maging totoo ang pagiging kami.

That Guitar PlayerWhere stories live. Discover now