CHAPTER 27

8 5 2
                                    

[Chapter 27]







"Do you really love him that bad?" nasamid ako sa iniinom kong tsaa, umabot pa sa puntong nabasag ko ito nang mabitawan ko. Pareho kaming napatayo sa gulat ni Iliza. Agad akong kumilos para pulutin ang kalat.

"I'm sorry, Jenica! Hindi ko sinasadya. Sorry sorry! Hindi na ako magtatanong pa." paumanhin ni Iliza. Mabilis na ang pananalita ni Iliza, siguro ay dahil na din sa taranta na tulungan ako sa paglilinis ng kalat. Sumigaw siya para tawagin ang available na janitor sa lugar para linisin ang naging kalat. Sa totoo lang ay nahihiya ako dahil pinatawag niya pa ang janitor para maglinis, at lalo na dahil nakagawa pa ako ng kalat dito. Hindi ko din naman masisisi ang sarili ko kung mabigla ako sa mga sasabihin ni Iliza. Kung nalaman ko lang na mangyayari ito, hindi sana ganito kabigla ang magiging reaksyon ko.

Nang matapos ang janitor ay lumapit si Iliza at inalok ako ng panyo. Basa ang braso ko noon dahil nga natapunan ito ng tsaa. Tumanggi ako sa alok niya at humingi na lang ng tissue pero bago pa man ako marinig ng mga staffs ay inunahan na ako ni Iliza. Siya na ang nagkusang punasan ang basa kong braso gamit ang panyo niya.

"Gosh you're still the same. You never accepted help." she recalled.

She's right. I hate receiving help from people, I always stick to the belief that I can do anything I want, I don't need help. Pero siya lang talaga ang nagtiyaga na ipilit ang sarili na tulungan ako sa mga oras na dapat ay nangangailangan ako ng tulong.

Humingi ako ng paumanhin pero nginitian niya lang ako.

"I need to talk to you more." aniya. Ang ngiti niya'y sinabayan niya ng seryosong mata.

"Tungkol saan ba talaga ang dapat nating pag-usapan?" pranka ang naging tugon ko sa kaniya. Kung ipagpapatuloy ko pa ang usapang ito, tiyak na puro pag-alis ko lang ang ita-topic niya, sisingit niya pa ang asawa niyang si Leon na minsa'y naging katrabaho ko.

Hinawakan niya ang kamay ko, "You know what we have to talk about." humigpit ang kapit niya sa aking kamay.

Si Leon ba? Ayoko na siyang pag-usapan. . .

Pero sadyang ayaw akong pakinggan ng mundo.

Me and Iliza once again sat on the chair facing each other. She crossed her legs and stacked her palm into her thighs while her head was perfectly leveled to mine. Before she could ever say a word, I made sure I speak before her, "Please? Iliza, alam mong tapos na ako sa kaniya. Masaya ako sa inyong dalawa."

Umiling siya, "No you don't. Kung masaya ka sa'min, hindi ka magre-resign ng biglaan."

Totoo na naglaho na lang ako na parang bula. Kaya masama ang loob sa akin ni Leon, dahil umalis ako ng walang paalam.

"Let's not talk about this now." seryoso kong sabi sa kaniya tsaka ko inalis ang kapit niya sa braso ko.

Umakma akong umalis pero natigil ako sa sinabi ni Iliza sa huling pagkakataon, "Then at least tell me the reason kung bakit ka bumalik dito!"

Hindi ako makapagsalita nung una. I took the courage to speak that time, "Bumalik ako para makalimot." at pagkatapos noon ay tuluyan na akong umalis. Sa pag-alis ko, nakasalubong ko pa si Luis na mukhang kakatapos lang ng isang scene, kanina pa nga ata siya natapos dahil astang nag-iintay na lang siya sa'kin dito. Naku! Narinig niya kaya?!

Akala ko magsasalita pa siya at makikichismis sa kung anong pinag-usapan namin ni Iliza, surpresang ni isang salita ay hindi siya umimik. Nakakrus siyang sumabay sa akin sa paglalakad papunta sa labas.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now