CHAPTER 29

9 4 2
                                    

[Chapter 29]













All I had to do was to listen at her rants. Our lunch turned into a ranting session but I don't really mind since Miyah have become a good friend to me lately.

"Minsan naiisip ko--what if nakahanap na pala ng bago si Kurt do'n sa States? Ugh! Sobrang hirap kaya ng LDR relationship!" halos mangiyak-iyak na siya sa pagra-rant tungkol sa boyfriend niyang si Kurt.

Nakikinig lang ako sa kaniya habang humihigop ng pineapple juice ko sa straw.

"Kapag kakaalis niya lang, mamimiss ko na siya agad. Tapos iisipin ko yung mga oras na nagki-kiss kami." bumuntong-hininga siya. Bigla akong nasamid sa iniinom ko nang marinig ko ang binanggit ni Miyah.

"Oh my god, Jenica!" nagulat siya sabay madaling kumuha ng tissue para iabot sa akin. Kinuha ko iyon saka nagpunas ng mukha.

"Sorry- gano'n ba ka sensitive?" kumpirma niya.

"H- Hindi naman! Sige magkwento ka na ulit." sabi ko nang matapos akong magpunas.

Bumuntong-hininga ulit si Miyah, "Alam mo, ikaw naman magkwento. Puro na lang ako e." she suggested. Pero wala naman akong mga ganap na worth ikwento. Baka ma-bore lang siya.

"Wala akong ikekwento 'te." I immediately brushed her off as I take a bite of my chicken lunch.

"Hay, ano ba 'yan, Jenica! Hindi ako naniniwalang wala kang ikekwento. Dali na magkwento ka na, payuhan pa kita kung may problema ka." wala na akong nagawa kundi gawin ang gusto niya, ang magkwento. Sige nga, ano nga bang magandang ikwento sa kaniya? Napaisip ako bago ako nagkwento sa kaniya. Ang tanging bagay na naalala ko ay ang halikan namin ni Luis. Siya naman kasi! Napunta sa halikan ang mga kinekwento niya, puro iyon na lang tuloy ang pumapasok sa isipan ko.

Napabuntong-hininga ako bago magsimula, "Ako kasi. . . I think--I just kissed someone I shouldn't have kissed." si Miyah naman ang nabilaukan sa kinakain niya nang marinig ang sinabi ko. "Girl. . ." daing niya, "Sino ba 'yan?" tanong niya. "Secret lang muna syempre!" inirapan niya ako, "Fine. Well. . . may jowa ba?" may jowa ba si Luis? Nope, I don't think so. Ang dami-dami niyang babaeng dinadala sa condo niya, kung may girlfriend siya, pahirapan ipuslit yung mga babae niyan sa condo.

Flashback. . . .

Naglilinis ako ng bahay noon nang umuwi si Luis ng maaga galing sa shooting niya. May dala siyang mga kahon ng cake, at may hawak naman siyang paperbag ng Bluebella. The brand was actually familiar in my ear, I just couldn't jack out the memory of where I have heard it. Akala ko siya lang pero may babaeng bigla na lang sumulpot sa likod niya. The girl was extremely beautiful! She was like one of those pageant contestants! Besides of her height, she was just extremely curvy. Her fashion was sexy that it completely shows the girl's silhouette. I couldn't be any more conscious of myself afterwards of seeing her.

"Luis~ I'm soooo much wanting it--I can't take it any longer~" pagsusumamo ng babae kay Luis habang nakasabit ang braso niya sa braso ni Luis. Ngumisi sa kaniya si Luis, "So do I, baby. We're gonna hit it later 'kay?" binaling niya ang ulo niya sa mga kahon ng cake at isa-isa itong nilabas sa plastic. Anong problema nung babae? Hindi na makatiis? Baka natatae, kailangan na jumebaks pero 'di alam kung nasaan ang banyo. Teka, labas na ako para maturo ko sa kaniya kung yung banyo.

Joke lang dahil hindi pa nila ako nakikita noon. Nagtago kasi ako sa pagitan ng mga kwarto namin ni Luis. Sa pader ako sumisilip para makita kung anong ginagawa nila pero sa isip ko naman ay siguro alam naman ni Luis na nandito ako.

"B- But. . . I'm just. . . drippy down here already." Ay ang walanghiya! Kadiri naman niya. Ang gandang babae, hindi kayang magpigil ng ihi. Sa ganoong pagkakataon, wala nang nagawa si Luis kundi lingunin ang babae niya at hinagkan ito sa baywang habang nakatitig lang ang mga mata sa kaniya. Sinimulan niyang halikan ang babae na tinapatan naman ng babae ng matamis na halik gamit ang kaniyang dila. Wala akong ibang reaksyon noon kundi pagkasulasok. Gusto kong sumuka pero hindi naman ako gano'n ka OA.

Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Where stories live. Discover now