CHAPTER 2

38 9 0
                                    

[Chapter 2]

Pagkatapos naming kumain sa isang restaurant ay agad naman akong nabusog sa lahat ng kinain namin. Dumeretso na kami agad sa bahay nina Rhoanne dahil doon rin naman nakatira ang pamilya ni Denver. Si Chester at si Denver ang siyang nagbaba ng mga gamit ko sa loob pero nang makabalik na kami sa loob ng bahay ay isang malaking problema naman ang lumantad sa aming mga mata.

Ang mga magulang ni Rhoanne ay naabutan naming nag-aaway; sa puntong nagkakasakitan na ang dalawa. Napakaseryoso ng pagkakataong ito dahil hindi na tama ang simpleng nagiging argumento ng kanilang mga magulang. Alam kong iniisip ni Rhoanne na kahiya-hiya para sa akin na maabutang nag-aaway ang kaniyang magulang kaya naman agad na akong pinalabas muli ni Rhoanne upang maihipan ng preskong hangin. Pero kahit na pabutihin niya ang aking lagay dito sa labas ay alam ko naman na siya ang mas may kailangan nito. Gustuhin ko mang pumalagitna sa pag-aaway nila ay alam kong wala akong karapatan upang makialam.

Si Denver ang nagsilbing gitnaan ng dalawa sa pag-aaway nila, sa pag-asang maaari pa nilang palambutin ang sitwasyong halos dumumog sa relasyon ng dalawa.

Habang kami'y nag-iintay lamang sa labas ay napagtanto na rin ni Rhoanne na hindi makakabuting manatili pa ako sa kanilang bahay.

"Pasensya ka na, Jenica, ganito ang inabot mo. Pasensya na talaga, Jenica, pero sa tingin ko ay hindi ka pwedeng tumuloy dito sa ngayon." Malungkot na pagsasambit at paghingi ng tawad ni Rhoanne habang malumanay niyang itinatatak sa kaniyang isipan ang kaniyang mga nasilayan.

"It's okay, Rhoanne. 'Wag mo na akong isipin at maghahanap na lang ako ng hotel na pwede kong matuluyan ngayong gabi. Just mind your parents first, it's a priority." Mahinhin ko namang isinagot. Mas pinili kong maging understanding sa sitwasyong ito kaysa pairalin ang aking nerbyos.

Akala ko ay ganun lamang kadali makahanap ng motel na maaari kong matuluyan sa sandaling panahon pero hindi pala. Sa buong gabing iyon ay naituon ko lang sa paghahanap ng motel na matutuluyan ko, pero ni isa ay hindi ako nakahanap, kung magkakaroon man ay tiyak na hindi ito ligtas tuluyan dahil naglalantaran ang mga lasing na kalalakihan sa lugar na iyon. Kaya nang mapagod ako ay tinigil ko na ang paghahanap at doon ay nakita ko ang aking sariling palaboy-laboy na lang sa mga kalye. Natigil ako at naupo sa tabi ng puno kung saan may bangko, doon ay nagpahinga ako habang nakatulala sa ganda ng mga talang nakapaligid sa aking mga mata.

Naisip ko na lamang si Lucas, nasaan na kaya siya? Hindi ba't siya ang dapat sasabay sa pagsundo sa akin? Pero hindi man lang ako nakatanggap ng ni isang text sa kaniya. Kaya naman nagpasiya ako na tawagin siya sa telepono. The phone rang as I contact his number on the phone. He answered. 'Yun ang momentong nagbigay sa akin ng pagkakataon na marinig muli ang tinig ng kaniyang boses. Ang boses na hindi ko nadinig ng sampung taon.

Doon ko lamang napagtanto na matagal ko na palang hinahanap-hanap ang kaniyang presensya. Matagal ko na siyang gustong makita. Ito na ang pagkakataon ko para makita at makausap siyang muli.

At sumagot na nga ang tawag, "Sino to?" Patanong na isinagot ni Lucas sa tawag. Sa totoo lamang ay nadismaya ako sa naging sagot ni Lucas sa tawag, nakalimutan na ba niya ako?

"Ahh! Jenica?! Sorry! Hindi ko namalayan na nakabalik ka na pala. Hindi ba dapat bukas ka pa makakauwi?" Padagdag niyang itinanong habang ang kaniyang tono ay nanginginig sa nerbyos.

"Pero Lucas... Nagtext na ako sayo noong papasok pa lang ako ng eroplano na darating na ako. Hindi mo ba natanggap ang text kong iyon?" Malumanay kong tinanong sa kaniya habang siya naman ay mamatay na sa taranta.

"Ahh... Haha- syempre nakita ko! Nakalimutan ko lang..." Tila nahihiya pa siya sa kaniyang pagsagot sa aking tanong.

"Eh.. Lucas... Wala kasi akong matutuluyan ngayong gabi, pwede ba kong tumuloy sainyo ngayon?" Aking tanong para kay Lucas. Lumipas ang ilang segundo na walang imik na tugon si Lucas sa aking tanong kaya hindi ko naiwasang makaramdam ng pag-aalala. Pero sumagot din siya after a few moments, "Sigurado ka ba, Jenica? M- M- Madumi kasi ngayon dito, kakailanganin ko pang maglinis." Nauutal na tugon ni Lucas.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now