CHAPTER 37

7 4 0
                                    

[Chapter 37]










Bumukas ang mata ko na mukhang kakagising lang. Nakita ko ang sarili kong nakahiga sa isang malambot kama na gulo-gulo ang mga unan at kumot sa sobrang pagkakumportable. Mainit ang pakiramdam ng katawan ko na akala mo'y may nakayakap sa'kin. Napagtanto kong wala ako sa kwarto ko, pero hindi rin naman ito kwarto.

It was as if I'm outside? The wind was too strong to be inside a room. The sky was beneath us and it was so vibrant than normal. It was pink and orange. Nakakita ako ng puno sa malayo, tila nagka-deja vu ako nang makita ko ang puno na 'yon. Nakita ko na ata ang lugar na ito dati?

"Good morning, sunshine. The day is still so young and so is your face." ang corny no'n ah? Sino iyon?

Nagulat ako nang lumingon ako'y nakita ko si Luis! Walang pang-itaas na saplot at nakahiga sa tabi ko. Mapungay ang mata niya at mabagal siyang kumurap. He had that small grin hiding in his face. Gumalaw ang kamay niya at siya mismo ang naghawi ng buhok ko sa tainga. He was admiring me considering I'm lying next to him.

"I love you. . . ." he whispered in a honeyed tone. Oh I love that tone. . . new to me yet I'd love to hear in eternity. His godly feature did not leave my eyes as I return the fondness into his stare. I love the warmth he gave as he caressed my cheeks lovingly.

Oh Luis. . . . perhaps. . . me too. .

"As a friend." dagdag niya sa huli.

Naging madilim ang paligid ko at ang punong pamilyar sa memorya ko ay unti-unting nalanta na parang isang halaman. Si Luis naman ay nanatili sa kama pero naging seryoso ang ekspresyon ng mukha niya. Parang isang bangungot--paulit-ulit na nag-echo sa tainga ko ang mga boses na iisa lamang ang sinasabi, 'As a friend.' felt it. It pierced directly to my heart like I was feeling it physically. What's going on?! Luis? Where are you going?!

Sumisigaw ako noon. Hindi ko alam na nananaginip lang pala ako. Isang malaking bangungot na matawag ni Luis na kaibigan. Bakit nga ba ako nagtitiis doon?

Napansin kong sumulyap saglit si Luis sa pintuan ko pero umalis din nang makumpirmang maayos lang ako.

Napahawak ako sa dibdib ko at naghahabol ng hinga sa hiya. Si Luis ang naging pokus ng panaginip ko ngayon. Medyo nag-alala pa ako dahil talagang kapani-paniwala ang panaginip. Imposible rin namang makasama ko sa iisang kama si Luis dahil kung magkatotoo man, siguradong may nangyari lang sa amin no'n.

Hindi lang pala ako nagising sa sarili kong sigaw sa panaginip noon. Doon ko na-realize na kanina pa pala kasi ring ng ring ang cellphone ko. Akala ko may nag-spam sa akin ng calls, notifications lang pala. Chineck ko na ang cellphone para tumahan na ito kaka-ring. At sa pagbukas ko, nagbabahang notifications ng facebook post ko ang tumambad sa akin. Umabot ng 50,000+ likes ang post ko!

Namilog talaga ang mata ko nang ako na mismo ang makakita no'n. Akala ko namalit-mata lang ako pero totoo pala talaga. Kung gano'n ay pwede nang magpa-order si Lola Linda.

Tinignan ko naman ang comment section ng post. Gulat din ako ng makitang maraming taong gustong magpa-avail right away.

Hindi na ako nagsayang ng oras at pumunta na agad kina Lola Linda. Nakatira lang sila squatter malapit sa condo namin. Sa may harap ng basketball court ang bahay nila. Nang madatnan ko siya'y kakapasok niya lang para gumawa ng kape. Lumabas siya ulit para uminom ng kape at pagmasdan ang maagang umaga. Napansin niya rin ako at binati ako. Inalok niya pa ako ng isang kape, syempre tinanggihan ko.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now