CHAPTER 42

6 4 0
                                    

[Chapter 42]


Sumapit ang gabi. Bago kami magsalusalo sa hapunan ay tinuro muna sa amin ng kasambahay ng bahay ang mga kwarto namin. Si Wesley at Luis ay makasama sa iisang kwarto. Si Magnus at Lyra naman ay magkasama sa isang kwarto, habang ako naman ay kasama sa iisang kwarto si Danica.

Hindi sa ayaw ko pero parang gano’n na nga. Nakakahiya na siya ang makakasama ko sa isang kwarto. 

Nakangiting humarap sa akin si Danica habang hawak niya ang mga bagahe niya. “Let's go to our room shall we?” Aya niya sa akin pero nauna naman siyang dumeretso sa kwarto. Nagmadali na rin ako sa pagkuha ng mga bagahe ko. Naramdaman ko bigla ang pagtapik ni Wesley sa balikat ko. Kinuha niya ang iba ko pang mga bagahe na dapat ay isusunod ko na lang pagkatapos ng mga hawak ko ngayon. Nginitian ko siya kung saan nakaramdam ako ng biglaang pagkahiya. He was such a gentleman for helping me.

Ang kaso lang, nakita ko ang pagsimangot ni Luis nang makita ang maginoong ginawa ni Wesley. Tila nanginginig na nga ang kamao niya sa labis na pagtitimpi.

Napailing na lang ako at nagtapik ng ulo nang makalayo na ako. The way he looked at Wesley, he's definitely jealous! Hindi ko namalayang napansin pala ni Wesley ang ginawa ko at natawa, “Is it working?” Tanong niya. Napapaling ako ng ulo sa pagtataka.

“Is Luis already jealous?” sunod niya.

Nanlaki ang mata ko sa realisasyon saka natawa bahagya, “Ahh! Sinadya mo ‘yon?!” Natutuwa kong tanong. Pero nang itanong ko iyon ay malapit na kami sa kwarto. Nilapag ni Wesley ang daliri niya sa kaniyang labi na nagpapahiwatig na tumahimik ako. Baka raw kasi marinig ni Danica.

Hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi niya. Does that mean he's somehow helping me make Luis jealous?! Because if yes, that trick is working effectively. Knowing that all this chivalry is just a prank to push Luis into jealousy, I'm starting to get amused with Luis’ reactions. 

Pumasok kami pareho sa loob ng kwarto na nadadatnan si Danica na nagtutupi ng mga damit niya. Nauna nang pumasok si Wesley at dahan-dahang nilapag ang mga bagahe ko. Ako na ang naglapag ng bagahe ko pero tinulungan pa rin ako ni Wesley sa pag-alalay para dahan-dahang maibaba ang mga bitbit ko. Nang makatayo kami pareho ng tuwid ay napapahid ako ng kamay sa likod ko, hindi makatingin ng tuwid sa kaniya. Ganoon rin siya noong nagpapagpag siya ng kamay, hindi rin siya makatuwid ng tingin sa akin. 

“W-well. . . goodluck with him.” natatawa niyang banggit noong umakma siyang umalis na.

Nakaagaw ito ng pansin ni Danica at agad napalingon sa akin, “Him? Who?” Natawa ako sa kaniya. As if naman kasi na sabihin ko sa kaniya.

Nanlisik ako ng mata, “Secret.” Maloko kong sabi. Tinawanan niya lang din ako at pabirong dinuro-duro ng daliri.

Maya-maya lang ay tinawag na kami nina Magnus at Lyra para pumunta na sa dinner room para kumain. Sabay kaming pumunta ni Danica dahil iyon ang gusto niya. Isa-isa silang umupo hanggang sa kami na lang ni Danica ang natira. May dalawang bakanteng upuan, isa sa tabi ni Luis na mukhang pinag-effort niya talagang ibakante para sa isang tao, ang isa naman ay sa tabi ni Wesley. 

Sa tabi dapat ako ni Wesley uupo para makaiwas kay Luis pero inunahan na ako ni Danica. Saktong pag-upo niya ay humimas pa siya sa balikat ni Wesley. Napakamot ako ng ulo sa nakakahiyang pangyayari. This is an awkward situation I fell into. Pero ayokong makahalata sila kaya umupo na lang ako sa tabi ni Luis, tutal no choice e. 

Kuha ko ang titig ng lahat sa oras na tabihan ko sa pag-upo si Luis. Para bang inaabangan nilang mangyari iyon. Si Luis naman ay nahuli ko pang nangingisi. Nag-iwas siya agad ng tingin nang mahuli ko siya. Totoo na grabe ang hiyang inabot ko sa hapunang iyon, isa lang naman ang nagpakalma ng loob ko noon kaya nakaagapay ako sa mga hiya, syempre ang pagkain na nakahain. May inihaw na bangus, Filipino style pancit canton, Valenciana, at mga Fish fillets. Ang daming masasarap!

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now