CHAPTER 21

15 7 5
                                    

[Chapter 21]








Mahirap tumakas sa mga tinginan ni Wesley. Kakaiba siya kumpara sa lahat. Para bang mas nakaka-intimidate siya kumpara kay Luis, iba kasi ang dating niya.

Lalo pa ngayon at kinekwestyon niya ako tungkol sa kung anong meron sa amin ni Luis, ang totoo, wala naman talaga.

Umiling ako sabay sabi "wala." yun lang. Hindi siya sumagot, nakatitig lang siya sa'kin. Anong meron? Bakit siya natigil? Habang tumatagal, mas lalo akong kinakain ng hiya sa dinatnan ko. Nagalit ata si Wesley? Hindi na kasi siya umiimik. Wala ring ibang pinupuntahan ang mata niya kundi sa akin lang talaga.

Sa sobrang kaba ko ay nakaramdam ako ng para bang pangangailan na iklaro sa kaniya, "W- wala naman talaga eh. . ." nauutal kong pangungumpirma.

Tumawa siya ng malakas bago niya ako sagutin, "I was just joking." Sabay higop sa whiskey niyang iniinom. "I know walang mangyayari sa inyong dalawa kahit anong mangyari." Dagdag niya.

"Bakit naman?" Tanong ko.

I think I piqued his interest with that one short question. Inusod niya ang barstool mas malapit sa akin saka siya nagsimulang magkwento.

"Bakit? Gusto mo ba magkaron kayo ng something?" biro niya.

Hayst, iyan ang never! "H- Hindi! Tinatanong ko lang kung bakit mo naman naisip iyan." depensa ko.

Tumawa siya saka siya sumagot,  "Nothing much actually. I just think you're the type of woman who don't get laid or played easily." Well hindi ka naman nagkakamali, Wesley. Hindi naman talaga ako ang uri ng babae na ganun ganun na lang kadali makuha, bukod sa na kay Lucas na ang puso ko, hindi rin naman talaga ako madaling suyuin kaya madalas sa mga lalaking nagkakagusto sa'kin noon sa Switzerland, mabilis ding sumuko.

Litaw sa labi ko ang ngiti nang malaman ni Wesley ang true nature ng pagkababae ko. "Halata pala no?" I murmured.

He chuckled, "It is obvious."

Hindi ko din talaga maintindihan ang point ng pag-uusap na 'to. Kanina pa kasi paputol-putol ang usapan namin. Maybe this is a good time to ask about the girl earlier?

"Sino yung bab-" Naputol ang sasabihin ko nang isiksik muli ni Wesley ang gusto niyang itanong sa'kin.

"If there's a chance, would you like Luis?" tanong niya.

Si Sir Wesley naman, nagtatanong ng imposible. Anong klaseng tanong naman iyan? Obvious naman na kung ano ang isasagot ko diyan.

"Duh! No! Kahit bali-baliktarin niyo ang mundo, sama niyo na pati ibang planeta, hinding hindi ko magugustuhan ang impakto na iyan!" I ranted. It actually came out naturally that I couldn't help but grasp in embarrassment the sooner I realized.

Wesley was too enchanted with my explosive rants, but I can't blame him if ends up in that bottomless stare.

Until he suddenly burst out of laughter.

"HAHA! Are you for real? You're really different." Seryoso ang tono niya sa huli. Anong ibig niyang sabihin? Nagpapakatotoo lang naman ako.

"And let me guess, he would've told you 'Pinapangarap akong makasama ng mga babae habang ikaw na umaayaw sa akin?' and something like that?" Tumawa pa siya ulit.

Natawa ako sabay tango sa sinabi niya dahil iyan nga din ang eksaktong sinabi niya sa akin nung una! Tawa lang ako ng tawa, kinalaunan ay natahimik rin.

The vibe turned solemn and my eyes descended. Inubos ko na ang cocktail ko ng isahang inom lang. "I want whiskey too." I demanded to him.

Nasurpresa si Wesley sa aking demand. Bukod sa nakita na nga niya 'ko na inubos ng isang inuman ang cocktail, nanghingi pa ako ngayon mg whiskey.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now