Chapter 54: The Red Box

1 0 0
                                    

Cinyla's POV

Simula ng pag-uusap namin ni Mommy kahapon, hindi na iyon nasundan. Pero mukhang malabo, dahil sa katahimikan na mayroon sa bahay alam ko na may susunod pang mangyayari. Pero sa totoo lang, sumakit ang ulo ko kagabi sa kakaisip. Wala naman akong masabi pa dahil bukod sa mga salita na binibitawan niya, hindi ko rin maintindihan ang mga kinikilos niya ngayon.

Kasalukuyan ako nasa sala namin habang nag-che-check ng mga emails sa aking laptop. Next week pa ang pasok ko dahil binigyan ako ni sir ng leave. Mabuti na rin ito para makapagpahinga pero puro aalahanin naman ang dumating. Pero sa totoo lang umaasa rin ako na baka magbago ang isipan ni Mommy dahil alam niya naman na mahal ko ang trabaho.

“May pasok ka ba anak? Pwede bang mag-usap tayo mamaya?” Napatigil ako sa pagii-scroll sa pagdating at pagtatanong niya.May dala siyang box na pula pero hind ko na ito pinansin pa.

“Next week pa naman po ang simula ng pasok ko dahil sa leave na binigay ni sir, pero may lakad ako mamaya, may meeting po ako kay boss.” Pagsisinungaling ko dahil kung sasabihin ko na lalabas kaming dalawa ni sir, baka ano pa ang isipin ni Mommy.

“Tungkol saan po pala ang pag-uusapan natin mamaya?” Dagdag ko. Isinarado ko na rin muna ang laptop ko para makapag-focus sa sasabihin ni Mommy.

Umupo ito sa bandang kaliwang habang ako naman ay nasa kanan. Malaki ang agwat dahil may mahabang mesa sa gitna. Gawa ito asa marmol at may vase sa gitna. May malaki kaming sofa sa sala na kulay tsokolate at sa kanan at kaliwa naman ay single sofa naman na parehong kulay sa gitna pero mas matingkad ang pagkatsokolate nito.

“Alam ko naman hindi kita mapipigilan anak sa mga balak mo sa buhay, pero gusto kitang pakiusapan. Cinyla anak, alam kong nagulat ka sa mga nasabi ko pero kapag nakita mo na ang Daddy mo personal, at ipaliwanag niya sayo ang lahat malalaman mo at baka doon maintindihan mo na rin ang lahat.” pilit kong inuunawa ang mga sinasabi ni Mommy kahit na ang totoo maraming kulang sa mga binabahagi niya sa akin.

Tahimik lang ako at nakatingin kay Mommy, wala akong maisip na magiging tugon sa mga sinabi niya.

Lumapit na ito sa akin kaya ibinababa ko muna ang hawa kong laptop. Hinawakan niya ang kamay ko at nagsalita muli. “Anak, mahal ka ng papa mo. Mahal niya tayo, pero hindi niya gusto na mangyari pa ulit ang isang pagkakamali niya. Hindi ko gusto diktahan ang puso mo o ang isip mo, pero anak habang maaga pa alisin mo na si BenChua sa buhay mo, sa buhay natin.”

“Hindi ko sinasabi na mag-resign ka sa btrabaho mo para makaiwas sa kanya. Umiwas ka na lang at huwag mong hayaan ang sarili mo na mahulog sa taong hindi dapat. Cinyla, ingatan mo ang sarili at ang puso mo.”

Tila lalong gumulo ang isipan ko sa mga sinasabi ni Mommy ngayon. Hindi ko alam kung bakit niya ito nasasabi. Konektado ba ang nakaraan sa kasalukuyan kaya apektado kami? Pero kung totoo man ang lahat ng mga ito, bakit at paano?

“Mom, wala akong maintindihan. Bakit hindi na lang ngayon at ipaliwanag mo na lahat sa akin para hindi na ako nag-iisip pa? Tsaka kung totoong buhay si Daddy, bakit naman umabot pa ng 1 taon mahigit na nawala siya? Tsaka ano bang mayroon kay BenChua bakit kailangan kong lumayo sa kanya?” sunod-sunod na tanong ko. Kita ko kay Mommy ngayon ay pagbutonghininga niya.

Tumayo ito at bumitaw sa pagkakahawak ng kamay sa akin. Umupo siya sa malaking sofa ngunit sa gilid lang para mas malapit pa rin siya sa akin. Mayamaya pa ay may inabot siyang red box. Hindi ko napansin na may dala pala siya 'non kanina. Para saan naman iyon?

Ibinigay niya sa akin iyon na para bang sinasabi ng awra niya ngayon, buksan mo na.

“Ano ito, Mommy?” tanong ko.

Unforgiven Sins Where stories live. Discover now