CHAPTER 34

11 5 0
                                    

[Chapter 34]








"Magkasama na naman ang dalawang demonyo." bigla kong narinig na bulong sa'kin sa tainga ni Rhoanne. Nang makita ko'y nakasunod lang sa dalawa ang tingin niya.

"Dalawang demonyo?" tanong ko.

"Si Prince tsaka si Chester, sino pa ba."

"Magkaano-ano sila?"

"Bestfriends. Sa sobrang close nila 'kala mo pinagdikit ng glue."

Grabe ang gulat ko nang malamang mag-bestfriend sina Chester at Prince. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon ni Luis kapag nalaman niyang kasama ko ngayon si Prince?!

"Babe! Tara, samahan mo ko kumuha ng isa pang shot." tinawag ni Rhoanne si Chester at agad itong lumapit. Umalis silang magkasama kaya kami na lang ni Prince ang naiwan. Hindi nagtagal at napansin din ako ni Prince. Nang makita niya 'ko ay ginanahan siya agad na pumunta sa gawi ko. Kahit anong iwas ay hindi pa rin pala ako makakaiwas sa kaniya. I put up an awkward smile into just to hide the casualities.

"Jenica! W- Woah. . ." noon niya lang na-realize ang suot ko at kung gaano ako kaganda ngayong gabi. Hindi siya makapaniwalang ang Jenica na nakilala niya noon at ang nakita niya ngayon ay iisang tao lamang. Kaya hindi niya maialis ang tingin sa aking katawan at hindi rin matapos ang bawat salitang binibitawan.

I instantly felt a subtle discomfort from the way he looked at my body.

"Damn! Are you really Jenica?!" hinimas niya ang baba niya at hinawi ang buhok sa likod.

Napilitan na lang akong tawanan siya, "Oo. . . ako lang 'to!"

"I can't believe it. . . you're so hot- you're so sexy!"

Dahil sa pagpalit ng DJ ng kanta ay lalong na-hype ang mga tao sa pagsasayaw, dahilan para mausod kami sa isa't-isa. Agad naman akong umatras sa hiya pero siya, mukhang ine-enjoy niya ang pagkakadikit namin sa isa't-isa. May pagkamanyak ata 'tong taong 'to. Tipong dinilaan niya ang lower lip niya nang magdikit kami e.

"So. . . why's a girl like you at Rhoanne's birthday?" hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa kaniya niyan?

"Bestfriend at kababata ako ni Rhoanne." napaawang ang bibig niya sa oras na malamang magkaibigan kami ni Rhoanne. "Ikaw?" panumbalik kong tanong.

"Bestfriend ko si Chester. Can't believe he's engaged now." totoo nga ang sinabi sa'kin ni Rhoanne tungkol sa kanila. Pero in fairness, never ko nalaman 'yan ah.

"Ahh! Oo nga eh. Parang kahapon lang nung mga bata pa kami ni Rhoanne. Nauna pa talaga siyang ma-engage kaysa sa'kin."

"That was my exact point! Pero feeling ko ngayon, malapit na din ako dumating sa tamang tao ko." pabaling-baling ang tingin niya sa'kin na tila ba nagpapahalatang nagpapahiwatig na ako ang tamang taong tinutukoy niya.

It was weird how he was treating me, but all I could do at the moment was to laugh it off, "Ahh- gano'n ba. . ."

"Yeah, if only she knew though." Bumuntong-hininga siya na nagkukunwaring nahihirapan. "But I don't mind. Maybe I can make a move to her right now." Namilog agad ang mga mata ko nang marinig ang binabalak niya.

"Good luck na lang siguro." asiwa kong tugon sa kaniya saka umakmang lumayo bago pa man may mangyari. Pero sadyang huli na ang lahat ng bigla niya na lang ako hinuli ng hawak sa aking baywang saka ako nilapit sa kaniya. Sobrang magkalapit ang mga ulo namin sa isa't-isa, tila magdidikit na nga ang ilong namin.

Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now