CHAPTER 44

4 2 0
                                    

[Chapter 44]









“Let's go back.” was Lucas' gentle murmur to me.

Nakahawak ang palad niya sa likod ko sa paghatid sa akin sa loob.

“Luis!! Come back here! It's not going to be a good weather tonight!” Narinig naming sumisigaw sa galit si Magnus habang naglalakad kami sa loob.

“What's going on here?” Kuryosong tanong ni Lucas kay Magnus.

Nangongorblemang umiling si Magnus at nagdabog sa pag-upo sa upuan sa kusina. “Fucking stubborn. . .” Bulong niya habang nakahawak sa noo.

“Okay- tell me what the fuck is going on here.” Nabigla ako nang magseryoso na ang boses ni Lucas. He's seriously upset and nobody's speaking about it.

Kita ko ang mukha ni Danica na nag-aalala para kay Luis. Tinaasan ko siya ng kilay at lumapit kay Magnus para tanungin siya, “Magnus? Pwede bang sabihin mo sa amin?”

“Luis stormed off. He was pissed and I tried asking him that but instead--he told me to stay out of it.” huminga siya ng malalim. Halatang nagtitimpi lang siya hanggang sa hampasin niya ang lamesa.

Hindi magiging maganda ang klima ngayong gabi kaya't mapanganib na umalis pa si Luis. Sigurado akong may kinalaman ito sa dinatnan niya.

Pero dapat ay wala na siyang pakialaman pa roon, dahil kami na ni Lucas.

Nang sumunod na araw na iyon, nabalitaan naming nag-stay sa hotel si Luis kaya nang sumapit ang umaga ay pinuntahan siya ni Magnus at Wesley. Sasama din dapat si Lucas pero pinatigil siya ni Danica at sinabihang manatili na lang sa bahay.

Nang sabihan siya noon ni Danica ay tila namutla sa panghihinayang ang mukha niya. Kaya naman nilapitan ko siya at hinimas ang kaniyang likod para pakalmahin.

Nagbaling siya sa akin ng tingin na mat mataimtim na ngiti.

“What should we do?” Pagkabalisa niya.

“Uhh- I don't know. What if mamasyal tayo sa labas? Tutal ilang araw na lang ang mayroon tayo; sulitin na natin.” I requested him. He quite liked the idea too.

Masigla siyang tumayo, “Tama! How come I didn't think of that?! Well. . Magpunta tayo sa sea fort ng Helsinki.” Hindi ko alam kung ano ang lugar na tinutukoy niya pero mukhang maganda ang iniisip niyang lugar. Kaya hindi na kami nagsayang pa ng oras at nagpalit ng damit.

Nakarating kami sa Helsinki sea fort gamit ang sasakyan ni Lucas. Napakaganda roon at maaliwalas ang paligid! Ngayon ko nakita ang nagtataasang mga gusali na may iba’t-ibang matitingkad na kulay.

Sobrang ganda dito, para akong naglalakbay sa nakaraan! Tumakbo ako papalapit sa fence at tinignan ang karagatan. May dumapong ibon din sa balikat ko noon. I couldn't stop myself from admiring every single detail that's happening in my life right now, everything seemed to be a lucky shot in my recent occurrences.

“Ganda ‘no?” Tanong ni Lucas na naglalakad na nakapamulsa sa bulsa.

Mabilis akong tumango at bumaling ng tingin sa naglalakihang barko na nasa daungan.

“I own a boat.” Bigla niyang sabi.

“Ikaw?” tanong ko at nagpaling ng ulo.

Tumango siya at nangisi, “I haven't really told you much about my life. At least the recent ones.”

“Hindi ko naman ikaw pine-pressure magkwento.”

“Still. Gusto ko lang na malaman mo.”

“O sige. Ano ba iyon?”

Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Where stories live. Discover now