CHAPTER 49

4 4 0
                                    

[Chapter 49]









Isang malaking terror na mapunta sa meeting na iyon! Lantaran ang makakating dila ng mga matatandang lalaki na kausap ni Wesley. Ewan ko ba kung paano niya natitiis harapin ang mga kumag na 'yon.

Pero hanga ako sa kapasidad ni Wesley na manatiling kalmado kahit na bastos na ang pananalita ng ilan. Sa bagay, trabaho lang ito kaya hindi dapat personalin.

Mabuti naman at natapos na namin ang tatlo sa sampung meeting na dadaluhan namin dito sa La Union. Pinalipas namin ang gabi at hinintay ang umaga.

Panibagong araw, panibagong awra. For today's meeting, I wore a matching gray tweed skirt and blazer topped in my white corset top. Aawra pa, papawisan lang din naman sa huli, pero why care? Sabi ni Wesley ay kailangan kong mag-effort sa damit ko dahil image ng Velglowe ang nakataya dito.

Sa pangalawang araw ay nakaabot kami ng apat pang meeting. 7 pm at isang meeting na lang ang kailangan naming daluhan. Masaya ako dahil sa dinami ng dinaluhan naming meeting, ito na ang panghuli, akala ko nga na sa dami noon ay hindi kami aabutin ng dalawang araw lang.

Paglabas ko sa kwarto na pinagtipunan namin ay sinundan ako ni Wesley at yumuko sa aking tainga para bumulong ng kung ano, "Take a rest, I'll see you in the next hour." Banggit niya. Nauna na siya agad sa akin sa paraang hindi ko na nasundan ng tingin ang kaniyang presensya dahil mabilis siyang naglaho.

Napakamot na lang ako ng ulo sa oras na hindi ko na siya muling makita pa. Anong gagawin ko dito? Hindi naman sapat ang pera ko para bumili ng kung ano.

Pero nagulat ako na sa aking paglingon sa kabilang gawi--ay makikita ko si Iliza. Mukhang inaasahan na niyang makita ako dito dahil sinalubong niya ako ng naka eleganteng pamaywang kasama ang kaniyang nananaray na ngisi. As usual, she's showing off her flawless beauty to me just because she has seen me in this fashion.

"Nice fit." Pang-aasar niyang banggit. Saka siya lumapit sa akin sa paraang elegante ang paglalakad niya.

"Anong ginagawa mo dito?" Naiirita kong tanong sa kaniya.

She chuckled, "Hindi ka na dapat nagtaka; it's in my profession." Sabay taas ng kilay.

Oo nga, nakalimutan ko na entertainment company CEO nga pala siya. Normal lang na dumalo siya sa mga event at pagpupulong.

Inirapan ko siya, "Ahh. . oo nga." Inakma ko na siyang iwanan pero siya na mismo ang nagkusang agawin ang atensyon ko, "Have a dinner with me, Jene."

Agad akong napalingon sa kaniya sa oras na tawagin niya ako sa pangalang ginamit ko sa Switzerland, "'Wag mo akong tawagin sa pangalang iyan!" Nawala na ako sa kontrol at agad naalarma sa pagtawag niya. Alam na alam niya talaga kung paano ako iti-trigger.

Naghinagpis sa pagkaalarma ang pangungunot ng noo ko habang siya naman ay nakahalukipkip na nakangisi lang. Nilalasap lang niya ang reaksyon ko dahil kilala niya ako.

"Hindi kita tatawaging Jene. Just eat with me." Mapilit talaga kahit minsan si Iliza. Pero hindi ko siya matatanggihan dahil pinapaulit niya ang pagtawag sa akin ng foreign name ko.

Dinala niya ako sa isang mamahaling restaurant kung saan naglantaran ang mga sosyaling tao. Sa unang pagkakataon ay nakapunta ako sa isang mamahaling restaurant na akma ang suot sa kapaligiran.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora