Chapter 10: Unexpected bonding with Him

9 0 0
                                    

Cinyla’s POV

MADALAS na nga na kaming magkasama ni BenChua. At aaminin kung okay naman pala siya kasama, maasahan at talaga marunong makisama ang tulad niya. Maling-mali ang mga paratang ko sa kaniya na masama siyang tao. Masyado pala akong bumase sa maling akala.

"May gusto ka pa bang ipabili bago tayo pumunta sa park?" tanong nito habang patuloy na nagmamaneho.

"Snacks and drinks lang siguro, masama naman kasi kung palagi tayong kakain ng street foods 'diba? I mean, kailangan mag ingat din talaga tayo sa kinakain natin. Mahirap na."

"Oo nga, kahit masarap ang bawal dapat alagaan natin ang kalusugan natin."

"Naks, totoo ba 'yan? Galing pa talaga sayo ha?"

"We'll, I need to maintain my body fit and healthy noh. Mag-workout na nga ulit ako eh, gusto mo sumama?"

Niliko niya ang daanan namin para bumili sa isang store ng snacks at drinks namin. "Sagutin mo na lang tanong ko pagbalik ko." Bumababa na nga ito at iniwan muna ako sa loob ng kotse. Sa totoo lang kung sino man ang magiging girlfriend niya ay talaga naman ang suwerte. Maalaga na maasikaso pa, wala ka ng hahanapin pa talaga.

Nagmuni-muni muna ako habang naghihintay sa kaniya. Hanggang sa makita ko sa ilalim ang isang panyo. Isang maliit na panyo na kulay bughaw at may pangalan niya sa harapan. Kinuha ko iyon at binuklat, at sa likod nito ay nakalagay ang apelyido namin.

Montevilla

Ha? Ano 'to?

Napatakip ako ng bibig at tinago ang kamay ko sa likuran ng dumating siya. Napalunok ako nang wala sa oras dahil sa biglaang pangyayari, pero pinili ko ang kumalma at umaktong walang nangyari kundi naghihintay lang ako sa kanya.

Pumasok na ito sa loob at nilagay sa likod ang mga nabili niya. "Okay ka lang ba?" takang tanong nito na siyang nagbigay gising sa sistema ko. Mabilis akong sumagot, "O-oo naman!"

Inayos niya na ang manibela senyales na aalis na kami, umayos na rin ako ng upo at pinili hayaan sa likod ko ang panyo na nakita ko sa paahan namin kanina lang.

Ang daming gumugulo sa isipan ko, hindi ko alam bakit naroon ang apelyido ni papa. Pakiramdam ko may kakaiba pero sa kabilang banda, ayokong isipin na parte siya ng nakaraan namin dahil wala naman akong ebidensiya hanggang sa napagtanto ko na baka nga... Baka nga kailangan ko muna siyang kilalanin pa bago ako tuluyang mahulog sa kanya.

Nakarating kami sa park nang maayos, dala-dala ni BenChua ang mga snacks at inumin naming dalawa. Nasa damuhan kami, at parehong pinagmamasdan ang mga taong nag uusap, mga batang naglalaro at hinahayaan hampasin kami ng simoy ng hangin.

Hanggang sa inabutan niya ako ng isang malaking sisirya, ang Piatos. "Kumain ka nga muna, parang nagugutom ka na eh. Ayos ka lang ba?" Nakatingin ito sa akin na tila seryosong inaalam ang kalagayan ko habang ako ay nag iisip pa rin tungkol sa nakita ko kanina. Gusto kong magtanong pero parang mali naman yata ang oras na 'to para magsabi sa kanya tungkol doon.

"O-okay lang ako, salamat." Kinuha ko ang sisirya at binuksan na lamang iyon at kumain. Pinili ko munang huwag mag isip, pakalmahin ang sarili at hayaan muna ang mga gumugulo sa isip ko.

"Naiitindihan ko," panimula niya. "Hindi ko alam kung bakit nagbago ang mood mo, Cinyla nakakabigla lang. Kung may nagawa man ako, sabihan mo naman sana ako kasi nag aalala ako," malungkot niyang sabi.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, parang dahan-dahang tinutusok ng karayom. Hindi masakit pero nandoon yung pagkalito sa nararamdaman ko.

Unforgiven Sins Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon