CHAPTER 51

8 3 0
                                    

[Chapter 51]









Matagal akong napatitig sa kaniya simula nang sabihin niya iyon. Nasasaktan pa din kasi ako sa nangyari hanggang ngayon.

"Ahh. Anong sabi?" Nagpanggap akong maayos lang sa balita niya kahit ang totoo ay unti-unting nagsisimula madurog ang aking puso. Pangiti-ngiti pa ngunit wala namang katotohanan.

"He was drunk. Hindi na daw niya uulitin 'yon. Sabi niya. . ."

"I've done a huge mistake. Hindi ko na mababalik 'yon. I regret doing that to her pero I can't bring her back anymore so I'm letting her be. Gano'n naman talaga dapat noong una pa lang. . . dahil kayo naman talaga ang dapat na magsasama--at hindi kami."

Iyon ang naging mahabang eksplanasyon ni Luis kay Lucas. Masaklap lang na hindi niya na nasabi sa akin ng diretso at kay Lucas pa. Tama ang sinabi niya. Kami naman talaga ni Lucas ang dapat na maninirahan ng magkasama noong una pa lang. Pero. . sa paraan ng pagpapaliwanag niya, bakit parang may tono ng pait sa pagsisisi niya? Parang dinikta niya pa si Lucas sa huli.

Naiintindihan ko namang lasing lang siya noon pero sa paraan ng pagmamakaawa niya sa akin, imposibleng hindi niya sinasadya iyon. Alam kong pinagtatabuyan na niya ako niyan.

Napansin ni Lucas na natutulala na ako sa naging paliwanag kaya hinawakan niya ang aking balikat at tinanong kung ayos lang ba ako.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa magaang boses.

Mabilis akong tumango, "Oo naman! Haha- S-sige kain na tayo, ako na magluluto." Kahit pa man dati ay hindi magaling sa pagluluto itong si Lucas kaya ako ang laging nagluluto sa kaniya. Ang saya ko pa noon dahil natuturuan ako ni Tita Mely na magluto tapos sa kaniya ko lang din ipapakain.

"Ooh~ Sounds like a good idea." Paghuni niya sabay sunod sa akin.

Magluluto na sana ako noon sa kusina nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang sagutin ko ang phone number ay nakita kong si Magnus ang tumatawag kaya agad ko itong sinagot.

"Hello?" Bungad ko sa tawag.

"H-hello! Jenica? Sorry, I can't hear you this loud but I'll be quick." Tugon ni Magnus na nakasigaw sa telepono. Narinig tuloy ni Lucas mula sa sala ang tawag.

Lumingon si Lucas mula sa pagkakaupo niya sa armchair para makita ko, "Si Magnus ba 'yan?" Tanong niya at tama siya!

Tumango ako, hindi ko na siya kinibo dahil nagpopokus ako sa sinasabi ni Magnus noon dahil nakasigaw pa siya. Naririnig ko pa ang malalakas na tunog ng kanta sa background noise niya, mukhang nasa club siya ah.

"Nandito si Luis, alam kong may babalaking gawin iyan kapag nakaalis na 'ko." Sa oras na banggitin niya si Luis ay mabilis kong inalis sa pagkaka-speaker ang tawag dahil baka marinig iyon ni Lucas. Ayoko lang na malaman niyang binibisita ko si Luis dahil baka mag-alangan siya sa ginagawa ko.

Mula sa telepono, bulong na ang pananalita ko, "Aalis ka ba, Magnus?" Panumbalik ko sa tawag.

"Oo. Kaya kita tinawagan para ikaw ang magbantay sa kani-. . wait, you know what? Ihatid mo na siya pauwi. Sa kondisyon niya ngayon, hindi dapat siya magtagal sa club." Hayst, bakit naman kasi nasa club 'yan in the first place?

Mukhang hindi ako makakapagluto ngayong gabi ah.

"Sige. Papunta na ako. I-text mo na lang sa akin ang address." Bulong ko sa cellphone. Pagkatapos noon ay pinatay ko na ang tawag. Hindi na din siguro mamamalayan ni Lucas na umalis ako dahil iiwan ko na lang ang lahat dito. Wala akong ibang balak na dalhin, ni bag man o kung ano, sarili ko lang.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now