CHAPTER 15

15 7 2
                                    

[Chapter 15]




"Jenica? . . . . . Jenica?? Huy Jenica, naririnig mo ba 'ko" hindi ko namalayang tinatawag pala ako ni Denver na nasa tabi ko ngayon at kumakain ng shawarma. Nasa People's Park kasi kami at maraming stand doon, lagi siyang bumibili ng shawarma 'pag may nakita.

Napadoble ako ng kurap nang mapagtantong tinatawag niya na ako. Mukhang nawawala nanaman ako sa sarili ko sa ganap ko ngayon. "Ayan! Oh eto, kumain ka na lang ng shawarma para sa lunch mo. 'Di ka pa kumakain 'di ba?" inalok niya ako ng isa pang shawarma na nasa kabilang kamay niya. Makakatanggi pa ba ako? Eh sinadya niyang bumili ng dalawa.

"Hindi ba magseselos ang asawa mo nito? Imbes na siya ang pumunta sa awarding ng anak mo, ako pa ang pumunta para sa mama niya." nag-aalangan talaga ako noong tinawag niya ako para ako ang maging acting parent ni Mackey, ang bunso. Cute na bata iyon, kaya tuloy ang hirap humindi.

Umiling si Denver saka siya kumagat ng malaki sa shawarma niya, nagkaroon pa ng sauce sa gilid ng labi niya kaya habang may oras ay pinunasan ko 'yon ng tissue. Walang malisya 'yun para sa'min, hanggang magkapatid na talaga ang turingan namin sa isa't-isa.

"Hindi. 'Wag ka mag-alala, simula nung binigyan mo kami ng tulong pangpanganak niya kay Mackey, ni walang oras na hindi ka niya pinasasalamatan. Para sa mga mata niya, ikaw ang anghel niya. Isa pa, siya na rin naman ang nagpasiyang samahan si Maverick para magpadentista, pagkatapos noon ay isasama na niya diretso iyon sa opisina niya." Hindi ko nakakalimutan ang oras na pinakakinakailangan ako ng asawa niyang si Leanne. Bagama't naging selosa siya sa'kin bago sila kinasal, kinalaunan ay nalipasan din iyon.

Noong manganganak kasi siya ay wala siyang naitabing pondo dahil pinambayad niya sa mga utang. Nasa Switzerland pa ako noon nang malaman ko mismo kay Denver noong madulas siya sa pagkekwento, kaya hindi na ako nagdalawang isip pa at nagpadala ako ng P50,000 sa kanila. Masaya ako sa naging tulong ko sa kaniya, mabuti rin at naging malapit ang loob niya sa'kin.

Nginitian ko siya saka huminga ng malalim. Malalim ang iniisip ko noon at tanging nakatingin lang kay Mackey na masayang nakikipaglaro sa mga bata sa playground. Tinapik na lang bigla ni Denver ang balikat ko saka ako inalok ng hot sauce para sa shawarma na dahan-dahan kong kinakain. Umiling ako sa hindi pagtanggap, saka ko ulit kinagatan ang shawarma ko. Sa paglingon ko ay nawala ang bata. Akala ko ay napalayo lang pero nang lumingon na ako sa lahat ng banda, dun ko napatunayang nawawala na nga si Mackey! Saan naman kaya mapupunta ang batang iyon kung hindi sa playground lang?!

Sa labis na pagpa-panic ay natapon ko na lang sa basurahan ang shawarma na hindi ko pa natatapos saka ako nagmadaling tumakbo sa labas ng gate ng palaruan sa parke. Nagulat si Denver kung kaya't sinundan niya ako, sumisigaw habang tinatawag ako.

"Jenica?! Saan ka pupunta?!" sigaw niyang tinanong habang tumatakbong sinunsundan ako.

"Nasaan si Mackey? Nakita mo ba? Nawala nalang bigla sa paningin ko?!" pagkumpirma ko kay Denver na nanlata sa isang iglap nang marinig ang balita ko. Nang mapagtanto ay napatigil siya sa pagtakbo saka lumingon sa bawat banda upang hanapin si Mackey. Lumapit ako sa mga batang kalaro niya lang kanina, pero pare-pareho lang ang sinasabi nila, na hindi nila nakita. Pero may isang bata na iba ang sinabi.

"Mackwee? I tink I saw him with his kuya. The kuya in thuh black cap." agad naming ikinagulat ang sinabi ng bata. Lalo na si Denver na parang may naiisip na kung ano ang maaaring nangyari. Hindi kaya may humablot sa kaniya? Paano nangyari 'yun? Segundo lang ng mawala ang paningin ko, paglingon ko wala na siya. Nagmadali ako saka tumingin sa kabilaang banda ng kalsada sa pagbabakasakaling makita ko ang nakacap na lalaki. Wala naman kasing ibang kasama 'yun kundi kaming dalawa lang ni Denver, hindi naman nagsusuot ng cap si Denver. Lalo naman ako.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now