Chapter 53: The Chaos

4 0 0
                                    

Cinyla's POV

Maaliwalas, malinis at maganda ang bunga ng mga bulaklak dito sa aming munting hardin. Bahagya akong napangiti. Everything become a normal. I was here in our small garden and sipping my tea.Simula ng makabalik kami sa Manila wala naman na akong narinig pa na kahit na ano o paramdam mula sa misteryosong lalaki na nagbibigay ng sulat at regalo. Sana nga wala na. Pinagmasdan ko ang paligid, wala naman kakaiba. Tahimik at maraming bulaklak sa gilid namin dahil mahilig at maalaga si Mommy sa mga bulaklak.

"Oh Cinyla, okay ka lang ba?" tanong nito kasabay ng pag-inom ko ng tsaa.

Pagbaba ko ng tasa ay napatingin ako sa gawi ni Mommy, may dala siyang tinapay na nasa platito.

"Nagdala pala ako ng meryenda mo, may gusto rin akong sabihin sayo."Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya at sa kanang bahagi kung saan nakaupo ako ay tumabi siya sa akin.

Maliit man itong garden namin sa likod ng bahay ay may bilog na lamesa at tatlong upuan para kapag gustong magpahinga o makaramdam ng kapayapaan.

Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. "Salamat Mommy, tungkol saan po pala ang sasabihin ninyo sa akin?"

"Sana huwag kang mabigla anak, gusto ko man siya na mismo ang magsabi pero karapatan mong malaman ito anak.Sana matanggap mo pa rin ang siya." Hindi pa siya tapos magsalita, parang hindi ko na magugustuhan ang susunod na paliwanag niya. Ngunit nilakasan ko ang loob ko at piniling manahimik para mas maintindihan ko ang mga sasabihin niya pa.

Nakita ko ang pag-iba ng awra ni Mommy para siyang kinakabahan na hindi naman dapat.

"Cinyla, your dad is still alive. Yung panahon na hindi ko masagot ang tawag mo, he is here.He talked to me that he survive from the accident three years ago.Marami kaming napag-uspan, hindi ko lang masabi sayo iyon dahil hindi pa ako handa at biglang nasira ang cellphone ko. Sorry anak. "Halos manghina ang tuhod ko at hindi ko magalaw ang bibig ko. Walang salita ang gustong kumawala at wala akong maisip kundi bakit?

Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at sa puntong ito, may pumapatak na basang likido sa magkabilaang mga mata ko. "Anak, alam ko marami kang tanong at nakakabigla ang sinabi ko sayo. Bukas ang death anniversary niya diba pero baka sa susunod na araw ay magpakita na siya sayo." Sinusubukan akong pakalmahin ni Mommy pero wala akong masabi at sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko. 

"Cinyla, patawarin mo sana ako kung ngayon ko lang nasabi. Umamin din sa akin ang Daddy mo na siya ang may pakana ng mga misteryosong mga sulat at kahit ang regalo na natatanggap mo. Marami siyang sasabihin sa pagpapakita niya sayo, anak. Sana lang hayaan mo rin muna siyang magpaliwanag." Pinunasan ko ang luha ko gamit ang kanang kamay at dahan-dahang tumayo.

Napapikit ako at sandaling dinamdam ang katahimikan.

Ilang minuto siguro akong nakatayo habang nakapikit. Hinayaan naman ako ni Mommy, mayamaya pa ay nagsalita na rin ako.

"Mom, this is not a good joke. If he still alive, bakit kailangan niya magtago? Bakit kailangan niya akong takutin at mag-isip nang mag-isip? Mom, hindi maganda ang nangyayari sa akin kapag may natatanggap akong sulat o regalo na akala ko may gustong kumuha o makipaglaro sa buhay ko. Hindi ko alam kung totoo ba 'yan o ano." Halos mabasag ang boses ko dahil sa huling sinabi ko, halohalo ngayon ang nararamdaman ko at kung ano-ano na rin ang sumasagi sa isipan ko.

Lumapit si Mommy sa akin hinarap ako. "Hindi ko kayang sagutin ang lahat ng tanong mo, kahit sinabi niya sa akin siya na mismo ang magsasabi sayo nang harapan, Cinyla. He exists. Marami lang siyang inayos kaya hindi niya pa kaya noon humarap sa atin." seryosong paliwanag nito pero hindi pa rin kumbinsido sa mga sinasabi ni Mommy ngayon.

Unforgiven Sins Where stories live. Discover now