Chapter 24: Investigation Begin

4 0 0
                                    

Cinyla’s POV

Ngayon ay Sabado at agad akong dumiretso  sa bahay ng kilala kong detective na kung saan alam kong makakatulong sa akin. Hindi naman ito malayo sa bahay namin sa totoo lang saglitang biyahe lang naman ito mula sa amin. He is Joshua Carl Gonzaga, ang magaling na detective na nakilala ko noong maging classmate ko siya sa second year college.

Kasalukuyan na akong naglalakad para mag-doorbell sa bahay niya, hindi na ako dumiretso sa mismong bahay niya dahil madalas walang tao sa opisina niya. Sana lang hindi siya busy para maasikaso niya ako at magawa niya ang mga bagay na gusto kong malaman. Siya ang naging dahilan para tuluyan kong malaman na nagloloko na si daddy sa amin, akala ko kasi hindi totoo ang mga naririnig kong bulungan sa kapitbahay noon pero totoo nga. Hindi lang talaga siya tsismis na pinapakalat, minsan may dulot din pala ang pagiging pakialamera nila.

Pinindot ko na ang itim na doorbell nila Joshua at hinintay siya sa labas ng bahay nila. Binata si Joshua at naging matalik kong kaibigan pagkatapos niyang alamin ang kalokohan ng daddy ko. He is kind and handsome too. Nakakatuwa nga lang dahil hindi siya mahilig sa babae, ang mga babae ang mahilig sa kaniya. Hindi dahil sobrang malakas ang dating niya, kundi sa husay at talino niya. Ilang saglit pa ay lumabas na rin ang lalaking hinihintay ko.

“Good afternoon, Cinyla! How are you? May problema ka ba?” sunod-sunod niyang tanong dahilan upang takpan ko ang bibig niya.

Pumasok na lamang ako sa bahay niya para makapag-usap kami nang maayos. Pero mukhang hindi lang detective ang kaharap ko kundi isang manghuhula.

“Alam kong may gusto kang paimbestigahan. Pakiramdam ko malapit din ito sa puso mo,“ saad nito dahilan para tumaas ang kilay ko.

“Grabe ha? Ganyan ba talaga skills mo? Hindi pa nga ako nakakapagsimula alam mo na.”

“Halata naman kasi sa kilos mo. Almost one year na rin yung huling usap natin Cinyla. Kaya alam ko na rin na ganyan ang pinunta mo rito. Pero ano nga? Simulan mo na.”

Pinaupo niya muna ako sa sofa at doon ko nilabas ang picture ni BenChua. Nagulat siya sa ipinakita ko dahil parang kilala niya ang nasa larawan.

“Ohh, that man! Siya ba ang ipapaimbestiga mo sa akin?” takang tanong nito at humarap sa akin nang seryoso.

“Yeah! Kilala mo ba siya?”

“Oo  naman Cinyla!  Kilalang tao ’yan. He is the CEO of Spyanata Incoporation na pinagtatrabahuhan mo. Hindi mo ba alam?” Kinuha niya ang larawan at pinagmasdan ng mabuti. Inilabas ko na rin ang panyo na galing kay BenChua na may apelyido ko sa gilid nito.

“What is this? he asked.

“Honestly, before wala akong alam. But now, I know he is our CEO. Ayokong mahulog nang tuluyan sa kanya Joshua. I want to know his background kaya nandito ako para tulungan mo ako. Bukod dito, gusto ko rin malaman yung stranger man na gumugulo rin sa akin noong nakaraang linggo.” pagpapaliwanag ko habang tinitingnan ang ginagawa niya sa larawan dahil pakiramdam ko, alam niya na ang dapat niyang gawin.

“I see, I already know that you want me to investigate about his background. I also think that handkerchief have a big connection to both of you. Ayokong sabihin ’to, pero paano kung magkapatid pala kayo?”

Halos mahulog ako sa kinauupuan ko dahil sa pagkagulat dahil sa huling sinabi niya. Hindi ko alam kung paano niya nasabi na ganoon na lang at diretso pa talaga. Iyon din naman ang naisip ko pero wala akong sapat na ebidensiya.

“I know Cinyla na nakakabigla. But I have something guts about him. Kaya talagang dapat mong kilalanin siya nang sobra para malaman mo kung totoo ang sinasabi ko,” seryosong turan nito.

Unforgiven Sins Where stories live. Discover now