CHAPTER 33

8 4 0
                                    

[Chapter 33]









Naramdaman ko ang paghimas ni Luis sa aking pisngi. Sa oras na hawakan niya iyon ay naramdaman ko ang pamumula at pag-init ng pisngi ko. Hindi maiwasang mangisi, hindi maiwasang kiligin. Paulit-ulit ang takbo ng puso ko sa tuwing siya ang kayakap.

Sa lahat ng ginawa namin ngayon, imposibleng walang ibang ibig sabihin ang lahat ng 'yon! What if may nararamdaman na siya para sa'kin? Baka ito na ang sagot sa lahat ng mixed signals na pinaparamdam niya sa'kin? Baka-. . .

"Did you have fun today?" tanong niya sa mahinhin na boses na siyang nagpapakalma ng loob ko.

Nginitian ko siya habang pumupungay ng kusa ang mga mata tsaka tumango. Ngumiti rin siya at nagpungay ang mga mata. Ang gwapo niya talaga, habang tumatagal na nakatingin ako sa kaniya, lalong gumaganda ang mga nakikita ko.

"I'm glad we're finally good. 'Wag ka na ulit magtatampo ng ganoon okay?" paalala niya tsaka niya pinisil ang pisngi ko. "Oo na!" masigla kong pagsang-ayon. "Isa pa. . . kung nagseselos ka--perhaps because of my behavior in the set--you know you don't have to be jealous anymore." tumuwid ako sa pag-upo as I tilt my head to the left in confusion.

"Bakit?" tinatanggalan mo na ba ako ng karapatan na magselos? Teka--wala nga pala akong karapatan sa simula pa lang.

"You're special to me, Jenica. I've never trusted anybody else the way I did for you." ang lambing. Sa pagkakasabi niya pa lang ay parang nilalambing niya ako. 'Di ko talaga mapigilang hindi kiligin sa sinasabi niya. Special ako? Wait, baby talk lang ako.

"Special ako? Pa'no mo naman nasabi?" sinabi ko sa baby talk na pananalita sabay hawi ng buhok sa tainga na kala mo'y kiring-kiri.

Natawa bahagya si Luis sa naging reaksyon ko. Hayst! Nakuha pa talaga akong pagkatuwaan! "You're very special, Jenica, if only you knew." his voice grasped as if he was struggling to something that's beyond my knowledges, "I had fun today because it's you who I'm with." komento niya sa naging pagsasama namin ngayong araw.

I'm glad it's me you are with.

Habang nakatitig ako sa kaniya ay bigla kong naalala ang naging payo sa'kin ni Miyah kanina, "No. Diyan mo masusukat kung gaano katatag si boy. Kapag sumuko agad, then you got your answer na hindi nga siya at para sayo!"

Napaisip ako kung ito na nga ba ang sagot na hinahanap ko? Siya na ba ang the one ko? Paano ko nga ba malalaman kung hindi ko aalamin? Galaw-galaw, Jenica!

"So Lu-"

pinutulan ako ni Luis, "Jenica, I want you to know this. . . there's no other reason to be jealous, because you don't mean as much of any girl I'm with. Mahalaga ka sa'kin, Jenica. You're a friend I can't just lose easily." tila tinahi ang labi ko sa pagkatahimik mula nang marinig kong sabihin niya iyon. Friend? Kaibigan lang ang tingin niya sa'kin? Tama. . . kaibigan lang pala ang turing niya sa'kin sa kabila ng lahat. Tila nahulog mula sa langit pababa sa lupa ang puso ko sa lungkot. Ang pait ng sumakop sa puso ko nang tawagin niya akong kaibigan. Naging bato ang kamay ko noon at medyo nanginginig pa sa kalungkutan. 'Wag lang sana paabutin ng gabi na makaiyak ako, ayokong mahalata niya iyon.

Makalipas ang ilang linggo ay hindi pa rin ako nakaka-move on sa sinabi ni Luis. Hindi pa rin matanggap ng puso ko na hanggang kaibigan lang kayang ituring niya sa akin. Pero kahit may maliit akong pagtatampong kinikimkim, normal pa din ang turingan namin ni Luis sa isa't-isa. Nag-aasaran pa din at ganoon pa din siya sa usual gentleman behavior niya na kailanman ay hindi ko tatanggihan. He can do it as long as he wants, sino ba naman ako para tanggihan 'di ba? Ngayong araw ay wala akong shift. It's Saturday at ngayon ang 26th birthday ni Rhoanne! Napakatagal niya na ako actually kinukulit niyan. Isang buwan pa lang ang pagitan at china-chat niya na ako sa mga plans niya sa birthday niya. Syempre supportive bestfriend lang naman ako kaya hinahayaan ko siyang magdaldal kahit matagal pa ang birthday niya--pero look how fast the time goes! Ito na ang araw na pinakaiintay niya.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now