CHAPTER 4

22 8 3
                                    

[Chapter 4]







Sobrang nakakahiya!! At nagawa ko pa talagang tumalon sa kama ng ibang tao?! Hindi ito magandang senyales.

Pero ang pagpapaumanhin ni Luis ay mistulang ginagawa niyang katatawanan. Mas lalo pa akong kinabahan sa mga ganap. Imposibleng nagkamali lang siya diyan! Bahay niya 'to kaya dapat alam niya iyon. Talagang nakakapagtaka. Ngumiti ako sa kaniya awkwardly at lumapit sa pintuan na katabi niya, pero nang tangkain kong lumabas ay bigla na lamang niyang sinarado ang pinto. Ano ba talaga ang pinaplano niya?! Baka may masama siyang gawin sa'kin!

"Okay... uhh- L- Luis?" I said stutteringly. Tumango ako sa kaniya, nakangiti pa talaga siya. Baliw ba siya?!

"Sorry.. but you can't leave." ani niya. Bigla na lang niya hinablot ang aking braso sabay hila sa'kin sa may pader, tinulak niya ako sa pader at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa pader, kaya naman na-stuck ako ngayon sa harapan niya, walang magawa, walang malusutan. Nararamdaman ko ang aking puso na labis na tumitibok, habang ang aking mga pisngi ay tila mas pula pa sa mga rosas, ang malala pa dito ay sobrang halata kung kaya't madaling nakakita si Luis ng bagong aasarin sa'kin.

"You're flustered? Am I making you flustered?" ang mga sumusunod na sinabi niya ay lalo pang nagpakaba sa'kin, halos nararamdaman ko na nga ang aking mga hita na malapit nang bumigay. "I really regret arguing with you~ If only I found out sooner how beautiful you were, so maybe.. pwede pa tayong magka-ayos?" ano bang inaakala niya?! Na ganun-ganun na lang kadali lahat ng yun? Nagkakamali siya. "Madali lang magpatawad, sa'kin hindi." ang magaspang kong sagot. Hindi ko na kailangan pa magsalita ng napakarami, hindi ko siya mapapatawad, ganun lang yun.

"I see. Could it be that you're looking for a different way of apology?" habang mabagal niyang itinabi ang kaniyang mga tingin sa kama. Napatingin din ako kung kaya't nanlaki ang aking mga mata. Hindi lang siya walang modo, manyak din! I gasped, at agad na humiwalay sa kaniya patalikod. Tugon niya'y pagtawa lamang, napakabastos. I rolled my eyes at lumapit muli sa pintuan para makaalis pero pinigilan niya pa rin ako at siyang tinulak sa kama. Nahulog ako sa kama at dahil sa kaniyang puwersa, hindi na tuloy ako makatayo ng maayos.

"Is there really no room for forgiveness? I have a room for us to get naked though. Kaya pwede ba, tigilan mo na ang pakikipag-away sa'kin.... dahil in the end, alam ko namang sa'kin ka pa din babagsak~" mabagal niyang tinugon, habang ang kaniyang boses ay mistulang nag-iba rin ng tema. Mas mabagal, mas mahinhin, para bang nanghihikayat ng malumanay. 

"No! Mas pipiliin ko pang makipag-away kaysa mapunta sa iisang kwarto kasama ka!" galit kong isinigaw habang pinipilit kong makawala sa kaniyang puwersa. Kung nalaman ko lang na manyak pala ang taong 'to, hindi ko na sana pinag-isipan ng maganda pa siya dahil lang sa pinatuloy niya ako dito ngayong gabi. Kaya pala! Kaya pala napagdesisyunan niyang patuluyin ako! Para mabastos niya ako! Walang modo!

Dapat ay sasampalin ko siya pero nahuli niya ang kamay ko at tinulak pa ako sa kama, "Gusto mo makipag-away? Sige, mag-away tayo sa kama." lalo niya pa akong ginulat sa mga katagang nalilikha niya para lang makuha ako. Gusto kong makawala pero parang imposible na itong gawin. Hindi na ako muling umimik pa, ni hindi ko na nga makuha ang aking sarili na manlaban pa, masyado na akong pagod, tulog lang ang hinahanap ko pero bakit kailangan ko pa itong habulin?

Ang kanang kamay ni Luis ay mahigpit na nakahawak sa aking pulso pagkat habang ang kabila ay masusing hinahatak pababa ang kaniyang tapis sa pang-ibaba. Tumaas ang aking kanang kilay sa nerbyos at agad na pinikit ang mga mata sa takot na makakita ng bagay na hindi ko dapat makita. Kahit na nakapikit ang aking mga mata ay naririnig ko naman ang mahinang mga tawa ni Luis. Malumanay siyang tumatawa kung kaya't talagang nakakapang-tayo ng balahibo ang lahat ng tunog na ginagawa niya. 

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now