Chapter 37: The Experiment

2 0 0
                                    

Cinyla's POV

Wala sa sarili na tumitipa sa aking kompyuter. Tipa nang tipa na kahit hindi ko alam kung ano ba ang ginagawa ko.

"Hoy!" Sigaw ng babaeng kinalabit ako nang malakas. Napatigil ako sa ginagawa ko at inayos ang sarili ko. Napatingin ako sa ginagawa ko at ano ba itong tinatype ko sa kompyuter? Walang direksyon at kung ano-anong letra na pala ang napindot ko.

"Ayan girl! Panay ka isip kay Sir BenChua. Nako! Iba na 'yan!" Pang-aasar ni Coleen, isa sa matalik kong kaibigan dito sa kompanya.

Mabilis akong sumagot, "H-huh? Hindi noh! Hindi ko lang talaga napansin na iba na yung natytype ko, actually tulog ako." Pagdadahilan ko, sana lang makombinse siya ng malabo kong rason.

"Nako teh! Tigil mo na 'yan! Hindi ako shunga para hindi ko malaman noh! May tainga kaya ako sa labas at may mata ako sa likod." Tumawa ito pagkatapos at hinampas-hampas pa ako. Kakaiba rin talaga itong babae na 'to, malakas qng pandama.

"Hindi nga talaga! Nakatulog nga ako." Pagpupumilit kong dahilan sa kanya.

"Seryoso ka? Tulog na nakadilat? Bagong technique na ba 'yan para lang makaiwas ka sa sinasabi ko sis?" Dagdag niyang pang-iinis sa akin.

Napanguso na lang ako at tinarayan siya.

"Bahala ka nga riyan, Coleen!" Pinatay ko na lang ang kompyuter ko at naisipan ko na lang na magtimpla ng chocolate coffee sa pantry namin.

"Hala sorry na! Sige na, hindi na. Ano ba kasing nangyayari sayo kanina? Para kang wala sa sarili eh," tanong nito na tila nag-aalala nang sobra dahil sa kaniyang maamong mukha.

"Wala nga sis!"Mabilis kong sagot sa kanya at binaliwala ang pangungusap niya. Hindi kasi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang totoong nangyari.

Coleen is a good friend of mine. Mahaba ang buhok niya at saktong 5'2 ang height niya. Mas matangkad ako syempre! Pero, isa ang hinahangaan ko sa babaeng 'to sobrang thoughtful niya.

Humarap ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. "Alam mo sis, kahit ipaliwanag ko sayo hindi mo maiintindihan. Kahit ako naguguluhan patungkol doon sa gumugulo sa isip ko."

Kumunot-noo ito na tila mas naguluhan sa sinabi ko.

"Sabi ko naman sayo, mas maguguluhan ka eh. Okay na 'yon sis, dahil nagising mo ako sa pananahimik ko sa puwesto ko kanina. At least, nagising ako katotohanan at natigil ko ang katangahan ko sa kompyuter ko 'diba?" dagdag kong sabi para tumigil siya sa kakaisip.

Ayoko naman isipin niya nang isipin 'yon. Hindi lang din talaga ako komportable na magsabi o magkuwento.

"Fine Cinyla, but always remember that I am your friend here okay?" Ngumiti ito na para bang totoo talaga siya sa sinasabi niya.

Ngumiti ako pabalik. "Yes, Colleen! Thank you, I really appreciate it." Niyakap ko siya at hinimas ang likuran niya para malaman niyang okay na ang lahat.

"Tara na nga! Magtimpla na tayo ng kape sa pantry." Pagyaya ko sa kanya. Tumango naman ito at lumabas na kami sa office ko.

-----------------------------------------

It was late night when I realized I am still up. I don't understand, why I am here at the couch and looking at our picture. She was totally beautiful and I can say kamukha niya talaga si Paolo.

Napangiti ako nang bahagya ng maalala ko ang kagwapuhan ni Paolo. I really admire and loved him. But then after a while, naninikip ang puso ko. Maraming sumagi sa isip ko na nagbigay ng kabog sa puso ko.

I sip my coffee and try to calm down and relax my mind. Hindi p'wedeng ma-stress. Malabo rin na magtuos ang landas nila.

Tinabi ko na lang ang picture na hawak ko, sumandal sa couch at bahagyang napapikit. "I hope you are still here. I hope that accident was not happened. I miss you, babe. I missed you so bad! Hindi mo na tuloy nasaksihan ang paglaki ni Ben. He is great man and overly responsible at all. Siya na yung nagma-manage ng kompanya. Pero sana ako na lang, sana kami na lang."

Unforgiven Sins Where stories live. Discover now