Chapter 7: Shadow

13 1 0
                                    

Cinyla’s POV

WALANG kibuan ang naganap sa amin ng aking Ina habang kumakain kami ng almusal. Kahit din si BenChua ay tahimik na lang din na kumakain, para bang walang may gusto na magsalita. Panay na lang ang sulyapang ginagawa niya kahit sa totoo lang nararamdaman ko na nais niya na rin basagin ang katahimikan sa amin.

"Tapos na po ako kumain, salamat! Papasok na po ako." seryosong saad ko, uminom muna ako ng tubig at tumayo na.

"Mag ingat ka anak, pasensiya na ulit kagabi." Malungkot nitong pangungusap, pilit na ngiti na lamang ang tinugon ko at tuluyan na rin umalis. Hindi na ako nagpahatid pa kay BenChua dahil nakakahiya naman, mag aabang na lang ako ng sasakyan dahil ang suot ko naman ay fitted pants na nakatuck in naman ang itim kong t-shirt. Random clothes kasi ngayon sa office kaya okay lang na kahit ano, basta huwag lang revealing.

Habang naghihintay ako napansin ko ang kotse ni BenChua na palabas.May lakad yata siya, saan ba talaga siya nagtatrabaho? Imbes na isipin ko ang mga iyon, nag-focus na lang ako sa kalsada para makapagpará at makasakay na rin.

Hanggang may pamilyar na kotse ang tumapat sa akin. "Sakay ka na, ako na maghahatid sayo," saad ni BenChua habang nakadungaw sa kaniyang salamin.

"Baka may lakad ka kaya mas mabuting umalis ka na, naghihintay pa ako ng sasakyan." Pagtanggi ko at pilit siyang tinataboy. Hindi naman sa ayoko sadyang ayoko lang isipin niya na sumusobra na ako sa pagsakay ng libre sa kotse niya.

"Look Cinyla, this is my offer at hindi ka abala. Sakay na." Binuksan niya ang pinto at pinilit akong pumasok sa loob sa pmamagitan ng pagmamakaawa niya.

Halos isang minuto akong naging ma-pride pero sa huli pumayag din ako dahil malalate na ako sa ginagawa niya.

"Sure kang wala kang lakad ha?" Pagsisigurado ko habang sinusuot ang seat belt dahil kasalukuyan na akong nasa kotse niya.

"Oo naman, tara na. Okay naman na diba?" takang tanong nito sabay tingin sa akin kung suot ko na ba nang maayos ang seat belt. Ngunit lumapit ito para ayusin ito, nakita ko ang malatsokolate niyang mata, ang amoy niyang higit pa sa sariwang bulaklak ang halimuyak at ang kilay niyang makapal na talagang nakakaakit.

"I know I am handsome, pero kalmahan mo ang pagtitig baka matunaw ako." mayabang nitong sabi sabay ngiti ng nakakaloko. Tinulak ko nga dahil ang dami pang sinasabi.

"A-Aray!"

"Masakit ba? Sorry... Kasi naman ikaw ang dami mong sinasabi nagulat lang ako." pag iiba ko sa usapan at kunwaring nagpakita ng pag alala sa kaniya.

"Ang sakit ng labi ko parang kailangan ng halik." At hinampas ko ang braso niya. "Mag iinarte ka ba o aandar ka na kasi kung wala sa nabanggit baba ako!" inis kong tugon at tinitigan siya nang masama.

"Ito na, binibiro ka lang eh. Sige na magmamaneho na ako baka mahuli ka pa." Pinaandar niya na nga ang kotse at umayos na rin ako ng upo. Mabuti naman din umayos na siya dahil baka mahuli pa ako sa trabaho. At sa mga oras na iyon para bang may dumaan na anghel dahil sa katahimikan.

Hindi ako sanay sa katahimikan kaya nagsalita na ako, "Bakit pala ihahatid mo pa ako, I mean wala kang trabaho ngayon?"

"Wala pa, next week pa tsaka may inaasikaso pa ako. Huwag mo na isipin na abala ka, iniingatan lang kita."

Halos mabingi ako sa huling sinabi niya, tama nga ba ang narinig ko? At para maliwanagan inulit ko pa. "I-Iingatan mo ako?"

"Ibig kong sabihin malapit kasi sa lugar ng trabaho mo ang pupunatahan ko kaya eto sinasabay na kita. Ayaw mo ba?" pag-iiba nito sa usapan.

Unforgiven Sins Where stories live. Discover now