CHAPTER 7

13 8 0
                                    

[Chapter 7]







Hindi na ako nagsayang pa ng oras at pumunta na sa apartment ni Luis. Kumatok ako sa pinto niya pero walang sumasagot. Kumatok ako uli sa pagbabasakaling may magbubukas, hindi lang siguro narinig nung una. Pero sa pangalawang ulit ay wala pa ring sumasagot, sinubukan ko sa pangatlong pagkakataon at wala pa ding sumasagot o nagbubukas kahit gaano pa kalakas ang pagkatok ko. Wala bang tao? Wala naman kasing nagbubukas eh. Nasan naman kaya si Luis?! Pinapapunta niya ko dito wala namang tao. Sinasayang lang ang oras ko! O. . . baka pinagtitripan ako. Sinubukan ko ulit pero this time ay yung doorknob ang sinubukan kong buksan, surpresang bukas pala ang pinto kapag binuksan sa doorknob! Sa pagpasok ko ay nalaman kong wala naman palang tao. Wala rin si Luis sa loob, pero nakabukas ang bahay. Siguro ay inaasahan niya na talaga akong dadating?

Habang wala si Luis ay nagmuni-muni muna ako sa apartment niya. Inabot kasi ako ng isang oras sa paglalapag palang ng gamit ko sa loob. Nanatili ako sa kwarto na pinagamit niya sa'kin kahapon; Walang nagbabago. . . Sa sobrang pagod ko ay tinamad na 'kong ayusin ang mga damit ko sa loob tsaka ako tumalon sa kama at humilata na parang bata. Sobrang lambot talaga ng kama, pwedeng pwede na 'ko makatulog any time now. Kamusta na kaya si Lucas ngayon? Hindi ko pa siya nakikita ni isang beses simula ng makauwi ako sa bansa. Pala-isipan talaga para sa'kin ang sinabi ni Rhoanne kasi may posibilidad naman talaga na nag-iba na ang nararamdaman ni Lucas, isa pa, imposible ring hindi dahil more than a decade ang lumipas sa panahon. I should've been more considerate, hindi yung pilit na dinudutdot ko yung sarili ko kay Lucas, dahil kung ayaw niya 'kong kitain, hindi ko siya masisisi at hindi ko siya pipilitin.

Sa gitna ng pag-iisip ko ay 'di ko na namalayang maraming oras na pala ang lumipat, bigla na lang may bumukas ng pinto ko at pumasok. Tumayo ang likod ko sa kama nang makita ko si Luis na nakatayo sa pintuan. Mukhang nakabalik na siya kung san man siya nanggaling. At tsaka. . . parang amoy alak?! At hindi lang parang, jusko po! Nag-ubod ng baho si Luis! Halatang naglasing 'to ah! Napatayo ako sa pag-aalala ko nang makita kong lasing na lasing si Luis. Sa suot niyang unbuttoned leopard print polo na pinatungan ng black fur jacket. Sa pambaba niya naman ay leopard print baggy trousers na tinadtad ng dalawang goth-decorated belts, habang ang kaniyang pinaka pang-baba ay pares ng loafer shoes. Nakatayo lang ng tuwid si Luis habang ang kaniyang kamay ay nakabulsa sa trousers niya, ngumunguya ng lollipop sa bibig. Hindi talaga ako maka-imik sa kaniya sa labis na gulat ko ng makita ko ang abs niya na bukas na bukas sa mga mata ko! Bakit ba kase naka unbutton 'yan? Ano yan. . . flex?!

Pero tinakpan ko ang mga mata ko sa oras na tumambad 'yun sa'kin. Rinig ang pagtawa niya ng umabante ako papalayo. Bakit biglang tumahimik? I peeked through my covered hands, at nakita kong nakatayo pa din si Luis, ngayon naman ay nakahawak ang mga kamay niya sa leopard print polo top niya ng nakabukas. Sinasadya ba niyang ipakita sa'kin?!

"Kyaaaaa! Pwede ba?! Itago mo na nga 'yan! Manyakol ka talaga!" pakiusap ko sa kaniya, pero tinawanan niya lang ako. Tinanggal ko na ang mga takip sa mata ko pero nakaharap naman sa kabilang dako. Umabante nga lang si Luis palapit sa'kin (ng mabagal) habang nakangisi na kala mo mamamatay-tao na may pinaplanong masama. Hindi mai-aalis ang kaba sa mukha ko, para naman kasi akong tinatarget ni Luis eh! Umatras ako pero umabante pa papalapit si Luis hanggang sa masagad ako sa pader. Laking tuwa ni Luis kahit na ang ngisi sa labi niya ay hindi umaalis, the view of me getting cornered was definitely amusing him. Kahit labis na mamula na ang pisngi ko sa kaba ay hindi nagpakundangan si Luis na lumapit pa lalo kahit na halos na magdikit na ang mga ilong namin. Humarap ako sa kaniya ng nakapikit ang mgat mata. Sinubukan ko din kumawala sa pang-co-corner niya sakin pero hinampas niya ang kamay niya sa kabilang dako ng pader, making it unable for me to escape. Bumukas ang mata ko sa sobrang gulat, hanggang sa hindi ko na namalayang nabaling na ang tingin ko sa mukha ni Luis.

Sa bagay, mas nakita ko ng malapitan ang mukha ni Luis. Medyo kamukha niya nga si Lucas. . . mas gwapo nga lang si Lucas. . . pero pogi din naman si Luis, hindi ko lang inaamin kasi kasuklam-suklam siya para sa'kin. Ang haba pala ng mga pilit mata ni Luis? Parang anghel. . . tsaka ang pula pula ng mga labi niya, hugis puso, hindi pa siya dry, fresh na fresh. Ang kinis din ng pisngi niya, wala ni isang marka ng pimples.

Sobrang bilis ng mga pangyayari kahit na ang bagal lang kumilos ni Luis na para bang pinapainit niya muna ang mood ng kwarto. Mabagal na lumapit ang ulo ni Luis sa mukha ko na tila ba konting usod na lang ay mahahalikan niya na ang labi ko. Kaya naman bago pa iyon mangyari ay tinakpan ko na ang bibig niya ng kamay ko at tinulak ng dahan-dahan papalayo sa'kin. Nagulat siya sa ginawa ko pero kita niya kung gaano ka pula ang mga pisngi ko kaya naman ngumisi sya uli.

"Hoy. . . kung ano man yang binabalak mong gawin. . wag mo na pag-isipan pang ituloy." Banta ko sa kaniya, kahit sa isip ko ay hindi naman ako nakakatakot pakinggan.

Tinawanan niya lang ang pagbabanta ko tsaka niya hinubad ang pang-itaas niyang suot. Laking gulat ko pa lalo na makita ang malaki niyang katawan! Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na takpan ang mata ko ulit.

"Ugh! It's so hot!" Reklamo ni Luis habang pansin ko sa boses niya na parang lumalabo at bumabagal na ito. Siguro umeepekto na yung pagiging lasing niya. Kaawa-awang tignan. Para siyang musmos na nawawala sa landas. Kailangan na niyang magpahinga at huwag na akong istorbohin pa. Huminga ako ng malalim tsaka ko sinimulang dalhin siya sa kwarto niya at pahigain siya sa magulo niyang kama. Sa oras na makahiga siya sa kama ay lumantad ang tulog niyang mukha. 'Yun naman pala, lasing naman pala talaga. Kaya pala mamanyakin nanaman ako. Pero kahit ganyan siya ngayon, hindi ko naman siya pwedeng pabayaan ngayon eh. 'Di niya 'ko pinabayaang matulog sa lansangan ngayon, hindi ko rin siya hahayaang matulog ng magulo ngayon.

Sa pagtayo ko ay mas nakita ko ng maayos ang mukha ni Luis. Siguro nga ay may tinatago din 'tong bait, pag tulog nga lang, haha charot! Syempre para sa'kin demonyo siya.

Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng maligamgam na tubig at ilagay ito sa isang mangkok na may nakatapis na towel sa tubig. Bumalik ako ng kwarto dala ang mangkok at ang mga damit na tinapon ni Luis kanina sa kwarto ko, yung oras na nangfe-flex siya ng abs niya. Binalik ko iyon para naman hindi siya magtaka kung san napunta yung mga damit niya. Ngayon ay kitang-kita ng dalawang mata ko ang six pack abs niya! At ang naglalakihang muscles niya. Ang sarap lamutakin! Kaso hate ko nga pala siya muna ngayon. MUNA?! More like-forever! Lumuhod ako kung saan mapapalapit ako sa kaniya, pero masyado pala'ng mababa kaya umupo nalang ako sa tabi niya (sa kama) tsaka ko sinimulang magbabad ng towel sa tubig. Nang mababad na ito ay dinampi ko na ng pa-unti-unti ang towel sa noo niya. . . pababa sa leeg niya. . . hanggang sa kusang sumagi ang kamay ko sa abs niya! Teka lang ha. . FYI hindi ko sinasadya 'yon! Pero di mo sure, HAHA! Bakit ba ako natutuwa, kabado din. Parang may umaaligid na mga paro-paro sa loob ng tiyan ko na hindi ko maintindihan. Habang pinupunas ko ang basang towel sa katawan niya ay hindi naman talaga maiiwasan na mahiya ako sa sarili ko. Hindi ko lang talaga lubos akalain na mahahawakan ko ang napakatikas niyang katawan. Napalunok na lang ako ng malalim sa sobrang hiwaga ng mga bagay na tumatambad sa paningin ko. Nanginginig din ang kamay ko habang pinupunasan ko ang katawan niya.

Sa wakas at natapos na din ako sa pagpupunas ng katawan ni Luis. Ewan ko na lang kung anong mangyari diyan bukas ng umaga.

Binalik ko na ang mangkok sa may lababo ng kusina na nasa likod lang ng sala niya. Pagdating ko sa harap mg pintuan ng kwarto ko ay nasulyapan ko pang umiingit at gumagalaw si Luis, pero hindi siya gising, siguro ay nananaginip. Para siyang sanggol na hindi mapakali sa pag ingit niya, nakakatuwang tignan. Hindi ko na napansin na humahagikgik ako to the sight of him. Na-realize ko din iyon kaya sinampal ko ang mga pisngi ko para lang ipaalala sa sarili ko na hindi ko siya dapat katuwaan. Medyo masakit ang sampal pero sapat na yon para maibalik ako sa sarili ko. Binukas ko na ang pinto saka nahiga sa kama, nakapalibot pa ang kumot sa'king katawan, medyo malamig kasi sa lugar na 'to.























[ Note from the Author ]

Hello everyone ! Your votes and supports are a big help for me, thank you so much!

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant