CHAPTER 45

7 5 0
                                    

[Chapter 45]




Buwisit na araw!
Late na ako nakapasok dahil may nagkabungguan sa daan. Nag-away at nagsuntukan pa sa harap ng taxi na sinasakyan ko. Nainis lang ako dahil walang ibang ginagawa ang ibang mga nakakakita kundi ang mag-video sa cellphone nila. 

Nang maramdaman kong wala talagang magkukusa sa kanila ay dapat ako na ang tatawag ng pulis, pero bago ko pa man magawa ay nakarating na sila. Sa wakas naman ay dumating na rin.

Pagpasok ko ay nagmadali na akong magsimula ng paperwork sa cubicle ko. Mabuti na lang at nasa meeting noon si Wesley at hindi ako napansin. Wala rin dito ngayon si Magnus dahil may runway event siya sa Paris ngayon. 

Napansin ko rin na hindi na ako masyado chinichika ni Miyah simula nang umuwi ako galing Finland. Akala ko ay busy lang siya sa pakikipaglandiam sa LDR boyfriend niya, mukhang nagtatampo ata sa akin?

Para malaman, nilapitan ko siya sa cubicle niya at tinawag, “Miyah. . .” Hindi pa rin siya tumingin at nagpatuloy sa pagtipa sa computer niya habang kumakain ng chips.

Medyo nadismaya ako nang iwasan niya ako ng tingin. Tama ang hinala ko na nagtatampo siya.

Sa muling pagkakataon ay kinalabit ko siya at doon ay nainis siya, “Bakit ba?! Busy ako!” Saway niya.

“Kalma lang! Tinatawag lang naman kita. .” Nagpabebe na ako at nagdikit ng daliri sa isa't-isa habang nag-aamo ang tingin sa kaniya.

Sa stress ay tinanggal niya ang salamin niya at hinarap ako, “Anong kailangan mo?”

Umiling ako agad, “Wala! Gusto lang kita makausap.” Bumalik na siya sa pagkakaharap sa computer niya at nagtipa, “Ano namang dapat nating pag-usapan?” Mataray niyang tanong.

Nagtipid ako ng labi sa hiya, wala naman kami talagang eksaktong dapat pag-usapan, gusto ko lang na magkausap kami, “H-hindi ko alam. .”

Biglang pumalitik ng dila si Miyah na tila ba naiinis na sa pagpapapansin na ginagawa ko. Hindi ko na talaga natiis ang pagiging distant niya sa akin kaya nagtuwid ako ng tayo, “Nagtatampo ka ba dahil nagpunta akong Finland?” Kumpronta ko sa kaniya.

Natigil siya sa ginagawa at napalingon sa akin. Namilog ang mata niya at umawang ang labi sa gulat. Maya-maya lang ay bigla siyang humagulgol sa tawa na tila ba hindi niya sineryoso ang pagkumpronta ko sa kaniya.

“Ako?! Nagtatampo dahil nasa Finland ka?!” Tumawa siya ng malakas, “Never! Alam mo namang wala akong time para mag-abroad.” palusot niya. Alam ko namang pangarap niyang makapunta sa Paris, Italy. Kaya nga nang malaman niyang may runway event doon si Magnus ay nagmakaawa siya na kahit maging assistant na lang siya roon. Syempre hindi pumayag si Magnus.

Habang may pagkakataon ay hindi ko na pinalagpas na itanong, “E ano? Bakit ang cold mo sa ‘kin ever since nakauwi ako?” 

She chuckled, “Hindi mo man lang nabalita na naging kayo na ni Lucas.” Ahh! Sa bagay, hindi ko nga naikwento sa kaniya. Pero sa tingin ko naman ay hindi ko na dapat ikwento pa sa kaniya dahil matagal ko nang kinekwento sa kaniya ang nararamdaman ko para kay Lucas, akala ko ay obvious na sa kaniya kung ano ang kahihinatnan noon para makibalita pa siya.

“Hindi ko na kailangan i-update ‘yon ‘te! Obvious naman na magiging kami din!” Ani ko kay Miyah na nakaismid na sa akin.

“Ah, gano’n pala ‘yon. Sige hindi na din kita iu-update.” 

Agad ako napaluhod sa sahig at napakapit sa braso niya na tila nagmamakaawa, “Hindi naman ‘yan ang ibig sabihin ko!”

“Ewan ko sayo. Wala akong pake kung in-update mo ‘ko o hindi, alangan lang talaga ako na nagkabalikan kayo ng Lucas mo.”

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now