Chapter 38: The Agreement

1 0 0
                                    

Cinyla's POV

I and BenChua deal with our plan for a vacation in Tagaytay. Actually, this is for the rest of the company. Hindi ko alam kung ano ang naisip niya pero, this is a good idea to relax and to build good communication with his employees and staff. Also, unforgettable bonding for each of us.

Meanwhile, I decided to be absent today because of the pain that I have experienced right now. Hindi ko labg talaga maintindihan ang sarili ko kapag may period, bukod sa iritable ka buong araw ang hirap kumilos.

Mabuti na lang pumayag si Ben na umabsent muna ako at dahil next week pa naman magaganap ang bakasyon ng kompanya. Bumangon na rin ako kahit masama ang pakiramdam ko, dumiretso ako sa kusina para kumuha ng cravings ko which is chocolate and cheezy snacks.

Pagkatapos kong makakuha ng kailangan ko sa refrigerator, may biglang nag door bell sa labas.

Napakaaga pa para puntahan ako ng kung sino. Hays! Masama na nga pakiramdam ko eh.

Inayos ko ang sarili ko dahil mamaya ibang tao iyon at mahirap na baka makita ang hindi dapat. Paulit-ulit pa itong nag door bell na para bang atat na atat.

"Wait lang, papunta na!" Sigaw ko rito para hindi na ulit-ulitin ang pagpindot sa door bell ko at baka masira niya pa.

Nang buksan ko ang pinto, nagulat ako sa nakita ko. "Please open the door, I have something for you," he said.

"Ano'ng ginagawa mo rito? Nasa office ka na diba?" tanong ko habang binubuksan ang gate.

Nang mabuksan na ang gate, binitawan niya ang dalawang paper bag na dala-dala niya at niyakap ako nang mahigpit. "I miss you, kumusta ka ba? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" Bumitaw ako sa pagkakayakap niya. "Okay lang ako, ang higpit ng yakap mo. Bakit para saan? Okay lang naman ako." Napatingin ako sa mga dalahin niya. "Ano naman 'yang mga bitbit mo, Sir Ben?" dagdag ko.

"Foods and napkin, baka kailangan mo eh. Sorry naparami since I get all the brands, dahil hindi ko naman alam ang type mo."Inabot niya na sa akin ang dalawang paper bag. Napayuko ito at pinili ko na rin na pumasok kami sa loob.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Sobrang laki rin kasi ng dalawang paper bag na dala niya. Ganito ba talaga siya mag-alala? Masyado naman OA pero sa totoo lang kinilig ako sa ginawa niya. Simple pero malakas rin ang impact.

"Teka sir, este Ben hindi ka ba magtatrabaho ngayon? I mean, okay naman na ako. Tsaka salamat dito sa mga dala mo, nag-abala ka pa." Tila nagpabebe pa ako pero napangiti niya ako sa ginawa niya. This is too much. Ano ba tayo? Mayroon bang tayo? Iisipin ko na nga lang minsan na girlfriend mo ako at boyfriend kita, kaso malabo. Malabong mangyari.

"Wala. I set my day to relax with you. I mean, hindi rin ako mapapakali dahil sa lagay mo. Based on my research, ang hirap ng pinagdadaanan ninyo." Hindi ko alam kung bakit ganito ang sinasabi niya, pero isa lang yung nararamdaman ko ngayon. Kilig. Hindi ko akalain na may concern pala siya sa ganitong bagay.

Tinabi ko muna sa gilid ang mga dala niya. Kasalukuyan na kaming nakaupo sa mahabang sofa at dahil hindi naman ako mayaman, binuksan ko na lang ang dalawang stand fan ko para sa kanya. Nakakahiya naman kasi, isang CEO ng kompanya nagtitiis dito sa munting bahay ko.

"Are you okay? Maupo ka nga rito. Huwag mo akong alahanin. Sanay ako. Kahit mayaman ako, marunong akong makisama. Besides, hindi ko sinanay ang sarili ko na maging maarte sa ibang bagay." Depensa nito na akala mo hinuhusgahan ko siya.

"Alam mo ikaw, defensive ka masyado! Hindi naman sa gano'n. Baka lang kasi naiinitan ka, kaya binuksan ko na lang. Tsaka, kaya ko naman. Kailangan ko lang ng pahinga ngayon at hindi masyadong magkikilos dahil masakit ang puson ko."

Unforgiven Sins Where stories live. Discover now