Chapter 3: Identity

29 1 0
                                    

Cinyla’s POV

HALOS mapahilamos ako gamit ang mga kamay ko nang wala sa oras. Bigla kong nabitawan ang hawak kong panyo. Hindi ko alam kung bakit mayroon siyang panyo na apelyido ng aking Daddy. Halos manlumo ako sa mga naisip ko pero baka naman nabili niya lang sa kung saan iyon na parehas ng apelyido ko.

Pinili ko na lamang ang huwag ng kumibo at manahimik na lang. Ngunit bakas pa rin sa akin ang pag-iisip at takot dahil na rin sa hindi ako mapakali at namamasa ang magkabilaang kamay ko.

Sinubukan ko na lamang kumalma, pinikit sandali ang mga mata at naisipan humiga sa malamambot kong kama.  Masyado lang akong nag iisip ng kung ano-ano.

Nagising ako sa sunod-sunod na katok at pagtawag sa pangalan ko. Imbes na bumangon mas pinili ko na lang takpan ang tainga ko ng unan. Sino ba naman kasi ang kakatok ng ganitong oras? Tiningnan ko kung anong oras na at napansin kong na pasado alas diyes na rin nang gabi.

Pero mukhang hindi aalis doon si Ben, kaya kahit sinira niya ang tulog ko bumangon na lang ako at pinagbuksan siya ng pintuan.

Mahigpit na yakap agad ang natanggap ko, wala ako sa sarili ng mga oras na iyon at sa gulat ko natulak ko siya nang biglaan at malakas.

"S-Sorry... Bakit ka ba nangyayakap bigla? Sinira mo na nga ang tulog ko nangyayakap ka pa riyan. Ano bang nangyayari?"

Hindi ko man lang narinig ang pag aray niya o ano, kundi tanging malungkot na awra ang pinakawalan niya.

"Pasensiya na Cinyla, hindi ko sinasadya na sirain ang mahimbing mong pagkakatulog. Hindi lang ako komportable. Sorry... Sorry talaga."

Halos makaramdam ako ng guilty sa kasamaan ko. Bigla rin akong nanunulak sa taong may pinagdadaanan pala. Hindi ko naman ginusto iyon, nabigla lang ako. Nakakagulat naman kasi ang eksena niya. Hindi ko rin naman gusto na matulak siya ng ganoong kalakas.

Lumapit ako at pinapasok siya sa loob ng kwarto ko. Tiningnan ko ang braso niya, namumula tumama yata siya sa pader. Omg, gulay! Ang lakas yata 'non.

"Pasensiya ka na, nagulat lang ako sa pagyakap mo. Next time naman kasi magsabi ka muna huwag kang mambigla rin lalo na kakagising ko lang. M-masakit ba?"

"Sorry talaga, Cinyla. Aalis na rin ako para makapahinga ka.Nakapanigip lang ako ng hindi maganda kaya napayakap ako sayo." Paliwanag nito na siyang ikinadurog ng puso ko. Sa pagiging OA ko hindi ko alam na nagiging makasarili na'ko.

"Uy hindi! Sorry talaga, sure ka ba na okay ka na?" Takang tanong ko rito.

"Oo naman, salamat. Sorry talaga." Tumayo na ito para lisanin ang kwarto ko pero hinawakan ko kaagad ang kamay niya.

"Kapag kailangan mo ako, katok ka lang. Hindi na kita itutulak ulit. Pangako!" Tinaas ko ang kanang kamay ko bilang panunumpa na hindi na mauulit pa.

Ngumiti ito bago tumugon, "Salamat. Sige na good night. Magpahinga ka ng mabuti. Yung gitara mo balik ko na lang bukas ha?"

"Sure. Ingatan mo lang. Good night na rin!" Paalam ko rito at tumayo na rin para ihatid siya palabas ng kwarto ko, kahit na ilang lakad lang naman iyon at sa bandang kaliwa at dulo naman ang kwarto nito.

Nakalabas na nga ito at sinarado ko na rin ang pintuan ko. Bumalik na ako sa kama at bahagyang napaisip. Naiinis ako sa sarili ko dahil ang sungit ko kaagad. Kung anuman ang napahginipan niya, sana mawala agad sa isipan niya para naman makapagpahinga rin siya nang maayos.

Umayos na ako ng higa pero tila nababagabag ako at hindi na mahanap ang antok. Kaya pinili kong maupo na lamang pansamantala sa kama ko, nag isip ako ng pwedeng libangan para dalawin ako ng antok hanggang sa maalala ko na ang gitara ko at nasa kanya. Nalungkot ako ng maisip iyon. Ayoko naman ang magbasa kahit na hilig ko dahil iniingatan kong huwag maadik at baka maging dahilan pa para lumabo ang mga mata ko.

Nag isip ako ng iba pang pwedeng gawin pero wala na akong maisip. Bumangon ako na para bang nagkusa ang mga paa ko na taliwas sa naiisip ko.

Lumabas ako at pumunta sa kwarto niya. Mas umagaw ng pansin sa akin ang musikang tinutugtog niya at ang lalaking kasalukuyang kumakanta ngayon.

Ang ganda pala ng boses niya. Mukhang marunong nga siya. Nakakamangha. Kumusta kaya siya? Natawa ako sa naisip ko na baka sa takot niya sa panaginip niya kaya hindi na siya bumalik sa pagkakatulog kaya nandito ako ngayon at may masamang balak.

Mahina akong natawa baka kasi marinig niya. Susubukan ko lang naman para malaman ko kung takot ba siya sa mga multo o ano.

Gumawa ako ng mga ingay na magpapakaba sa kanya o magbibigay istorbo para huminto siya sa ginagawa niya. Kung ano-anong huni ang ginawa ko pero wala siyang ginawa kundi tuloy lang sa pagkanta niya. Sinubukan ko pang tawagin ang pangalan niya ng nakakatakot pero halos maubusan lang ako ng laway dahil baliwala lang sa kanya.

At sa huli ginawa ko na ang mas kakaiba.

Awooow-

Biglang bumukas ang pinto at bumalandra sa akin ang walang pang itaas na si Ben.

Napatakip ako ng mga mata dahil sa mga monay na nakikita ko.

"Huy, magdamit ka nga!" Utos ko rito dahil para bang siya lang ang tao rito.

"I know na ikaw 'yon. I don't believe in ghost. Mas nakakatakot ang taong buhay na pumapatay." Seryosong sambit nito.

"Pero anong ginagawa mo rito sa labas ng kwarto ko?" Dagdag nito sabay lapit sa akin. Napaatras ako hanggang sa makorner niya ko sa pader.

"Kung ikaw ang multo, mas gugustuhin kong dalawin mo'ko gabi-gabi." Mapang-akit niyang sabi dahilan para mapalunok ako. At diretso ang mga mata ko sa mga mata niya.

Damn his brown eyes!

Lumapit pa ito nang lumapit hanggang sa maramdaman ko ang paghinga niya at ang amoy niya na kakaiba.

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng mas lumapit pa siya. "Don't play with me." seryosong bulong nito dahilan para makaramdam ako ng pagtaas ng mga balahibo ko.

Waaah! Bakit parang anak ni Kamatayan ang kaharap ko? Self ano ba kasing ginawa mo!

Hindi ako makawala at higit sa lahat hindi ako makapagsalita. Pakawalan mo na'ko!

Ngumiti ito nang nakakaloko, dinampi ang labi niya dahilan para makaramdam ako ng panghihina. Nagpakawala siya ng matindi at matagal na halik sa labi ko.

"The game will start now!"

Hindi ko maintindihan ang punto niya kaya minabuti kong tapakan ang mga paa niya. At sinampal siya ng malutong.

"I hate you!" Sigaw ko at umalis. Mabuti na lang matindi ang pagkaapak ko sa paa niya at sa wakas nakawala ako.Nagmadali akong pumasok sa kwarto ko.

Ughh! That man is pervert! My innocent mind and my virgin lips.

Dumiretso ako sa CR para magtoothbrush at maghilamos. Ayoko mabahiran ng dumi itong virgin lips ko.

Kasalanan mo 'to BenChua! Pwest, humanda ka sa susunod. Tumingin ako sa salamin nang matalim,
Babawian kita sa susunod, ako ang tatapos sa larong sinimulan mo.

Unforgiven Sins Where stories live. Discover now