Chapter 25: Love Matters

2 0 0
                                    

BenChua's POV

HINDI ko na naman maintindihan ang sarili ko. Halos ilang linggo na rin akong tulala sa kakaisip tungkol sa kanya— Cinyla.

I missed you so much! Tulala akong napatingin sa picture namin na naka-save sa gallery ko. Sa totoo lang, ngayon lang ako nagmahal nang ganito yung tipong halos sa kanya lang umikot ang mundo ko.

But there is doubt that I am confused right now, kasalukuyan  akong nandito sa opisina and trying to read employees profile because Mr. Espio said Angela and Rio have a great potential and they deserve to be promoted. But when I am looking for their resume to double check their qualifications, iba ang unang nakita ko. Nakita ko ang papel ni Cinyla. Halos manghina ako dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

Ito ba talaga ang apelyido niya? I can't believe it. Halos mabaliw ako sa kakaisip ng kung ano-ano dahil pareho kami ng apelyido. Ayokong isipin 'to pero I remember my dad when they always argue with my mom.

FLASHBACK

"Aalis ka na naman ba ha?!"

"Babe, nag-usap na tayo tungkol dito. Namimiss na rin ako ng anak ko. I need to go home mahirap na mag-alala at mag-isip 'yong nanay 'non!"

"Fine! Umuwi ka ng Sabado, bakit kasi may anak pa kayo ng asawa mo! Babae pa talaga! Sige na ingat ka."

END OF FLASHBACK

Napatingin mula ako sa selpon ko kung saan siya rin ang wallpaper ko. Halos titigan ko iyon at napahawak ako sa puso ko, it is impossible, very impossible. No matter what happen I will fight for you; I will be with you even at the last breath of mine.

I fix myself when someone knocking on my door.

"Come!"

Pumasok ang isang lalaki na nakasalamin. He is Leo, my investigator. "Why are you here?" I asked.

Iba ang awra nito at inabot sa akin ang isang brown envelope. "What is this?" confusedly said.

"Open it, bro! Nandiyan na lahat ng pinapahanap mo last time," he said seriously.

Bumilis muli ang tibok ng puso ko pero dire-diretso ko na nga itong binuksan at nakita ko ang ilang pirasong papel na may kasamang larawan. Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako pero kailangan kong makita.

Kinuha ko iyon at halos bumagsak ang balikat ko sa mga sumunod kong nakita. Cinyla is here with her family.

"Cinyla Brights Montevilla is your step sister. Her father is Mr. Paolo Montevilla."

Nakagat ko na lang ang ibabang labi at halos magpigil ako ng galit. Gusto kong makita siya pero bigla na lang iyon nawala ng malaman ko na ang totoo.

"Anong gagawin mo ngayon? Do you still court and love her after this thing revealed?" Halos tusukin ng malaking karayom ang puso ko dahil sa tanong niya. Ano nga ba ang gagawin ko?

"Salamat bro! Iwan mo muna ako. I need to refresh and to calm down. Hindi ko pa alam ang gagawin ko. Ang gulo!"

Tinapik niya ang kanang balikat ko, "I am so sorry! Nagulat din ako sa nalaman ko, pero kailangan mong malaman 'to at kung malaman pa ito ni Tita, I don't know what will happened. May masasaktan kapag tinuloy mo pa." "Anyway, I need to go! Call me if you need something, take care, bro!"

"Thanks, bro!" Pilit na ngiti ang pinakawalan ko at tuluyan naman siyang umalis sa opisina ko. Huminga muna ako at tinabi ang binigay niyang brown envelope, tinago ko iyon sa ilalim ng lamesa ko at pati ang ginagawa ko ay hindi ko tinapos pa. Nawalan na rin ako ng gana para hanapin pa ang resume nila.

Unforgiven Sins Where stories live. Discover now