CHAPTER 5

16 7 1
                                    

[Chapter 5]





"Uhm- hindi na pala kita masasamahan tumingin ng apartments.. I- I'm sorry!" bigla na lang ako nakarinig ng boses ng babae sa audio niya. Sa isang iglap ay nakaramdam ako ng kaba at pagkalito sa nangyayari. 

Wala naman akong ibang masasagot kundi, "Ah sige. Hindi- okay lang yun. Take your time." Panawagan ko. Narinig kong muli ang boses ng babae na tila tinatawag na si Lucas para umalis.

"Oh sige sige, maya na lang kita tatawagan ulit, Jenica. Sorry again, Jenica." Paulit-ulit siyang humingi ng tawad bago niya ibaba ang tawag. 

At ngayon, mag-isa nanaman ako, at maghahanap ako ng apartments ng mag-isa. Tatawagan ko sana si Rhoanne para siya ang sumama sakin pero sa mga oras na 'to ay nag-babantay siya ng Chicharon store nila. Kaya naman hindi ko na siya inabala pang isama sa aking paghahanap.

Inabot ako ng 4 hours sa paghahanap pa lang, mayroon na akong dalawang pinagpipilian, yun nga lang ay hindi ako makapili sa dalawa; pareho na kasing maganda at mura. Saktong sakto at tinawagan na ako ni Rhoanne. 

"Rhoanne! Mabuti naman at napatawag ka! Kailangang kailangan ko talaga ang opinyon mo sa pinagpipilian kong apartment." masigla kong pagbati.

"Oh sige nga patingin." pabor niya.

Sinend ko sa kaniya ang screenshot ng poster tungkol sa apartment na nais ko sanang kunin. Kitang-kita ang engganyo ni Rhoanne ng makita ang poster sa Greenhart's Apartments pero mas naengganyo siya sa poster ng Queen's Apartments. Sagot niya sa'kin ay mas maganda ang sa Queen's Apartments dahil naroon na lahat ng kailangan ko. Ang magandang view sa gabi kung saan makikita ko ang halos lahat ng magagandang building sa quezon city, ang magandang service ng mga staff, at mapayapang komunidad malapit doon. May point naman si Rhoanne. Mura na, maganda pa ang benepisyo. Dito na lang ako! Kaya't pinili ko na ang Apartment na iyon at dali-daling nag-inquire. Laking pasasalamat ko kay Rhoanne sa pagpapaliwanag sa'kin kung bakit mas maganda ang Queen's Apartments.

Nang marating ko ang apartment na currently available ngayon ay namangha ako sa ganda at linis ng unit. Habang naglalakad-lakad ako sa loob ay may tumawag sa akin from behind. Humarap ako at nakita ko ang isang gwapong lalaki. Matikas ang katawan at nakasuot ng gold square glasses na siyang bumabagay sa kaniyang kagwapuhan. Matangkad din siya, kung huhulaan ko ay baka nasa 5'9 ang kaniyang height. Lumapit siya sa'kin ng dahan-dahan at saka ngumiti. His smile seemed so pure and warm, it easily convinced me. Nang lapitan niya ako ay inalok niya akong tumingin-tingin sa mga bintana. Sabi ko sa kaniya ay hindi na kailangan dahil kanina pa ako nakapag-ikot-ikot dito. Ngumiti siyang muli sabay labas ng mga papel sa kaniyang shoulder bag na kulay tsokolate. Inabot niya sa'kin ito para tignan ko. Nang basahin ko ay mas lalo pa akong naengganyo sa mga offer na lumalabas dito. Mukha nga'ng makakamura na ako dito. 

Nagpakilala siya bilang isang real estate agent sa ngalang, Kenny Millock. Nakwento niya pa sa'kin na isa siyang foreigner. Sa tingin ko nga'y gusto ko na siya, ang gwapo niya kasi at mahinhin pa kung magsalita. Maganda rin ang haircut niya at kapansin-pansin ang matulis niyang jawline. Ano pa ba ang hihilingin ko sa isang lalaki?

"I'm giving you this unit in full price. P50,000 and it's all yours." alok niya sabay haplos ng kamay niya sa aking palad. Wala pang isang minuto ay naramdaman ko nang namumula ang mga pisngi ko. Sa paghaplos niya sa palad ko, baka naman gusto niya rin ako? Halata naman sa paraan ng pagtingin niya sa'kin na tila tumatangis siya sa'kin. Ack! Nakakakilig na talaga much!

Siguro'y napansin niyang ngumingiti na ako ng mag-isa, kaya hindi ko na pinatagal pa at sinabing, "Sige, I'm getting it in full price!" masaya kong sinambit sa kaniya habang agad kong inabot ang kaniyang palad saka ito kinamayan. Isang minuto kaming nagkamayan hanggang sa hablutin na muli ni Kenny ang kaniyang kamay at pinunas ito sa kaniyang trousers. Patuloy akong nakangiti kahit hanggang sa pagkuha ko ng pera sa'king wallet, dun lamang lumabas ang tunay na ngiti sa kaniyang mga labi. Naengganyo ako nang makita kong lalo pa siyang nasiyahan kaya naman nilagyan ko ng extra ang salapi.

"Ah.. Miss Acab, your change is P1,000." pansin ni Kenny, pero hindi niya alam ay extra ko iyon para sa kaniya. Sabi ko sa kaniya ay hindi, para sa kaniya talaga iyon, nagsisilbi kong 'thank you extra' at hindi naman siya nag-dalawang isip na tanggapin ang extra. Natapos ang aming diskusyon at si Kenny ay nakahanda nang umalis. Lumabas siya ng pinto ng apartment pero hinabol ko siya upang pigilan siya sa pag-alis. Nagtaka siya kung bakit, "Yes, Miss Acab? Do you need anything?"  maginoo niyang tinanong sa'kin. Sa paraan ng pagsasalita niya ay tila pinapahiwatig niya na ang kalagayan ko ang pinaka-importante sa lahat. Hindi ito delusyon! Totoo ito!

"Mr. Millock..." malumanay kong tinawag habang dahan-dahan akong lumapit papunta sa kaniya. Hinaplos ko pa ang kaniyang dibdib pababa sa kaniyang beywang. Doon ko nabakas ang v-line niya. Wow! Kung pwede lang ako sumigaw sa kilig ay matagal ko nang ginawa. "Can I get your number? You know.. you're a really interesting guy and people like us should get along... romantically." alok ko sakaniya sabay hingi ng phone number niya. Napangiti na lamang siya sa gulat ay kapansin-pansing nahihiya pa siya sumagot.

"Sorry Miss Acab but I already have a wife. If it's about my ways, I apologize. Goodbye." laking gulat ko nang malaman kong kasal na pala si Kenny?! Wow.. talagang nakakadismaya iyon. Bumuntong hininga na lamang ako sa dismaya ko noon habang pinapanood ko siyang umalis. Pumasok sa isip ko ang lahat ng pagsisisi at pagkahiya. Binili ko pa ang unit na iyon dahil na-antig ako sa kaniyang charms, pero who would've thought that he's already a married man? Ang sarap mag-mura na parang ayoko lang din dahil I'm a strong independent woman. Hayst. Sana di ko na siya makita pang muli. Naisip ko rin na 'hay! Bakit ba inisip ko na may chance ako sa taong yun, tutal lahat naman ng gwapo, ay siguradong TAKEN na!' talaga naman.

Pumasok na lamang ako sa apartment ko ng galit. Sa aking pag-upo sa sofa ay agad nawala ang galit na naramdaman ko kanina. Napag-isip-isip ko na masaya pa rin kung tutuusin dahil nakakuha ako agad ng yunit sa isang araw. Naisip ko din si Lucas... baka pwede ko siyang imbitahan ngayong gabi. Siya kasi ang gusto kong unang makapunta sa bago kong apartment. Humiga ako sa couch habang ang aking mata ay nakatingin lang sa bintana na nagpapakita ng magandang tanawin ng mga buildings at langit sa labas. 

Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na pala ako. Sa aking mapayapang paghimbing ay nakarinig ako ng malakas na boses ng isang babae at matinding sigaw ng isa pang babae. Nagising ako kaagad at ang tumambad sa'kin ay dalawang babae- ay hindi- isang babae at... isang lesbyan. Ang lesbyan ang sumugod sa'kin na galit na galit. Laking gulat ko dahil hindi ko naman sila kilala at wala akong ideya kung pano sila nakapasok dahil na sa'kin ang mga susi.

Sino ba ako, sigaw ng lesbyan habang ang babae na siguro'y girlfriend niya ay tili ng tili. Halos marindi na nga ang mga tainga ko dahil sa walang katapusang pagtili ng babae. Hindi ko tuloy masagot ang mga tanong ng lesbyan dahil masyado akong distracted sa ingay ng babae, kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko at hindi sinasadyang masigawan ang babae upang mapatigil siya. Tumigil naman siya habang ang kaniyang mga mata'y nakabuka sa labis na gulat. Humingi ako agad ng patawad pero lalo lang nagalit sa'kin ang lesbyan.

"Teka nga lang kasi! Pwede ba magsi-tahimik kayo pareho!" pagmamakaawa ko sa dalawa.

"Pano kami kakalma eh may ibang tao sa bahay namin!" sagot ng lesbyan, ang kaniyang pananalita ay nananaliting agresibo.

"Bahay? FYI, kakabili ko lang ng unit na to kanina, oh eto papeles!" tinapon ko sa kaniya ang mga papeles sa kaniyang mukha at agad niya itong pinulot upang basahin. Tumango siya sa'kin tsaka malisosyong ngumiti.

Sa isang iglap ay napunta kami sa prisinto. Ngayon ay chine-check na ng pulis ang mga papeles na binigay sa'kin ni Kenny.

"Hmm.. hindi naman totoo itong papeles na 'to eh." sagot ng pulis.

Laking gulat ko nang marinig kong hindi totoo ang mga papeles na bingay sa'kin.

"Teka lang! Binigay 'to sa'kin ng real estate agent eh! Nagbayad pa'ko ng P50,000 para lang makuha yunh unit!" desperado na ako sa pagpapaliwanag ako.

"Naku... sorry to say this ma'am pero naloko po kayo." tugon ng pulis.

NALOKO AKO?! Napakalaki ng perang nilabas ko dito! Kailangan ko makuha ang pera ko! Bwiset na Kenny Millock yan! Humanda ka sa'kin!


Sounds Of The Night (TWTH Series #1)Where stories live. Discover now