CHAPTER 24

9 5 2
                                    

[Chapter 24]





"Hanggang kailan mo ba balak mag-stay dyan kay Luis?" iritableng tanong ni Rhoanne.

Sinamahan ko si Rhoanne mamalengke ngayon dahil tinawagan niya ako. Bonding daw. Syempre, ikinagalak ko nang tawagan niya ako, madalang na lang kasi kami magkita ngayon dahil medyo busy na din ako sa trabaho ko. Nag-iipon talaga ako para kila Lola Linda.

"Teh, ako na ang lumalayo sa kaniya, pero kahit sa'n ako mapadpad, lagi siyang nandiyan para ibalik ako sa condo niya." habang sabay kaming namimili ng magandang kalidad ng pechay. Nandilat ang mata ni Rhoanne sa sobrang pagkagulat na nagpatigil sa kaniya sa pamimili, "Seryoso ka ba, Jenica?! Hindi na normal 'yan!" hiyaw niya.

"Alam ko. . . kailan ba naging normal na nagsama ang isang taong katulad ko at ang isang sikat na artista sa iisang bubong?"

"Oh, 'di ba? Ikaw na kasi mismo ang magsabing aalis ka na." 

"Sinubukan ko naman. . . pero 'di nag-work. Pinamukha niya kasi sa'king wala akong maayos na trabaho para tustusan ang sarili ko.

Bumaling kami sa katabing tindahan at ngayo'y sabay namili ng maganda kalidad ng mga patatas, "Bakit? Kung makapagsalita siya, akala mo naman siya ang bubuhay sayo."

"Exactly! I don't know kung anong klaseng tulong ang kayang niyang ibigay sa'kin bukod sa pagpapatuloy sa'kin sa condo niya pero other than that? Wala. Puro pambibwisit lang ang inambag niya sa nananahimik kong buhay." kinuha ko na ang mga piling patatas at inabot isa-isa sa tindera na siyang naglagay sa plastic. Kinuha ko ang plastic at lumapit kay Rhoanne na may dala na ring sapot ng mga pechay. Kinabit ko sa kaniyang braso ang aking braso at sabay kaming naglakad palabas ng palengke para maghanap na ng tricycle.

"Imbyerna ka na pala, ayaw mo pang gumawa ng paraan para makaalis." sermon ni Rhoanne.

"No choice eh. Kahit anong sabihin niya, mayro'n at mayro'n pa din siyang magiging point." depensa ko saka napabuntong-hininga.

Pumara kami ng tricycle at agad pumasok doon. Masikip noon at sobrang mahangin. "Ewan ko ba, Jenica. May trabaho ka naman na ngayon, mag-ipon ka na para sa sarili mo at nang makalayas ka na sa pamamahay ng bruhildo na 'yan." hindi natigil si Rhoanne sa pananaway sa buong oras na magkasama kami sa tricycle. Nakarating kami sa bahay nila pero hindi na ako bumaba dahil nakita ko na na nakatambay sa may terrace nila si Mang Grosio, umiinom pa ng kape. Kumaway na lang ako sa kaniya bago siya umalis at tuluyan nang nakaalis.

Bumaling ang tricycle sa ibang gawi dahil sinadya ko na itong bumaling sa workplace ko, sa Velglowe Building. Thirty minutes ang tinagal pero hindi ako late dahil maaga kaming namalengke ni Rhoanne. Pagpasok ko sa loob, nagulat ako sa nagkalat ng kababaihan sa may lobby. Nang masulyapan, nandito naman pala kasi ang bruhildo, sino pa ba ang bruhildo? E 'di si Luis. Nagkukumpulan ang mga babae sa kaniya, buti na lang at may bodyguards siya na hinaharangan ang mga ito. Pinapanood ko siyang magdusa sa mga nagkalat na babae habang naglalakad ako papuntang elevator. 

Nakita ko kung paano lumapit ang isang fan na may bitbit na poster niya. Pinapirmahan niya ito kay Luis at kinalaunan ay hinalikan pa ni Luis ang poster na nagpakilig ng sobra sa babae. Pabebe niyo. . . kadiri kayo tignan. 

Sa gawi lang nila nakadikit ang aking paningin kung kaya't hindi ko na namalayang may kasalubong akong nabunggo sa akin. Napadapa sa sahig ang magandang babae at nasabugan pa ito ng kape. Oh my gosh! Ano bang ginagawa ko?!! Nang lumingon ang babae, doon ko napag-alaman na si Danica pala ang nabangga ko.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now