Chapter 12: Will you be my girl?

5 0 0
                                    

Cinyla’s POV

TULALA ako sa kawalan na para bang may hinihintay, ngunit ang totoo malalim ang iniisip ko. Napapadalas na rin sobrang late ang uwi ni Mommy mula sa lakad niya. Tuwing pupuntahan ko ang kwarto niya sa umaga, wala na siya. Bihira rin kami makapag-usap dahil sa gabi ay nagpapahinga na rin ako mula sa trabaho. Balak pa naman namin magsimba pero mukha ako na lang siguro muna ngayon.

"Hi, love! Okay ka lang ba? Ang lalim ng iniisip mo ha?" tanong ni BenChua habang nagtitimpla ito ng kape.

Napatingin ako rito ng masama at tinarayan siya. "Bakit ba love ang tawag mo? Ang bilis mo naman mag isip ng tawagan natin wala pa nga tayong label!" Inis kong sabi at kinuha ang iniinom kong kape at naupo sa sala dahil mamaya ay maliligo na rin ako para makapaghanda at makaalis. Ang aga-aga, nang-iinis siya!

"Uy sorry na, huwag ka naman magalit agad. Sorry na, advanced lang ako mag isip. Ayaw mo ba na love o mahal ang itawag ko sayo?" Lumapit ito at tumabi sa akin habang hinahalo ang kape niya sa harapan ko.

"Hindi naman, ayoko lang nang gano'n masyadong mabilis at paladesisyon ka! Label muna dapat, bago yung call sign na 'yan. Tsaka hindi ka pa nga nanliligaw eh tapos ganyan ka na. Teka, nakita mo ba na umalis ulit si mama o kaya may sinabi sayo?" pagtatanong ko.

Tinabi niya muna ang kape niya at lumapit sa akin, "Sorry na." Paglalambing nito habang niyayakap-yakap ako nang bahagya. "Umalis ka nga!" Inis kong sabi at tumigil naman ito agad. "Hindi na, actually nakita ko siyang kaninang umaga at umiiyak. Sobrang late na siyang umuwi 'non eh. Tapos kanina rin yung pagbaba ko kakaalis niya lang at sinabing alagaan muna raw kita." Pagpapaliwanag nito.

"U-Umiiyak?" Pag-uulit ko sa nabanggit niya.

Tumango ito, "Yes! Hindi ko alam kasi bigla siyang pumasok sa kwarto 'non yung napansin niya akong nandito sa kusina pass 1 am iyon, nauhaw kasi ako." Dagdag nito.

Napaisip tuloy ako at nag alala kay mama, wala man lang siyang text at tawag. Para bang abala palagi at mayroong tinatago. Pero kung mayroon man, ano naman 'yon?

Hanggang sa tinapik ako ni BenChua, "Magsisimba ka diba? Sama na lang ako sayo. Simba tayo." Paanyaya nito na nakakapagtaka dahil siya pa ang nag alok.

"Nagsisimba ka pala?" pabiro kong sabi.

"Oo naman! Madasalin din akong tao kaso lang madalas bihira makasimba dahil naging busy lang talaga ako." Pagyayabang nito habang inaayos pa ang sarili na para bang akala niya madadaan niya ako sa papogi points niya.

"Alam mo kung sasama ka, maghanda ka na lang at maliligo na muna ako. Ubusin mo na 'yang kape mo at itong baso ko pakihugasan." Pag uutos ko at tumayo na. Gusto kong tumawa nang malakas dahil sa itsura niya ngayon, pero sa huli pinili ko na lamang umakyat para maligo na rin.

Mayroon namang C.R. sa ibaba pero mas bet ko na lang sa loob ng kwarto ko para rin matawagan si mama. Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon, parang may mali o sadyang nag aalala lang talaga ako. Hindi na ako natutuwa sa mga nangyayari nitong nagdaang araw,

Imbis na mag isip pa ng kung ano-ano, pinili ko na lamang na kunin ang selpon ko at dinial ang numero ni mama. Ngunit... ilang minuto akong naghintay at ring lang nang ring ito. Ma, sagutin mo naman. Nasaan ka po ba?

Ilang tawag na rin ang ginawa ko pero heto, pagriring lang ang natatanggap ko. Hanggang sa mapansin ko ang oras, malapit na kaming umalis 30 mins na lang ang natitirang oras. Nagmadali akong pumasok sa loob at walang ano-ano ay nagmadali akong maligo.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis agad ako dahil panigurado naghihintay na sa ibaba si BenChua. Nakakapanibago talaga siya, sasama magsimba. Hindi naman sa hinuhusgahan ko siya o ano, nakakapagtaka lang talaga dahil parang 'nung nakaraan ay hindi talaga siya sumama sa amin. Inayos ko na ang sarili ko ng biglang nay kumatok sa pintuan.

"Love? Tapos ka na ba? Anong oras na oh, bibiyahe pa tayo!" Sigaw nito dahilan para mapangiti ako nang bahagya dahil sa sitwasyon namin.

"Pababa na rin ako, pahintay na lang. Salamat!"

Sana totoo na lang na ganito kami, at sana walang akong malaman na iba tungkol sa kanya.

At ilang saglit pa ay bumababa na rin ako. "Tara na!" Pagyaya ko rito.

"Ang tagal mo ha?! Anong ligo ba ginawa mo, love? Hindi mo man lang ako sinama." Pang aasar nito. Hinampas ko nga. "Hoy! Linggo ngayon, tara na nga!" Hinila ko na lamang ang kamay niya palabas dahil ako ang mag-lo-lock nitong pintuan at ng gate.

"Let's go!"

Sumunod naman ito at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse niya, "Sakay na mahal," aniya.

Napangiti naman ako sa sinabi niya at pumasok na sa loob. Hindi ko alam bakut ganito ang nararamdaman ko sa t'wing binabanggit niya ang salitang mahal o love sa ingles, pakiramdam ko tumatalon ang puso ko sa loob ng katawan ko.

Hindi ko namalayan na nasa loob na ito at sinuotan niya agad ako ng seatbealt. "Thanks! Pero baka naman BenChua masanay ako sa mga sinasabi at ginagawa mo," turan ko.

"E di, uulitin ko ng maraming beses para malaman mong mahal kita. Basta, pagkatapos ng simba natin may dadaanan tayo." Malambing nitong boses at sinuot niya na rin ang seatbelt niya.

Tumango na lang ako at nagpigil ng kilig, tama ba 'to imbes na sa misa ako kiligin pero mukhang sa kanya muna.

****

@PARISH CHURCH

Nakarating na nga kami sa St. Parish Church nang maayos, maraming tao pero mabuti na lang din at nakahanap kami ng mauupuan. Nagsisimula na rin ang misa ng dumating kami pero salamat dahil nakahabol pa kami.

At habang nakikinig na kami, hindi ko maiwasan na mapalingon sa kaliwang bahagi ko. Naroon kasi siya nakaupo at naka-focus talaga siya sa misa.

Lord, ito na ba yung para sa akin? Kung yes po ang sagot ninyo, hindi na ako tatanggi pa.

"Stop looking at me like that I know, I'm handsome." Mahinang boses nito dahilan para bumalik ang tingin ko sa harapan.

"H-hindi ah!" pagdadahilan ko.

Ngumiti lang ito nang nakakaloko at bumalik na rin agad ang focus sa misa, hindi na rin ako tumingin pa dahil baka patulan ko ang pagiging mahangin niya. Magkasala pa ako.

Halos isang oras ang tinagal namin sa simbahan at nang matapos ay nagpasya kaming kumain muna sa fast food.

"Saan gusto mong kumain?" takang tanong nito habang nakahawak na sa manibela niya.

"KFC na lang tayo, favorite ko 'ron kumain eh," pangungusap ko.

"Sure!" Pinaandar niya na ang kotse at dumiretso na kami sa KFC.

At habang nagmamaneho siya, binasag niya ang aming katahimikan. Hindi naman malayo ang KFC pero inabot kaminng traffic.

Tumigil muna siya sa pagmamaneho dahil traffic pa rin naman, dahil sa totoo lang ay dahan-dahan lang naman umuusad ang trapiko. Kaya kailangan muna namin habaan ang pasensiya namin. At hindi ko inasahan ang huling sinabi niya.

"Cinyla my love, can you be my girlfriend?

Unforgiven Sins (UNDER REVISION)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora