CHAPTER 19

15 8 0
                                    

[Chapter 19]





"Ma'am? San po ang punta niyo?" nagulat ako sa boses na tumambad sa'kin. Ang driver ng taxi na nagtatanong kung saan ang destinasyon namin. Saan nga ba. . .

NAKU! Huli na ang lahat para sa realisasyon! Hayst!! Hindi ko na naisip kung san ako pupunta dahil sa mga damdamin kong naghalo-halo sa pag-aaway namin ni Luis.

Kinalaunan ay binaba ako ng mama sa bahay ni Denver. Wala na kasi akong ibang maisip na puntahan. Hindi naman pwede kina Rhoanne dahil nandun ang lolo niya. Bumaba ako bitbit ang bagahe ko. Kumatok ako sa gate na maya-maya ay pinagbuksan ni Maverick, ang kuya ni Mackey. Dahil apat na taong gulang lang si Mackey, mas matanda dito si Maverick ng walong taon. Malaki na pala talaga ngayon si Maverick, lumaki siyang malusog sa pangangalaga ni Denver. Syempre naman, si Denver pa.

Malaki ang naging ngiti ni Maverick nang makilala niya ang mukhang tumambad sa kaniya. Nang makilala niya ako ay agad niyang tinawag ang kaniyang mga magulang. Pinapasok nila ako noon kaya nag-usap kami sa may sala nila.

"Anong nangyari?!" pag-aalala ni Denver, medyo nakataas din kasi ang tono niya.

Napilitan akong ngumiti nang makita ako ni Leanne na may dalang tsaa para sa'ming tatlo.

"Medyo mahaba kasi. . . pero hindi ko na patatagalin pa, Denver. Kailangan ko ng trabaho." request ko sa kaniya. Medyo nag-aalangan pa siya nung una pero nagkatinginan sila ni Leanne and eventually ay nagsalita na din siya, "Hindi ako ang dapat mong lapitan tungkol diyan." Denver's disclaimer.

"Si Chester" sagot ni Leanne.

Si Chester. . . ?

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa tsaka hinanap si Chester. Tinawagan ko na si Rhoanne para mahanap si Chester at sabi niya ay nasa carwash ng pamilya niya siya. Laking pasalamat ko dahil alam ni Rhoanne kung san matatagpuan si Chester ngayon. Agad akong nagpunta sa Carwash ng pamilya ni Chester. Doon nakita ko siyang nakikipagkwentuhan sa mga customer niyang lalaki na nag-iintay matapos malinis ang mga kotse. Mukhang boss si Chester sa asta niya ah.

Hindi nagtagal ay napansin ako ni Chester nang lumapit ako sa kaniya. "Jenica?" he murmured in disbelief. Nginitian ko siya saka nagsi-alisan ang mga customer na kausap niya. "Anong ginagawa mo dito?!" grabe naman ang gulat niya, parang nakakita ng magandang multo. "Chester, I'm gonna get straight to the point. Naghahanap ako ng trabaho." sabi ko. Determinado akong makahanap ng trabaho sa puntong 'to. Mahalaga na matulungan ko hangga't maaari si Lola Linda dahil may pangako ako sa kaniya. Alam kong hindi lang siya ang matutulungan ko, kundi ang kinabukasan na din ni Princess. Kaya naman hindi ko pwedeng i-give up ang sisimulan ko.

Ilang minutong natahimik si Chester sa pagiging straightforward ko. Suminghot siya saka namaywang, "Hulaan ko. Ako ang ni-refer sayo nina Denver noh? seems like he saw it coming too. Tumango ako saka lalong lumapit, "Ah. Actually, naghahanap ako ng mare-recruit sa Marketing field. Alam siguro ni Denver ang field mo kaya ka niya nilapit sa'kin."

"Oo. Nasa marketing field ako noon. Hindi na ngayon."

"Puwes, ibabalik kita dun."

"Wala namang choice eh. Pero okay lang, sabak ulit ako sa kinasanayan."

Natawa na lang ako sa sinabi ko kay Chester. Inalok niya akong uminom muna ng tsaa pero tinanggihan ko ito dahil 'yun na din naman ang ininom ko kina Denver. Despite my rejection to his offer, he instead offered me to take a seat in their customer's waiting area. Naupo ako sa sofa at tumabi naman sa tabi ko si Chester.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now