CHAPTER 35

9 5 0
                                    

[Chapter 35]







I was emotionally drained. Hindi ko alam kung ano pa ba ang respetong natitira para sa'kin. Ang daming nangyayari sa isang gabi na hindi mo maipaliwanag kung resulta ba ng kamalasang nakaakibat sa'kin.

Nagkaroon ako ng kahit kaunting pag-asa nang mahagip ako ni tita Anika. Siya ang kapatid ng nanay ni Rhoanne. Hindi ko lubos akalain na magpapakita siya rito para ipagtanggol ako kay Mang Grosio.

"Pa! Tama na ho 'yan! Matulog na po kayo at ako na ang bahala dito." ngunit hindi siya pinakinggan ni Mang Grosio at pinagpatuloy ang pangungutya sa akin.

"Anong matulog?! Hindi pa ako tapos sa walang modong babaeng 'to!" pagalit niya.

"Pa naman! Sundin niyo na lang ako. Sabi ko naman po sainyo ako na ang bahala dito kay Jenica."

Sa muling pagkakataong iyon ay bumigay rin si Mang Grosio. Inalalayan siya nina Denver at Leanne hanggang sa makapasok ito sa bahay niya. Bumaling ng tingin sa'kin si Tita Anika at inilapit sa'kin ang nag-aalala niyang mukha. Hinaplos niya ang ulo ko pababa sa aking mukha. Kita ng dalawang mata niya ang mga luha na unti-unting tumutulo sa aking mata. Hindi niya pa rin alam kung paano magsisimula at paano ipararamdam sa'kin ang simpatiya kaya binigyan ko siya ng panahon.

Umupo kami sa sulok ng bahay niya sa may terrace. Una sa lahat ay humingi siya ng tawad sa ginawa ng tatay niya. Tinanggap ko ang patawad na 'yon ng buong puso dahil 'yon na lang katiting na respeto na maibibigay ko sa pride ko. Alam ko naman sa sarili ko na kahit anong mangyari, malabong dumating ang panahon na hihingi ng tawad sa'kin si Mang Grosio at makikipag-ayos. Malabong mangyari.

"Kaya mo pa ba, Jenica?" ngumiti siya habang hinihimas ang aking braso.

Tumango ako. Pinipilit na ngumiti kahit na tumutulo pa rin ang mga luha, "Kaya pa siguro." biro ko na tinawanan namin.

"Pasensya ka na talaga, Jenica. Alam mo naman na tumatanda na si Mang Grosio at hindi na kayang kontrolin ang sarili." Ano namang magagawa ng katandaan niya, hindi naman pwedeng paulit-ulit kong ihahasa ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.

"Wala e. Gano'n na talaga si Mang Grosio." bumuntong-hininga ako.

"Pero kung hindi naman siya ganito katanda, may pag-asang mapatawad ka din niya."

Napalingon ako at nangunot sa pagkalito sa sinabi niya, "Mapatawad ako? Tita, ako pa din pala. Isang maliit na pagkakamali, umabot ng dekada ang galit? Anong klaseng galit ba 'yang tinatanim niya kasi naging puno na e!" hindi ko napigilang sumigaw sa bugso ng damdamin, "Ito na 'to oh! Ito na 'yung naging bunga ng tinanim na galit. Nagbubunga na, ako na, sirang-sira na ang pride ko kakalunok sa mga binibitaw niyang insulto sa'kin na parang obligasyon kong tanggapin dahil nakakatanda siya. Gano'n ba 'yon, Tita? Paano naman ako-" Bawat hinagpis na lumalabas sa bibig ko ay galing sa nagliliyab kong puso. Lahat ng paglalarawan ko sa galit ko ay tinatapatan ko ng pagduro sa puso ko. Para dama ni tita. Pero pinatigil niya ako nang maramdaman niyang sumosobra na ang galit na nilalabas ko.

"Jenica, alam ko kung ano 'yang dinadamdam mo. Mula pa noon, nasasaksihan ko na kung paano mo inako ang galit na para ay sa mga magulang mo."

Tila lumaglag ang puso ko sa narinig kong sinabi ni Tita Anika. Pag-ako na para ay sa mga magulang ko? Wala akong alam sa sinasabi niya, hindi ko maintindihan kung ano ba ang nangyayari. Gusto kong maintindihan, gusto kong alamin, pero hindi ako dapat magpadalos-dalos.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now