CHAPTER 16

16 8 0
                                    

[Chapter 16]





Hindi makapagsalita. Hindi makaimik. Hindi makatingin.

Dumating din sa wakas ang mga pulis! Sa pagkakataong ito ay mas marami na sila. Nagulat din ako sa taong sumalubong sa'kin kung hindi si Denver. Dumating si  Leanne na tarantang-tarantang tumatakbo papalapit kay Mackey. Ganoon rin si Mackey na tumakbo palapit sa kaniya at sumalubong para sa isang mahigpit na yakap. Umiiyak na siya noon nang makita niyang ligtas ang anak niya. 

Samantala, ang mga pulis naman ay nasa likod at marahas na inipitan ng handcuffs sa likod habang wala pa sa malay. Ang ibang pulis naman ay nakabaling kay Luis para sa imbestigasyon. Ako naman? Nag-isa na lang ako dito dahil umuwi na agad sina Leanne bago pa man ako makahingi ng tawad. I can definitely feel from my skin that I'm freezing. For no absolute reason or for fear I faced today. I didn't know it would leave a huge impact to my mental capability.

Bigla na lang umupo sa tabi ko si Luis. Siguro ay natapos na siyang kausapin ng mga pulis.
"Are you okay? I know that shitass slapped your face, but-" pag-aalalang tanong niya.
"Of course, I'm fine!" patuloy ako sa pagpapanggap na ayos lang ako pero ang totoo, hindi. Nginig na nginig ako sa pagkataranta, para akong mawawala sa sarili sa kakaisip kay Mackey. Parang hanggang ngayon, 'di pa din nawawala eh.
Halata sa mukha niya na hindi siya kumbinsido sa excuse na sinabi ko sa kaniya. Nangangambang tumataas ang mga kilay niya habang naka-ipit ang mga labi niya. 

Dumating si Denver nang hindi inaasahan. Sabay kaming tumayo ni Luis sa gulat. Akala ko sasabay na siya kay Leanne, pero nauna pala talaga ang dalawa. Hinihingal na nakarating dito si Denver at pawis na pawis.

"Jenica!! Nasaan si Mackey?!" sigaw niyang patanong habang patuloy siya sa paghingal.

"Kasama na siya ni Leanne ngayon! Ligtas siya, 'wag kang mag-alala. 'Di ko lang alam kung saan na nagpunta sina Leanne." paninigurado ko sa kaniya. Hindi na muli pa nagsalita si Denver at agad na sinundan ang mag-ina. Naiwan na lang talaga kaming dalawa ni Luis dito. Tinignan ko siya na para bang overprotective kung makatingin sa buong katawan ko. Sinamaan ko na lang ang tingin ko sa kaniya saka lumingon sa kabila. Ano iyon? Sa sulyap ko, parang nagkandarasa ang mga tao sa pagpasok sa loob at tila nagkakagulo pa sila!

Sasabihin ko sana iyon kay Luis pero bago pa man iyon masabi ay naunahan na niya ako. Nakatakip ang kamay niya sa bibig ko nang magmadali siyang dalhin ako sa loob ng elevator. Mabagal na nagsara ang pintuan ng elevator kaya kahit na makapasok kami, nakita pa rin kami ng mga tao na tinawag ni Luis na paparazzis.

"Fuck. . . we're damned by those damn paparazzis." bulong niya sa kaniyang sarili na narinig ko pa din.

"Ano ba 'yun?! Bat ka nila tinutugis?" pag-aalala kong tanong sa kaniya habang humihingal din ako sa pagod.

"Don't you know what a paparazzi is?! Of course they're desperate to get a photo of me!" medyo naiirita siya sa pananalita niya.

"Edi magpapicture ka. Imbes na pinagyayabang mo sa'kin 'yan kagwapuhan mo, bat 'di ka magpabida sa mga paparazzi na 'yan." asar ko sa kaniya na kaniyang kinainis lalo.

"Goddamn, Jenica! I haven't even heard a single thank from you!" mukhang sagad na sa galit si Luis. Sige tigilan ko na, pikon eh.

Natahimik ako sa pagbugso ng galit niya at huminga ng malalim habang nakasandal.

"I- I'm sorry. . . I don't know why I'm acting like this starting when I saw you in that state."

"Ano bang meron sa'kin? Maayos naman ako, sabi ko sayo."

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now