CHAPTER 46

4 2 2
                                    

[Chapter 46]






Nagmarcha ako pabalik sa loob ng building. Laking gulat ko ng makita ko si Magnus na pinapanood kami mula sa labas. Mukhang nakita niya ang kabuuan ng nangyari sa amin ni Luis.

Hindi ako makatingin ng maayos sa kaniya dahil sa hiya. Pero siya na mismo ang nagkusang lapitan ako. His face grimmed in curiosity.

"It doesn't seem like a pleasant conversation." Aniya.

Napalunok ako ng malalim sa sinabi niya. Wala rin akong ibang masabi dahil--hindi kami nagkaroon ng maayos na usapan nina Luis.

"Don't worry, you don't have to say anything. I just hope you two reconcile soon."

"Hindi na importante kung magkaayos kami o hindi." I said as I spur away from the scene and directly came back to the office.

Hindi ko na rin siya pinasadahan ng tingin pa. Pagbalik ko sa opisina ay wala na si Miyah sa cubicle niya. Nakita ko sa computer screen ko ang nakadikit na sticky note.

'Lunch na ko bhie, maiwan ka.' ang nakasulat sa sticky note. Halatang si Miyah ang nagsulat. Nauna na ang gaga sa pagkain. Pero 'di bale dahil hindi din naman ako makakasama. Magmamadali pa ako papunta kila Lola Linda.

Lumabas ako dala ang mga gamit ko at nag-abang ng taxi. Maya-maya lang ay nasakay na ako at kinalaunan ay nakarating na din sa bahay nina Lola Linda.

Tanghaling tapat kaya may ilang kabataan na naglalao ng basketball sa court na nasa tabi lang ng maliit na bahay nina Lola Linda. Sa terrace pa nga lang ay nakikita ko na si Princess na naglalaro ng manika. Nilapitan ko siya at hinimas ang ulo niya kaya napaangat siya ng tingin sa akin.

I gave her a warm smile as soon as our eyes met. Agad siyang tumayo para tawagin si Lola Linda. Nang makita ay nilabasan ako ni Lola Linda at niyakap.

Hindi ko naman sila kadugo pero parang pamilya na ang turingan namin sa isa't-isa. Napaisip tuloy ako kung binibisita kaya sila ni Luis? Si Luis naman talaga ang una nilang naging pamilya bago ako.

"Kamusta po kayo, 'la? Kumakain po ba kayo ng maayos" pangangamusta ko.

Ngumiti siya at bahagyang ngumiti, "Ayos lang ako, ikaw ang dapat na tinatanong ko niyan; parang namamayat ka na oh." Sagot niya sabay hawak sa pareho kong braso habang ang kaniyang mata naman ay gumagala ng tingin sa aking pangangatawan.

Namamayat na nga ba ako? Hindi ko kasi iyon napansin sa sarili ko dahil masyado na akong gahol ngayon sa trabaho.

"Payat na?! E 'di maganda, mas lalo pa ako sumexy." Biro ko.

Mahinhing hinampas ni Lola Linda ang blikat ko habang tumatawa.

"Pero lola. . ano po bang nangyari?" Panumbalik kong tanong. Pinaupo na ako ni Lola Linda sa sala niya sa may kahoy na upuan at pinaglabas ako ng isang basong tubig. Kinalaunan ay naupo rin siya sa harap ko, "Mahina na ulit ang benta. Baka bumalik ako sa paglalako sa labas." Sabi ni lola sa nanghihinang boses.

Tuluyang naglaho ang kalmado kong ekspresyon at napalitan ng nangungunot na noo at nag-aalangang labi, hindi ko hahayaang bumalik si Lola Linda sa paglalako, "Lola! Hindi na po kayo pwedeng maglako pa ulit dahil hindi natin alam. . balikan ka ng mga siga na 'yon at kung ano pa ang gawin sa inyo!" medyo tumaas na rin ang tono ng pananalita ko kaya kita sa mga mukha ni Lola Linda ang pagkadismaya.

"S-sorry. . hindi ko sinasadyang pagtaasan kayo ng boses, lola."

"Okay lang, hija. Naiintindihan ko naman na nag-aalala ka lang para sa kalagayan ko. Kaya nagpapasalamat ako dahil pinagmamalasakitan mo kami." Naantig ang puso ko sa kabutihang loob ni Lola Linda.

Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Where stories live. Discover now