Chapter 50: The Letter of my Dad

3 0 0
                                    

Cinyla's POV

Pinili ko na lamang kalimutan ang nangyari noong isang araw. Mabuti na rin wala siyang binabanggit tungkol doon, dahil sa totoo lang nakakahiya. Bakit niya kasi ako hinalikan? Bakit naman nambibigla? Kasalukuyan kaming nasa main room. Today is Monday at wala na rin naman kakaibang nagpaparamdam, sana nga wala na. 

"Are you ready? Kakain muna tayo at mamaya pwede na kayo bumalik sa kwarto ninyo para mag-impake. Wala rin naman nagawa ang isa riyan, akala ko naman matatapos at makikilala na rin kung sino ang gumagawa ng mga pananakot kay Cinyla." Pagpaparinig ni Sir BenChua sa kay Joshua na nakatingin sa kanya.

Huwag naman sana sila mag-away sa harapan ko.

"Hindi madaling makilala ang gumagawa ng misteryo lalo na kung nandito lang tayo sa loob ng malaki mong palasyo," sagot naman ni Joshua na para bang may gusto pa siyang  sabihin. Totoo nga naman hindi talaga malaman lalo na hindi sapat ang ebidensya at para lang kabute yung lalaking nagpaparamdam sa akin.

Totoo nga naman, hindi madaling makilala ang taong ayaw magpakilala sa amin.

"Okay fine, Joshua. Let's end here, mas okay na makauwi na rin tayo sa Manila. I have so much work to do, diba Cinyla?" Tumingin siya sa akin na para bang dapat magsang-ayon agad ako.

"Y-yes!" mabilis kong sagot dahil ayoko na magkaroon pa ng
matinding tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Mas okay siguro na bumalik ka na muna Joshua sa kwarto mo." Hinila ko ang kamay niya palabas.

"Alis muna kami sir, balik na lang kami agad pagkatapos ayusin ang mga gamit." Pilit na ngiti ang iniwan ko at tuluyan na kaming umalis sa main room.

"Alam mo 'yang boss mo, akala mo kung sino! Ako na nga' 'tong natulong dahil alam ko na tama ang instinct at base na rin sa mga nakalap ko." Napatigil kami sa kalagitnaan. Mabuti na lang walang bodyguards na sumunod at naging malapit na lang ang room naming dalawa.

"Ano bang sagot mo sa lahat, Joshua?" tanong ko at seryosong tumingin sa kanya.

"Alam kong may namamagitan sa inyo, Cinyla. Naiintindihan ko rin naman na nahuhulog na ang loob mo sa kanya. Pero buhay ang Daddy mo. Base na rin sa mga initials at mga pakulo na ginagawa niya. Iyon na ang matibay na rason sa mga tanong ninyo. May kaugnayan din ang mga nakaraan ninyo." mahabang paliwanag nito na mas lalong hindi ko maintindihan.

"Paano mo ba nasasabi na may ugnayan ang mga nakaraan namin? Hindi ka naman manghuhula, Joshua eh," pabiro kong sabi.

"Aaminin ko rin na hindi malabong mahulog ang loob ko kay sir, he is also a broken family. Nakakatuwa nga na madalas relatable kami sa mga bagay-bagay. Pero oo, nakakainis din naman siya minsan. Pero malabo talagang magkapatid kami kung iyan ang pinupunto mo."

Napabutonghininga na lang si Joshua at hinawakan ang kamay ko.

"Alam mo Cinyla, aminado naman ako na gusto mo siya. Pero bilang kaibigan. Always be careful with your decisions and actions. Kilalanin mo munang mabuti bago ka magpapasok sa buhay mo. Kaya rin pinili ko na makasama rito, I want to protect you. I am here because I am worried."

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko siya laging nakakasama pero talaga totoo siyang kaibigan. Pero hanggang kaibigan lang ba?

"Salamat, Joshua. Sige, mas mabuting mag-impake na tayo at mamaya na pag-usapan ang mga bagay na importante. Tatandaan ko lahat ng sinabi mo."

Bumitaw na rin ako sa mahigpit niyang pagkakahawak at ilang segundo kaming nagkahiyaan. Nakagat ko tuloy ang ibaba kong labi. Ang awkward naman nito!

Unforgiven Sins Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon