CHAPTER 17

15 8 0
                                    

[Chapter 17]





"Dito ka na lang magtrabaho." pag-aalok ni Rhoanne. Karga niya ang mga gulay na inani ng papa niya.

Iniling ko ang ulo ko saka tumanggi, "Hindi na. Lolo mo lang din naman ang magtatanggal sa'kin."

"Si Lolo? Hindi ko hahayaan 'yon. Professional lang tayo dito. No hard feelings." ani Rhoanne. Kahit naman magpakapropesyonal kami, nandun pa din ang namumuong galit sa'kin ng lolo niya. Lagi na lang siyang galit sa'kin, kailan niya ba ako mapapatawad?

Matagal nang may galit sa'kin ang lolo ni Rhoanne, si Mang Grosio. Noong 15 ako, magkaklase na kami ni Rhoanne, inaya ko siyang gumala sa may Simbahan dahil sabi niya ay may nakita siyang gwapong sakristan. Syempre mga bata pa kami noon at madalas kumikiri. Gabi noon dahil may simbang gabi pero dahil wala siyang ibang kasama sa bahay noon kundi ang lolo niya, matik na na hindi siya papayagan kapag ang lolo niya ang kinausap. Hindi lang siya ubod ng strikto, masungit na talaga siya in nature. Papasok pa lang kami ng bahay niya pero alam na namin agad ang sagot na isasagot niya, kaya napa 'last minute' decision making kami. 

"Magsinungaling ka na lang!" matigas kong sinabi sa kaniya habang ang boses ay nakabulong.

"Hindi ko kaya, Jenica!" umiling siya, ang mga kamay niya'y naghihigpit sa'kin.

"Kaya mo 'yan! Hindi naman niya malalaman kapag dumating na ang mga magulang mo." panumbalik ko sa kaniya. Patuloy ako sa paghikayat sa kaniya dahil malapit na magsimula ang misa at kailangan na namin magmadali.

Napalunok siya saka mabagal na naglakad patungo sa kaniyang lolo. Hinarap niya ang lolo niya saka lumunok ulit bago siya magsimulang magsalita, "Lolo. . . . dumating na po si Ma'am Rosana, nakita ko po siya sa daan tapos tinawag niya po ako dahil bibigyan niya daw po ako ng pasalubong. Punta lang po ako sa kaniya ah." medyo nauutal pa siya pero sino ang niloloko niya? Sinasabi niya pa na hindi niya kaya, ngayon nga lang ako nakarinig ng taong kasing-galing niyang magsinungaling. San niya naman nadampot ang excuse na 'yan? Creative liar ka ah.

Mukhang natuwa pa ang matanda! Ngumiti siya agad nang marinig na magbibigay ng pasalubong si Ma'am Rosana. Siya naman ang guro namin sa English subject. Lumipad siya saglit sa America para dun manganak, nakapangasawa kasi siya ng afam kaya sinusunod niya ang mga kahilingan nung afam. Nagsaya kami saglit ni Rhoanne nang makalabas na kami ng bahay saka kami nagmadaling dumiretso sa simbahan. 

Sa pagdating namin sa Simbahan, marami nang taong nakatambay sa labas. Simbang gabi raw pero ang mga suotan kala mo a-attend ng gang meet-up. Sorry judgemental ako. Pumasok na kami sa loob, nakasuot ng nagsisigandahang puting bestida. Nakababa ang buhok ko habang nakatirintas si Rhoanne. Naupo kami sa pinakamalapit na gawi ng upuan para mas malapitan naming makita ang gwapong sakristan. Maya-maya lang ay dumating na ang gwapong sakristan na nakasunod sa Pari. Nagsimula ang misa at nagsimula na rin magsalita ang Pari, habang ang mga sakristan naman ay nasa gilid lang at nakaupo. Buong misa, nakatitig lang kaming dalawa sa gwapong sakristan. Napansin naman ng katabi naming babae na nakatitig kami sa kaniya.

"Crush niyo ba? Pamangkin ko 'yan, si Bryson. Naghahanap 'yan ng jowa eh, ano lapit ko na kayo?" biro ng babae na siya lang din ang tumawa. Pero naengganyo kami sa alok niya kaya tinanguan namin siya. Nang matapos ang misa ay agad kaming lumapit kay Bryson. Tinawag niya agad ang babae na Tita Aria saka sila nagyakap. Sumulpot kami sa likod niya na kinasurpresa ng sakristan. Tinanong niya kung sino kami at isa-isa kaming pinakilala ng babae.

"Eto si Rhoanne at si Jenica. Irereto ko sila sayo." ani ng babae.

Pero umiling ako saka iwinagayway ang mga kamay na tumataliwas sa plano ng babae, "Ah! Hindi po ako, si Rhoanne lang po! Haha. . ." ikinasiwa ko ang pagtawa ko sa dulo, akala pala niya ay pati ako ay naghahanap ng jowa. Hindi pinansin ni Rhoanne ang pagkakamaling nagawa ng babae, bagkus ay nanatili siyang parang baliw na nakatitig at nakangisi sa kaniya. "Ahh. . ." maikling sagot ni Bryson. Tinulak ko naman si Rhoanne papalapit sa kaniya na siyang ikinatuwa ng babae sa tabi ko. Nginitian siya ni Bryson at naghawak sila ng kamay. 

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now