CHAPTER 43

5 3 0
                                    

[Chapter 43]







Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Iliza nang makaluwag-luwag na ang pakiramdam ko. 

“Well then I'm heading out.” Sabay tayo mula sa upuan.

Natapos na rin ako sa pagkain no’n at nakaambang na ligpitin ang pinagkainan pero napatingala ako nang tumayo si Iliza.

“Aalis ka na? Ang bilis naman.” Nangingiti kong sabi.

“I originally came for Ethan, not you.” Ang sungit naman. ‘Di ba dapat ako ‘yong mas  masungit? “Bakit? Miss mo na ‘ko agad?” Biro niya habang natatawa.

Inismidan ko siya at inirapan. “Sige na lang.” I brushed her joke off. Tumayo ako para kunin na ang mga hugasin at ilapag sa lababo. Paglingon ko ay wala na siya. Nawala siya sa isang ihip ng hangin.

Bumaling ako ulit ng tingin sa inuurungan kong mga plato. Pagkatapos kong mag-urong ay nagpunas ako ng kamay sa pamunas na nakasabit sa handle ng refrigerator. Tsaka ako nagbalak na tumambay sa veranda na nasa tapat lang ng dinner room. 

Laking gulat ko na sa pagbukas ko ng pinto papunta sa veranda ay makikita ko si Magnus na naroon din at seryosong nakamasid sa tanawin. Si Magnus ang unang sinulyap ng mata ko bago ko pang masulyapan ang kagandahan ng Finland. They always had those graceful white snow. The tall mountains just filled with purity, and the cold atmosphere of the wind. I'd always find warm in there just by looking at the beauty it hides.

“Jenica.” Tipid niyang bati. Papunas-punas pa siya ng kamay sa likod niya habang nahihiyang papalapit sa’kin.

Tumango ako at tipid na ngumiti. Lumapit siya sa akin at tumabi sa akin sa panonood sa tanawin. Nang sumandal siya sa railings ay sumandal na rin ako sa tabi niya. Mabigat siyang huminga at tila laging may pag-aalala sa pagtingin niya. Hindi ko maiwasang mapaisip kung mayroon lang talagang pinagdadaanan o may problema siya sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito kabigat sa sarili.

Nang bigla siyang naglingon ng tingin sa akin at akin lang, “Why did you walk out last night, Jenica?” Tanong niya.

Napatipid ako ng labi sa sinabi niya at tila napaatras sa kung ano mang nadarama ko. Wala akong masabi. I was hesitant to tell him the truth because then he'd find out what I truly think of Luis. 

Yet he was persistent in knowing the reason why as he repeated his question. There was no way I was going to tell him, but I couldn't just leave him in the middle of asking, waiting for no response. Just a little excuse will suffice.  

“I-inaantok na kasi ako no’n.” Sabay kamot sa ulo.

Umiling siya at lalong nangunot ang noo, “Alam kong hindi iyan ang totoong rason kung bakit ka umalis kagabi.” He seriously affirmed.

I was even more taken aback when he confronted me. He clearly knows what's going on with me! I can't be honest with him but I also can't be a liar with this matter. 

What puts me in a more stressing situation is how cold the atmosphere of the moment had turned. Magnus was always a bright person but seeing this side of him made me unbelievably anxious of my actions. I couldn't determine if he's worried about the dinner or about me. 

“Iyon ang totoo.” I insisted.

Umiling siya ulit at lalo pang lumapit sa akin, “Can't you just tell the truth? I know you walked out the dinner because of Danica. You were jealous of her.”

Sinampal ko siya nang magkamali siya ng sinabi. Tambad sa mukha niya ang gulat nang mapahimas siya sa pisngi. Bumugso ang galit ko dahil sa paratang niyang pinagmumukha akong inggit o selos kay Danica. Even if it's true, I wouldn't let him just speak that straight of me.

“Hindi. Ako. Nagseselos.” Nagtipid ako ng salita sa oras na mangilabot ako sa galit. Pinipiga ko ang sarili kong pigilan ang namumurong galit para lang maiwasan ang kahit anong seryosong alitan.

“You know I didn't mean to insult you but it's just the truth. Mas masaklap lang na dine-deny mo din. You know, Jenica. Alam ko naman ang totoo e. Matagal ko na ring alam na gusto mo si Luis. Sana ‘wag mo i-deny ngayon.” Pakiusap niya. 

He's right. I was too overhead of my feelings. For a second, I felt a sudden regret over my actions. 

To admit my feelings. There may be nothing wrong about that, but if I do--I’ll end up putting Lucas in a confusing knotted situation. I thought I'll always be clear with my intentions--but now it's just my feelings that I'm confused of.

Mabagal akong tumango. Hindi ko na ilalayo pa.

“Totoo. . . na nag-walk out ako dahil sa selos. Pero iyan. . .”

“I apologize in advance if it turned out that way.” Noong sinabi niya ‘yan ay gumaan na ang pagtingin niya sa akin. Nawala na rin ang pangungunot ng noo niya. Finally, the pressure have suppressed. “Na-surprise din ako noong in-open niya ang topic na ‘yan. But everything she said was true. Danica and Luis had a history. . but only on Danica's mind.” Dagdag niya.

My expression had turned sour just listening to his story. I know I had to keep up with this if I want to understand better.

“When we were at college, Luis was head over heels to Danica. Luis courted her for years but Danica would always turn him down. Then one day. . he stopped. He said he'd be quitting but he won't stop loving her. I don't know now because. . .” Nabitin ako sa sinabi niya. So matagal na nga talaga nilang kilala ang isa't-isa. Iyon din pala ang rason kung bakit nagiging overprotective si Luis sa tuwing si Danica ang nakakaharap ko; dahil may pagtingin pa din siya para sa kaniya. Parang nalaglag ako nang maiwan sa realisasyon. Para akong nagmukhang tanga sa buong ganap na ito. . na wala talaga akong halaga sa naging pagsasama namin dito. Dahil kahit anong sabihin at gawin ko, si Danica pa din pala.

Pero mukhang nagkakamali ako. . “Dahil?” Bitin kong reklamo.

Huminga siya ng malalim, “I shouldn't be the one saying you this. . but the situation just makes it even worse.” 

“Sabihin mo.”

Natahimik siya pero kinalaunan ay nagsalita rin, “I can't tell if he still loves Danica because. . . he was also going crazy over you. Honestly, I haven't seen him tear flower petals ever since he admitted his love for Danica; well. . . not until now.” I was totally speechless. I couldn't believe my ears, I couldn't believe what I heard, I couldn't believe what I knew. What's more hard to believe is that Luis actually likes me all this time. It almost freaked my heart out, I was going on a hardcore trying to place my heart in supress. 

I felt a surge of joy. The feud between my love and jealousy had officially ended. But my rivalry of confused feelings for Luis and Lucas began.

It's time to tend my feelings in a clearer way.

“I-I think I do too.” I finally admitted to him.

He smiled in ease, “I know.” 

Sa wakas ay nauwi rin sa kapayapaan ang nagsisigawan kong puso. Masaya ako na malaman na pareho lang pala kami ng nararamdaman ni Luis sa isa't-isa. Pero ganunpaman ay hindi pa rin maiaalis ang pagtatampo ko dahil sa ginawa niya kagabi.

Nandoon pa din e. Nandoon pa din iyong paniniwala na baka siya pa din. Si Danica pa din pala ang hinahanap-hanap. Wala akong magagawa doon kundi manood at masaktan.

Sa ngayon ay magaan na ang loob ko sa pangyayari kagabi, pero hindi ako mapapanatag na paniwalaan ang confession na iyon hangga’t hindi si Luis ang mismong nagpapatunay.

Sumapit ang hapon at pagod na nagsibalikan ang lahat. Pagod na pagod sila dahil sobra ang katuwaan na inabot nila sa skiing. Nang makapagpalit ng damit ay nagtipon ang lahat sa sala at nagkwentuhan.

“Today was really fun.” Hindi pa rin talaga nakaka-get over si Danica sa saya na mag-ski. Syempre--kasama niya si Luis e.

Tumango si Wesley, “Me too. I had extraordinary fun. Nakakatawa lang no’ng nahulog si Luis sa first try niya.” Natawa silang lahat nang marinig ang kwento ni Wesley. Even I laughed but somehow there was a sudden surge of worry that sparked inside me as soon as I heard what happened. I kept questioning ‘was he hurt?’ or ‘how the hell did that even happen?!’ .

I shook my head and shifted my attention to their running conversation.

“What about Ethan? I think he's doing good.” Pang asar ni Luis kay Ethan. Halatang sarkastiko ang sinabi ni Luis dahil nakaismid sa kaniya si Ethan. Nakakatuwa ang tingin niya.

“What about Lucas? I think he's good too.” Sarkastikong pagresbak niya kay Luis. Napunta ang tingin ko kay Lucas na una'y tahimik lang pero tumawa rin.

Nagtawanan silang lahat pati ako, “Good pala ah? Ilang beses nga ako nasubsob ‘di ba.” Pare-pareho lang silang mediocre doon.

“Hays. . ang mga kuya nga talaga.” Pang-asar ni Danica sa kanila at tinawanan nila.

Nagpatuloy ang masaya nilang tawanan sa mga sumunod pang oras. Nang kinagabihan ay nagpasya akong tumambay ulit sa veranda para makapag-isip-isip. Pero nang magpunta ako ay nalaman kong nauna na sa akin si Lucas na nakasandal din sa railing na magkahawak ang kamay at pinapanood ang tumatakbong mga tala.

Hindi ako nagdalawang isip at tinabihan siya. Yumuko ako para lapitan ang mukha niya. He was busy deliberately contemplating that's why he couldn't afford to pay me a glance. Suddenly--he closed his eyes then put up a grin in his lips, his left eye opened looking through my gaze.

Natawa ako sa ginawa niya dahil akala ko masyado na siyang nagseryoso na hindi niya na ako napansin.

Tumawa kami sa isa't-isa. Nilapag niya ang likod ko bago niya ako inakbayan. Normal na sa amin ang mag-akbayan, kahit bata pa lang kami ay lagi kaming mag-aakbayan habang maangas na maglalakad sa kalye, akala kasi namin dati kinaangas namin iyon. Hanggang sa makasanayan nalang talaga namin sa paglaki. Kaya pinagkakamalan kaming magkasintahan noon, pero naging kami naman talaga.

Kaya lang ay parang hanggang ngayon ay nakasanayan pa ding ginagawa. 

He turned to me and smiled even wider. That smile is the only smile I'm longing for. The moment I caught that in my eyes, I knew I'd be down right to it. 

“Kamusta ka?” Tanong niya.

Nangiti ako at kumurap, “’Di ba tinanong mo na sa akin ‘yan kanina?” Natatawa kong banggit.

He chuckled, lalo niya oang hinigpitan ang akbay niya sa akin hanggang sa magdikit kami ng ulo, “Iba naman ang tinutukoy ko. Mag-isa ka lang dito ‘di ba? Nagpaiwan ka kasi, so anong ginawa mo dito habang wala kami?” 

Nagkibit-balikat ako sabay himas ng kamay niyang nakaakbay sa akin, “Wala, tumambay sa library ng bahay. Ang dami pa lang libro dito.” 

“Fun fact, I donated 100 books to it three years ago.”

Umatras ako para ipakita sa kaniya ang gulat sa aking mukha, “Talaga?! Sana sa'kin mo na lang binigay.” Biro ko. Ako lang din ang tumawa sa sarili kong biro.

Lumawak ang ngiti niya at pumilitik ng dila, “I will now. Kapag tayo na ang may sariling bahay.” I was taken aback with what he just affirmed. He was clearly dreaming of a future with me.

Hearing him talk about that sounded like a reassurance to all confusions I've been overwhelmed with.

Napaawang sa surpresa ang labi ko at namilog ang mata. This time, hinawakan niya din ang kamay kong nakakapit sa nakaakbay niyang kamay, mas mahigpit pa sa aking kapit noong una.

“Be with me again, Jenica. I know I'm often absent, but I promise to be alwyas present from now on. I'm never leaving you.” .

His fingers began tracing its way from my neck up to my cheeks. I could hardly feel his breath come close to me, like a calming pill I've been looking for. Not until he began caressing it. I don't know how long this intensive stare is going to last, but save the last glance for the kiss. 

And before I knew it--he managed to taste my lips. Planted a kiss. It was--what I'm always finding in my dreams, what I'm always looking for in nothingness. And now--it’s right in front of him, hidden in Lucas' magical lips.

He was the one for me. And I've always been the one for him.

I nodded as our kiss turned even more intense. We continued, not stopping until one of us grasped in pant, until we lost our breath. I'm not going to give up that fast; I'd rather be lost in his kiss than lose my breath.

Habang nilalasap ko ang matamis na pakiramdam ng halik ni Lucas ay nakarinig ako ng ingay. Bumukas ang pinto pero hindi kami natinag at wala ni isa sa amin ang nagbaling ng tingin. Wala na kaming pakialam sa kung sino man ang makakita sa amin.

Ngayon, pagmamay-ari na ni Lucas ang puso ko. Ganoon rin sa akin ang puso niya, wala nang makakahadlang pa sa amin.

Everything shattered when I found out who saw us. From my peripheral view, it was-- Louis. His eyes were wide as he was terrified, and his slightly opened lips. There was horror in the way he discovered us in this situation. But I'm no longer surprised. I have no regrets about this; I'm not responsible for whatever Luis had to feel about it. 

Unti-unting kumunot ang noo niya at nagtipid ng labi. Umiling siya at dismayadong lumingon sa iba para ngumiti. Noong panahon na iyon ay unti-unti na din kaming kumakawala sa isa't-isa ni Lucas. Pero bago pa siya masulyapan ni Lucas ay nagmadali na siya para umalis.

Nang makawala ay napakapit ako sa dibdib ko para maghabol ng hininga. For Lucas to hear me running for breath, he somehow felt proud about it.

Once again, he cupped my cheeks and gazed at my longing eyes, “I’ve always loved you, Jenica. It grew even stronger this time.”

Tumango ako at hinimas ang nakahawak niyang kamay, “Me too. You're the only person I'm waiting for.” I sincerely adored.

And he placed a kiss to my lips again. This time, we worshipped our grip even tighter.

Finally we're back, Lucas. 





Sounds Of The Night (TWTH Series #2)Where stories live. Discover now