Chapter 11: Memories

6 0 0
                                    

Cinyla’s POV

HALOS walang palya ang mga alaala na iyon, paulit-ulit silang nabubuo sa isip ko na para bang may nagaganap na dramahan. Paulit-ulit sa pageensayo hanggang sa maging perpekto na. Napabutong-hininga na lamang ako, dahil sa magulong pakiramdam ko ngayon. Hindi ko alam paano siya kalimutan, paano maaalis ang mga huling salita na pinakawalan niya.

"Gusto kita, Cinyla. Mahal na kita."

"Gusto kita, Cinyla. Mahal na kita."

"Gusto kita, Cinyla. Mahal na kita."

Ugh! Nakakapagod na!

Napatago na ako sa unan dahil pakiramdam ko kapag nakadilat ako ay hinahabol niya ako. Bakit ba naman kasi ang bilis niyang umamin? Hindi ko nga alam kung totoo ba siya o dahil nadadala siya sa pinagsamahan namin. Huminga na lang muna ako nang malalim at pilit na binura sa aking isipan ang mga sinabi niya kahapon. Umupo muna ako at inayos ko ang aking sarili.

Naisip ko rin na dapat muna akong dumistansya sa kanya, ayokong lumalim ang nararamdaman niya at ayokong tuluyan na mahulog sa kanya. Hindi ito tama, at ayokong magkaroon kami ng malalim na ugnayan.

Bumababa na lang din ako para kumain at dahil Linggo ngayon at wala akong pasok mas gugustuhin kong malibang, kaysa naman sakupin ako ng mga salita niyang alam kong puro kasinungalingan lamang. Hindi ko pa nga siya tuluyang kilala para masabi niyang mahal niya talaga ako.

"Hi!" Isang pagbati ng isang lalaki na ang pangalan ay BenChua.

Hindi ko siya pinansin kundi patay malisya lang at kumakain habang nanunuod ng T.V. Ang kainan kasi namin ay may malaking T.V sa harapan para atleast ma-enjoy din talaga pero pinagbabawal ni mama na gumamit ng selpon lalo na kapag hindi naman importante.

Tumabi ito pero hinayaan ko lang siya, iniisip ko na lang na may malakas na hangin ang dumampi sa balat ko. "Uy? Galit ka ba? Pwede ba akong sumabay sayo?" pangungusap nito.

Ngunit nagmatigas ako lalo, at nag-focus lang sa pinapanuod at kinakain ko. Basta hindi ko siya papansin hanggang sa mapagod at makalimutan niya na lang ako. Ako na ang iiwas, bahala siya!

Ngunit masyadong mabilis ang oras at hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinarap niya ang mukha ko sa mukha niya. "Galit ka ba? Ayaw mo akong pansinin? May nagawa o nasabi ba ako na ayaw mo?" Seryosong pagsusumamo nito dahilan para matigilan ako at pagmasdan ko ang maamo niyang mukha. Bakit ko nga ba siya pinahihirapan? Bakit hindi ako dumepensa at harapin ang mga nasabi niya kahapon? Ano bang tinatakbuhan ko?

Bumitaw ako at kumuha ng tubig bago siya sagutin. "Wala. Wala ako sa mood, huwag ka na sanang mangulit pa." At saktong tapos na rin ako kaya't niligpit ko na ang kinainan ko at dumiretso sa kusina. Hindi ko man nakita ang ekpresyon niya pero malakas na butong-hininga ang pinakawalan niya, para bang sobra siyang nalulungkot dahil sa pagsusungit at pagbabaliwala ko ngayong umaga sa kanya.

Kasalukuyan na akong nasa kusina, nag iisip ako kung tama pa bang iparamdam sa kanya ang ganitong pagtrato? Masyado na ba akong masama? O sadyang ako lang itong natatakot talaga na harapin ang katotohanan na mauuwi rin kami sa pag-iibigan pero...

"Anak? Okay ka lang ba?" biglang tanong ni mama na nasa likuran na pala. Hindi ko man lang napansin dahil sa mga bumabagabag sa isip ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang kumakawala sa akin ngayon, puro tanong na pilit kong nilalayuan naman ang hinahanap kong kasagutan.

"Wala po mama." Matipid kong tugon at naghugas na lamang ng pinggan.

"Anak, kung may problema nandito lang ako ha? Basta nak, mag iingat ka palagi at huwag basta-basta magtiwala." Payo nito at tinapik niya ang likuran ko upang kumalma.

Unforgiven Sins Where stories live. Discover now