Chapter 59: Unpredicted Scenario

2 0 0
                                    

Cinyla's POV

HALOS dalawang araw akong nagpahinga sa bahay, si Mommy ang laging naghahada ng pagkain sa akin at kahit ang pag-aasikaso.Napatingin ako sa malaking orasan na nasa gilid ng aking lamesa, malapit na pala mag-lunch.

Habang nakatingin ako sa paligid, nakikiramdam sa katahimikan ay may biglang kumatok sa aking pintuan. Tatlong katok ito bago ako nagsalita.

"Pasok," tipid kong sabi.

Bumukas ang aking pintuan, at hindi si Mommy ang kumatok kundi siya, ang aking Ama. Sa pagkakataon ito, humarap siya na walang maskara. Dala-dala ang tray ng aking pagkain at tubig inumin.

"Good afternoon, Cinyla. Kumain ka na, sana magaling ka na. Umalis ang Mommy mo, kaya ako na lang ang nagdala nito."Hindi ko man tinatanong pero sinabi niya na kung bakit siya ang nagdala, saan naman kaya pupunta si Mommy ng ganitong oras, mainit sa labas.

"Salamat po, saan daw siya pupunta?" malamig kong pagtatanong.

"Bibili lang ng uulamin natin mamaya, sabi ko nga ako na lamang ang lalabas pero pinilit niyang siya na lang. Sige na anak, kumain ka na. Baba na muna ako."

Nilagay niya na sa lamesa ang pagkain ko, hindi na rin ako nagsalita pa dahil mukhang naramdaman niya ang malamig kong pakikitungo sa kanya. Kahit na gusto kong maupo at kausapin siya, hindi ko kaya. Hindi pa sapat ang lakas ko para harapin siya. Tumalikod na nga ito at isinara nang mabuti ang pintuan.

Dahan-dahan akong umupo at nakahinga nang maayos.

Napahawak ako sa aking tiyan at napatingin sa tray na dala niya kanina lang. Kinuha ko iyon at hinarap sa akin at bumungad sa ang adobo baboy at kanin nakalagay sa itim na Plato, isang maliit ng mangkok na ang laman ay mainit na sabaw, isang pilas ng saging na nakalagay sa maliit na platito na may kasamang dalawang hiwa ng mansanas. At isang malamig na tubig.

Napangiti ako at dahan-dahan humigop ng sabaw. Habang humihigop ako, napapapikit ako sa kakaibang lasa nito kahit na sabaw lang naman.

"He still know what I want every time our meal is adobong manok."Sumubo na rin ako ng kanin at ng ulam. Sunod-sunod ito na para bang hindi ako nakakain kahapon. The taste is unusual. Hindi ganito ang luto ni Mommy, matamis at maanghang ang pagkakaluto ngayon at sobrang lambot ng baboy. May kasamang patatas pa, kaya mas lalo akong ginanahan kumain.

Anim na minuto akong kumain at inuubos ko rin ang prutas na dala niya. At sa pagkakataon ito, mas magaan ang pakiramdam ko. Kaya tinabi ko muna ang tray kasama ang Plato, mangkok, platito at isang baso na wala ng mga laman.

"Thanks, God. I'm full and fine now!" Masiglang sabi ko.

"You still liked it? I'm glad to know na naubos mo ang inihanda at niluto ko sa'yo . You're mom told me to do that, isa rin 'yang way ko para maalagaan ka dahil nandito na ako, Cinyla." Napatayo ako at nakita ko si Daddy na nakaupo na pala sa kama. He is there? Kailan pa? Saka, pinanood niya akong kumain?

"Nandiyan ka po pala, sorry hindi kita napansin. Salamat po sa pagkain."

"Cinyla, prinsesa ko, sana hayaan mo akong bumawi. Next Monday na ang surgery ko, ipapaayos ko na rin itong peklat sa mukha ko." paliwanag nito ngunit garagal na ang boses niya.

Tumingin ako at nakita kong may basang likido na ang mga mata niya. Hindi na rin mapinta ang mukha nito at ngayon, mas kita ang sugat ng nakaraan niya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Doon ko pinakawalan ang mga bisig ko at hinagkan si Daddy.

"D-daddy..."

"Shhh, I am here."Hinimas niya ang likuran ko at doon bumuhos ang kanina pang mga basang likido na pinipigilan ko.

"Patawarin mo ako sa lahat, sa pang-iiwan ko, pagsisinungaling ko at magkaroon ka ng kapatid sa labas."

Unforgiven Sins Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang