CHAPTER 13

17 8 4
                                    

[Chapter 13]





Gusto ko lumabas, pero kailangan ko pang maglinis ng bahay dahil 'yun ang bilin ni Luis.
Pero wala naman sigurong masama kung mag-skip ako ng isang araw? Pero baka magalit ng sobra si Luis at 'di magdalawang isip na palayasin ako. Tumango ako habang hinihimas ang baba ko sa kakaisip. 

Alam ko na! Maglilinis muna ako bahagya tapos saka na 'ko aalis. Tama tama. Hindi ko naman kailangan maglinis ng todo ngayon tutal madalas mawala si Luis kaya halos araw-araw na din akong naglilinis, baka sa sobrang linis ko maging 99.9% no bacteria na 'tong bahay. Tama tama. Dali-dali na akong tumakbo papunta sa storage room para kunin ang mga gamit panglinis saka nagsimulang maglinis ng bahay. Inabot lang ako ng tatlumpung minuto sa paglilinis tsaka ko nagpunta na sa kwarto ko para magbihis. 

Saan naman kaya maganda makapunta? Kakadating ko lang ng Pilipinas, maganda siguro kung pumunta 'ko ng amusement park. Pero wala naman akong pera pambili ng ticket, at wala ding makakasama dahil busy si Rhoanne. 

Kinuha ko muna ang cellphone ko saka tinawagan si Rhoanne. Sumagot siya agad at tinanong kung ano ang pakay ko sa pagtawag ko sa kaniya, "Oh, hello? Anong meron, Jenica at napatawag ka?" tanong niya. "Ah. . . p- pano ko nga ba ipapaliwanag. . ."

"May nangyari ba? Kwento mo na nang makapaghanda na kong mangbira." pabiro niya.

"Wala naman! Hindi kasi 'yan. Kasi. . . ilang araw na 'kong nasa puder ni Luis-" oops. . . hindi ko pa nga pala nasasabi sa kaniya ang tungkol sa panunuluyan ko dito sa bahay ni Luis. Tiyak na magagalit na agad si Rhoanne niyan dahil hindi ko siya nasabihan eh isang linggo na ang lumipas. Grabe, nawala sa isip ko!

"Ano?!" Sabi na eh, galit na siya. "Hindi mo man lang sinabi sa'kin?!! At ilang araw na yan ha?! Umalis ka na riyan, bilisan mo, susunduin kita ngayon na!" galit na galit, parang gustong manakit 'tong si Rhoanne naman eh. Sa sobrang lakas ng boses niya, kulang na lang ay kusang mabasag itong cellphone ko. Maawa ka naman, Rhoanne.

"Teka! Sorry na! Nakalimutan ko na dahil masyado akong occupied kay Luis. Pero ikekwento ko sayo ang lahat kapag nagkita na tayo." mahinahon na sagot ko sa kaniya. Hindi ko lang alam kung kailan kami makakapagkita pero-

Agad ring sumagot si Rhoanne, "Ngayon tayo magkikita." malamig niyang sagot. Wala na siyang ibang sagot at agad na din niyang binaba ang tawag.

Napatahimik lang ako ng mahabang panahon, nakaupo sa kama at tulala, walang ibang ginagawa. Hanggang sa tumawag nanaman si Rhoanne kaya sinagot ko ko din ito agad, "Ano 'yun, Rhoanne?" tanong ko sa kaniya, "Yung pagkikitaan natin. . . nakalimutan kong sabihin. Malapit ako ngayon sa isang Cafe, ise-send ko nalang sayo ang address." malamig pa rin at mala robot ang tunog ng boses niya. Binaba na niya rin kinalaunan ang tawag since wala naman na siyang ibang sasabihin.

Tumayo na ako sa kama saka naghanap sa maleta ko ng damit na pwedeng suotin. Cafe pala huh? Gagandahan ko na ang fit ko tutal minsan lang ako makakalabas.

Lumipas ang isang oras at nasa Cafe na ako ngayon. Palakad pa lang ako sa entrance sa garden sa labas na parte ng Cafe ay nakita ko na agad si Rhoanne na nakaupo sa isa sa mga umbrella tables. Nakakasilaw ang araw ngunit presko ang pakiramdam roon, maganda ang puwesto na na napili niya.

Nilapitan ko siya at naupo sa upuan sa kabilang banda. 

"In fairness ha, ginandahan mo pa. Pero 'di ka pa rin makakawala sa sermon ko!" Kakadating ko lang, sermon na agad ang tambad sa'kin. Magandahan talaga siya sa'kin, alam ko na yun, sa suot ko pa lang na white strapless crop top with denim jacket at flair denim jeans with white belt, imposibleng wala akong ma-impress. 

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now