CHAPTER 36

9 4 0
                                    

[Chapter 36]










Masaya kaming nagtatawanan nina Lola Linda at Princess habang nagtutulungan sa paggawa ng mga kakanina at pandesal para sa panibagong tinda ni Lola nang bigla nalang naming marinig ang pinto na bumukas.

Nagpakita si Luis. Bakit nandito na siya agad? Ang aga niya ah! 'Di ba may shooting 'yan ngayon?
Luis saw how messed up his kitchen had turned and he doesn't seem to be pleasant with it.

"L- Luis?! A- Aga mo ah!" hindi ko mapigilang mautal sa gulat na makita siya.

Saka niya ako biglang hinatak palapit sa kaniya kung saan hindi maririnig ni Lola Linda ang pag-uusap namin. He leaned close to me and gave me a nasty look before he began to whisper, "What the hell are y'all doing here again?! Look what happened to my kitchen!" I didn't know Luis cared for his kitchen that much for him to complain about how messed up it is.

"May nangyari lang kasi! Kanina napagtripan ng mga tambay si Lola Linda kaya natapon ang mga tinda niya. Kinailangan namin magluto ng panibago para magkaroon siya ng kita kahit papaano." paliwanag ko sa mahinang boses.

Sinulyapan niya ulit ang dalawa bago siya bumalik sa'kin, "Really? Because you literally had to use my kitchen!"

"Oh eh ano naman?! Masama bang tulungan ko si Lola Linda?!" namaywang ako habang ang kabilang kamay ay nakahaplos sa noo ko.

"No! But why are you even deciding things on your own?!" naiirita niyang tanong, namaywang din siya at ang kabilang kamay ay naghahawi ng kaniyang buhok sa likod. I know he's mad but forgive me for still admiring that view of him! God! He's so hot.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya pero inirapan ko siya at humalukipkip. Bigla na lang kami napalingon nang marinig namin si Lola Linda, "Pasensya na sa istorbo. Lilinisin na namin ito at aalis na kami." halata ko sa ekspresyon ni Lola na nagpipigil siya ng damdamin. Nagmadali sila sa paglilinis at walang ibang nagawa si Luis kundi tanggapin ang sinaklap ng kusina niya. Sa inis ko'y sinuntok ko ang braso niya at napahimas siya sa sakit.

"Lola, stop!" natigil naman si Lola Linda sa gulat. "S- Stay. Wala naman akong sinasabing pinapaalis ko kayo." he excused. It was a lie but better be a lie. Ngumisi ako sa kaniya at bumalik sa pagtulong kina sa maglola. Pero si Princess naman ang lumapit kay Luis at namaywang sa harap niya saka umismid sa kaniya, "Rinig ko eh! Pinapaalis mo na kami!" galit niyang sumbat. Namilog ang mata ni Luis sa kaba at dali-daling nag-isip ng ipangtatakip, "What?! No! Hindi ko kayo pinapaalis!" he lied again.

Simula noon ay kumalma na si Princess at nakalolokong ngumiti, "Kung gano'n, tumulong ka!" wow! She's so bossy to even order Luis to help.

Bumuntong-hininga si Luis at pumunta sa kusina akala mo'y mabigat na mabigat sa damdaming mapilit. Inutusan siya ni Lola Linda na magmasa na ginawa niya naman, ang kaso lang ay masyadong mabagal ang pagmasa niya, halatang 'di inaayos ang trabaho dahil pilit lang. Kaya sa inis ko, patago ko siyang tinadyakan sa likod. Napansin iyon ni Lola Linda pero 'di niya na masyadong inintindi at nagpatuloy sa ginagawa. Sumulyap sa'kin si Luis at inismidan ko siya. Lalo siyang sumimangot dahil sa sama ng loob.

Sa huling pagkakataon ay bumuntong-hininga siya at simula noon ay inayos na niya ang pagmamasa niya. It was fast yet in a normal phase, I can see why Lola Linda is not complaining, Luis seems to know what he's doing. Dumating sa oras na isasalang na namin ang mga masa sa loob ng oven. Nang maipasok na namin ito sa oven ay nag-apir pa kami sa isa't-isa. Nagkwentuhan kaming lahat ng mga masasayang bagay na nauwi sa katuwaan. Laganap sa buong kwarto ang mga tawanan at hiyawan namin. It was a really happy atmosphere here!

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now