Chapter 31: DNA Results

3 0 0
                                    

BenChua's POV

ILANG raw na ang lumipas at pinili ko na lang na gawin ang mga bagay na mahalaga. "Hey, did you finish my work for you? Did you know the truth?" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na magtanong nang sunod-sunod. Nandito ako sa opisina habang katapat ko si Dr. Shawn Felizus. But he took a nap and give me a brown envelope. Halos matahimik ako sa ginawa niya. Hindi ko nagawang kunin iyon sa kanya dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang nangyayari sa akin.

"Hey, Mr. BenChua are you okay? You can read everything in that envelope. I don't know if you will be happy after you know it."

Napalunok ako nang wala sa oras dahil sa mga binitawan niya, pero sinubukan kong huwag magpahalata. "Thank you for this. Ready naman ako sa magiging resulta." Ngiting tugon ko at kinuha ang envelope kahit sa loob-loob ko pinagpapawisan na rin ako ng malamig.

"I don't know if it's okay to say this, unang test ko hindi ko alam bakit nag match sila. But when I double check anything, I found out na TYPE O rin siya na same sa daddy mo," mahabang pangungusap niya na ikinatigil ng mundo ko.

What did he say? TYPE O? Who?!

"Anyway, I need to go Mr. BenChua if you need more tests or to investigate more. Tell me, but I need to fix myself since I have a client who will go to my office."

He is my trusted doctor since I was a child. Honestly, he is the only doctor known in Felizus Hospital and the childhood friend of my dad.

"Thanks, Mr. Felizus. I will contact you if ever I need something more regarding this." Pilit na ngiti lang ang binigay ko at hinatid siya palabas sa opisina ko.

Ilang saglit ang lumipas at nakaalis na rin siya habang ako ay nakatingin lamang sa sobre na nasa lamesa ko. Naglakad ako ng dahan-dahan at napaupo sa table ko.

Pinagmamasdan ko ang sobre at ang daming pumasok sa isip ko. paano kung magkapatid kami? Paano kung totoo? Ano ang gagawin ko kung siya ang kapatid ko sa labas?

Napabutong-hininga na lamang ako at kinuha ang sobre. Pagkalabas ko ng ilang papeles na laman nito, halos manigas ang mga kamay ko at tila sumakit ang mga mata ko sa mga nabasa ko.

Ms. Cinyla Brights Montevilla is Positive Type O.
Mr. BenChua King Castro Montevilla is Positive Type O.

"What the heck is this?! Is this true? No way! I can't believe on this." Para akong baliw na nagsasalita pero masyadong malabo pa rin para sa akin na parehas kaming magpositive at pareho sa ng blood type ni Cinyla.

Baka naman nagkataon lang o hindi kaya may mali. I need 2nd opinion or test for this. Hindi p'wede! Hindi talaga p'wede.

Tinabi ko na lamang ang sobre at ang laman nito sa loob ng cabinet ko, kailangan ko munang ilihim ang natuklasan ko at mag-imbestiga pa. Hindi rin ako sang-ayon sa nalaman ko ngayon. Sobrang malabo ito, baka nagkamali lang si Dr. Felizus.

Napasandal na lamang ako sa upuan at sinubukan na alisin ang mga gumugulo sa isip ko. Hindi pwedeng ganito ako ngayon lalo na may meeting pa akong pupuntahan mamaya.

Ilang minuto ang lumipas at naisipan ko na lamang ang lumabas muna ng opisina ko. Ngunit sa pagtayo ko ay nakatanggap ako ng isang mensahe. Isang mensahe na siyang nagbigay kaba sa dibdib ko.

Unknown Message
+63967867890

Everything will be fine, Beny. Just take care of Cinyla but never fall in love with her. See you soonest!

Received. 2:00 PM
January 7, 2021

Halos mabitawan ko ang cellphone ko sa kabang nararamdaman ko ngayon. This is so weird! Only one person can know and called me as Beny wala ng iba pa. He is the only one, the only man in my life— my father. But . . .

Unforgiven Sins Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon