CHAPTER 26

13 5 2
                                    

[Chapter 26]





[Chapter 26]

Matalim ang tinginan ng dalawa sa isa't-isa. Para bang may sasabog sa oras na isa sa kanila ang magsimulang magsalita ulit. Pero lumingon si Prince sa aking gawi at lumapit. Naglakad siya habang nakapamulsa. Samantalang balewalang nilagpasan ni Prince si Luis.

Napaawang ang labi ni Luis nang makita kung paano binaling ni Prince ang kaniyang atensyon sa akin.

"Who's this girl with Luis?" tanong niya habang nakangisi.

Kumaway ako sa kaniya na para bang bata, nawala kasi ako ng pokus sa sarili nang lumapit siya, "H- Hello po. . ." bati ko sa kaniya. Inalok ko siya ng kamay, "Jenica po. Jenica Acab. Sub-assistant niya lang po ako since wala si Paul." masigla kong pagpapakilala sa kaniya, dinagdagan ko na ng paliwanag dahil baka pagkamalan niya pa kami ni Luis na magkasintahan, more like sa panaginip lang posible.

Mas lumaki ang lawak ng ngiti ni Prince. Lumipad ang kaniyang palad sa kaliwang balikat ko. Mapungay na sumalubong ang kaniya mga mata na nakatitig sa akin.

Kitang-kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ni Luis mula sa aking peripheral view. Ohhh! Nag-eenjoy ako sa reaksyon ni Luis.

"Jenica's such a sweet name. Curious ako kung paano mo nakuha ang pangalang iyan." ani Prince.

Obviously nakuha ko sa mama ko, siya ang nagpangalan sa akin e.

"My mom gave it to me. Sabi niya, pangalan iyon ng anghel na napanaginipan niya." kwento ko sa kaniya. Nakwento sa akin iyon ni lola Mildred noong bata pa ako, sabi niya ay natutuwang nagbalita sa kaniya si mama isang araw bago niya malamang pinagbubuntis niya 'ko na may napanaginipan daw siyang anghel na nagpakilala biglan Jenica. Hanggang ngayon, nahihiwagaan pa din talaga ko sa panaginip na iyon.

Napaawang ang labi ni Prince sa surpresa, "Wow. . . You must've been very special. I should meet your mother sometime." sa isang iglap ay nangunot ng labis ang noo at paningin ni Luis nang marinig niya sa Prince na sabihin iyon. Halata sa pananalita ni Prince na umii-score siya sa akin. Nakakatuwa ang reaksyon ni Luis, halatang nagseselos siya. Kaunti na lang ay masapak niya si Prince sa galit na namumuo sa mukha niya.

"Ah. . . wala na si mama." I cleared to him with a slight chuckle. He went speechless to what I said, "Oh. I'm so sorry, I didn't mean to put it that way."

"Hindi, okay lang!" tumawa ako ng bahagya, "Not a big deal." I reassured.

All of a sudden, Luis cleared his throat, making an unusual distrubance to our conversation. "Prince, may scene pa tayo. Mukhang tinatawag ka na nga ni Direk e. Pwede bang mamaya na kayo maglandian?" reklamo niya. Sirang-sira na ang mood niya sa tono pa lang ay alam ko na. Umirap pa si Prince bago siya lumingon kay Luis at nagpakita ng mapagpanggap na ngiti.

"Thank you, Luis sa pagpapaalala." lumingon siya sa akin sa huling pagkakataon, "I almost got entirely distracted because of this charming lady." he winked.

Ganoon na lang ang gulat ko nang kumindat siya sa akin. For sure nakita iyon ni Luis! Kaya nga nanginginig na ang mga kamao niyang nakasarado.

Umalis na noon si Prince at dumiretso sa susunod na scene setting. Nang maagaw ang pagkakataon ay si Luis naman ang lumapit para sugurin ako. Galit na galit ang kaniyang mukha. "What the hell was that?!" he hysterically questioned.

"Wala? Tinanong niya lang ang pangalan ko, bakit?" I cluelessly answered kahit na gets ko talaga na nagseselos siya. Ang sarap niyang pagkatuwaan.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now