Chapter 40: The Party

1 0 0
                                    

Cinyla's POV

Maingay, maraming tao at iba't ibang kulay ang bubungad sayo. Maraming klaseng mga pagkain at inumin rin ang nakapila sa bandang kanan kung saan may iilang staff na nakatayo doon at nagbabantay.

"Welcome ma'am and sir!" Masayang pagbati ng isang staff na babae na nasa bandang pintuan. Walang sawang pagbati at pangiti sa mga taong pumapasok.

"Wow! Ang daming pagkain at inumin. Para sa atin ba 'yan?" tanong ng kasama ko na si Anna. Hindi ko  mahagilap si Ruby. Nasaan na kaya siya?

"Siguro. Pero alam ko may party talaga tayo ngayong oras, nakita mo na ba na dumaan si Ruby?"

"Hindi pa eh, pero baka mamaya nandito na o kaya tawagan mo na lang. Malaki masyado at maraming tao mahihirapan tayo," suhestiyon nito.

Kinuha ko na lang ang aking mobile phone sa small black bag na dala ko. Susubukan ko ang sinabi niya.

Dinial ko na nga ang numero niya pero cannot be reached naman ang nagiging resulta.Nasaan na kayao yung babaeng 'yon!

"Mamaya mo na lang siya tawagan Cinyla, kumuha muna tayo ng dessert at inumin. Nagugutom na ako," pagyaya ni Anna. Wala naman akong nagawa kundi sumang-ayon dahil kahit ako nagugutom na rin.

Habang nakapila kami at naghahanap ng pwede naming kainin, naririnig ko na ang kakaibang pamilyar na boses.

"Cinylaaaa!" Sigaw ng isang babae sa kalayuan at tinatawag ang pangalan ko. Napalingon ako at nakita ko si Ruby.

Mabilis itong lumapit sa akin. "Sis, iniwan mo naman ako. Sabi mo maghihintayan tayo, doon sa mismong labas ng kwartonmo. Pagkatapos, dahil wala ka pinili ko na lang pinuntahan ka sa room mo, kaso wala ka roon. Pero bakit nakabukas? Iniwan mo ba?" takang tanong nito dahilan ng pagtataka ko.

"Uy Ruby nandiyan ka pala. Tara kumain na muna tayo," pagyaya ni Anna habang may laman ang bibig niya.

"Sige lang kumain ka lang, Anna," sagot ni Ruby na tila hinihintay pa rin ang sasabihin ko.

"Sorry na nawala sa isip ko, nagkita kasi kami rito ni Anna at nagugutom na rin ako. Alam ko sinarado ko iyon eh, sinara mo ba?"

"Makakalimutin ka na, Cinyla. Oo sinara ko na lang alam ko may susi ka naman, diba?" Tumango ako dahil kapag susi or kahit ano'ng cards na kailangan dahil tinatandaan ko talaga. Sinisgurado ko rin na dapat hindi sila mawawala sa bag ko.

"Pasensiya na, salamat din sa pagsara ng pinto ng kwarto ko."

Ngumiti ito "Hayaan mo na nga! Kumain na lang tayo dahil mamaya mas maraming nakapila," masigla sabi nito at nakipila na rin siya sa likuran ko. Kami pa lang ang unang customer dito dahil ang pinakasimula ng party ay 4 p.m.

Halos kinuha ni Anna ang lahat ng pagkain na nasa harapan namin, mula sa ulam hanggang sa dessert.

"Mauubos mo ba 'yan?" takang tanong ko dahil halos dalawang plato ang hawak niya ngayon.

"Oo naman! Padala na lang ako ng juice, alam mo naman kabilaan na ang hawak ko." Hindi ko alam kung matatawa ako sa itsura ngayon, naghanap agad siya ng puwesto namin. Pinili niyang puwesto
ay bandang kaliwa kung saan isang tao at liko mo lang bubungad na sayo ang pagkain. Matakaw talaga si Anna.

"Bilib naman talaga ako sayo Anna eh, kahit matakaw ka ang sexy mo pa rin! Paturo nga?" pagpupuri ni Ruby na may halong pang-aasar at ipinatong niya na rin ang hawak niyang pagkain at inumin sa aming lamesa.

"Ang dami mong alam, Ruby! Kumain ka na lang, basta alam mo ibalanse ang lahat. Hindi ka tataba niyan."

"Alam ninyo kayong dalawa, kumain na lang kayo para mabusog kayo." Pag-aawat ko sa kanila. Hindi talaga sila pwedeng magkasama dahil kung hindi maingay, magtatalo naman.

Nagtawanan sila pagkatapos kong sabihin iyon. "Alam mo Cinyla, kontrabida ka talaga. Oo na, porket may gusto lang sayo si si-" mabilis niyang tinakpan ang bibig niya dahil siya lang naman ang may alam.

"S-sino?" takang tanong ni Anna.

"Wala 'yon. Hayaan mo na 'yan si Ruby." pagdadahilan ko at tiningnan si Ruby ng masama. Bumulong ako sa hangin, humanda ka mamaya.

"Wala 'yon mali pala ako ng sinasabi." Tumawa ito na para bang baliw dahil gusto niyang guluhin si Anna. Sana lang hayaan na ni Anna ang mga sinabi niya.

"Gutom lang talaga si Ruby, hayaan mo na lang siya Anna." dagdag ko at sumubo ng carbonara dahil ayokong isipin niyang may ibig sabihin talaga iyon. Ang bibig talaga ni Ruby hindi natatahimk kahit saan.

"Kayo ha, ayusin ninyo ang buhay ninyo. Mag-ingat kayo lalo na 'yan kay sir." Bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang sinabi niya. "Teka, party ba talaga ang magaganap dito? Bakit tayo pa lang ang tao, sayang naman yung pagkain." pag-iiba ni Anna sa usapan.

Panay naman ang subo ni Ruby na pinandigan niya talaga na gutom siya. "Mamaya pa siguro, maaga lang sila naghanda para makakain na rin tayo." Paliwanag ko ngunit naisip ko bigla ang sinabi niya kanina. Ano kaya ang ibig sabihin niya kay Sir Ben?

"Ano yung sinasabi mo yung tungkol kay sir, Anna?" tanong ni Ruby sa wakas siya na lang ang nagtanong.

"Pihikan 'yan si sir BenChua noh! I mean, marami akong naririnig na maraming haliparot sa kompanya natin na sinubukan daw akitin si sir, pero ending wala!" Natatawang kwento ni Anna habang sumusubo ng shanghai.

"Seryoso? Paanong pihikan, Anna?" dagdag na tanong ni Ruby.

"Literal na mapili, Ruby. Tipong nandiyan na lahat sa harapan niya wala siyang pakialam. Wala rin akong narinig talaga na may babae siya sa kompanya o sa labas man lang. Never kasi siyang nagdala or what, talagang trabaho lang ang inaatupag ni sir. Kaya tingnan mo sobrang lago ng kompanya natin." Halos mamangha na lamang ako sa paliwanag ni Anna. Totoo nga na pihikan siya at wala pang nagiging girlfriend. Pero bakit ako?

"Hoy Cinyla! Cinyla ayos ka lang ba?" Kinalabit na nga ako ni Anna.  "Uy tulala girl!" Sigaw niya sa mismong harapan ko. 

Napaubo ako, "A-ano?" utal kong sabi.

"Gutom ka ba? O may ibang iniisip ka? Tulala ka masyado Cinyla, panay ako kwento rito oh. Umamin ka nga, may crush ka kay sir noh?" pang-aasar niya.

"W-wala ah! Wala talaga." pagdedepensa ko.

"Wagas makatanggi ha? Defensive mo masyado," wika nito.

Bigla naman nabilaukan si Ruby. "Napano ka? Mapag-alalang tanong ni Anna pero inbutan niya rin ito ng maiinom.

"Dahan-dahan, Ruby marami pa tayong kakainin." Paalala ni Anna.

Hinimas ko naman ang likuran nito para maka-recover agad. "Ingat kasi sa susunod," wika ko.

Ilang saglit lang ay nagsimula na nga at naroon si BenChua sa harapan kasama ang mama niya. Hindi ko alam kung nakatuon ang mga mata niya sa akin pero ang titig niya ay nakakatunaw.

"Good evening everyone! I hope you are ready. Let's begin the party," ngiting sabi nito habang nakatingin pa rin sa akin.

"Later we will have a dance," dagdag nito kaya't nagsigawan ang lahat.

Sa akin ba siya nakatingin? tanong ko sa sarili ko dahil hanggang sa pagbaba hindi nawala ang mga mata niya sa akin.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Anna.

"O-oo naman!" Pagkatapos humigop ako ng juice dahil sa tensyon na nararamdaman ko.

Nawala na rin ang mga titig niya at nakahinga na rin ako nang maayos. Sana lang wala siyang gawin na kahit ano, sana talaga!

Unforgiven Sins Where stories live. Discover now