Chapter 29: Mission 102

0 0 0
                                    

Cinyla’s POV

KASALUKUYAN na nga akong nasa bahay pagkatapos bumili ng dalawang choco flavor ng milk tea sa malapit na store sa amin ay pinili ko na lamang ang magpahinga. Dumiretso ako sa terrace dahil saktong pahinga ko naman ngayong araw. Sana nga.

Humanap agad ako ng magandang puwesto pagkatapos ng makita ko ang duyan sa bandang kaliwa ay pinili ko na lang doon. Bukod sa maganda ang tapat ng liwanag ay mas kitang-kita ang ganda ng kalangitan. Tulala  akong pinagmamasdan ang milk tea na binili ko sa Milkias Shop. Medium size lang ang binili ko dahil hindi ko naman mauubos kung yung large pa. Pero napatitig ako lalo ng makita ko dalawa ang nabili ko. Bakit dalawa?  Hindi ko alam kung bakit napabili ako nito, mukha kasi siyang masarap pero ngayon hindi ko man lang magawang galawin upang inumin ito.

Marahan akong napapikit at napasigaw. Ugh! Bakit ba ganito? Wala ako sa focus!

Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Joshua. Mabilis kong kinapa ang kaliwang bulsa ng pantalon ko at pinindot ang green icon para sagutin ang tawag niya.

“Hello, Cinyla! Good morning! Nandito ako sa ibaba ng bahay ninyo. Bumababa ka muna.” Mabilis akong napatayo at tiningnan siya mula sa ibaba. Naroon nga siya nakatayo habang nasa kaliwang tainga niya ang cellphone.

Anong ginagawa niya rito?

“Sige, pababa na ako. Hintayin mo ako,” tugon ko rito at bumbaba na nga ako at hindi ko na binababa pa ang tawag niya. Hindi ko alam bakit siya narito, pero napahawak ako bigla sa dibdib ko na para bang may kakaibang ibabalita siya sa akin.

Narating ko na rin ang ibaba at nakangiti lang ito sa akin habang hawak niya pa rin ang cellphone niya.“Anong mayroon Joshua at napadalaw ka?”diretsang tanong ko dahil gusto ko rin malaman agad ang pakay niya.

“Can I go inside? Kailangan mong malaman ito bago pa malaman mo sa iba.” Napataas ako ng kilay sa mga sinabi niya kasabay rin ’non bumilis ang tibok ng puso ko. Tibok nang tibok at pabilis ito nang pabilis na para bang anumang oras sasabog ito. Napahawak ako sa puso ko para subukan na kumalma kahit hindi ko alam kung paano. “Y-yeah s-sure. Pasok ka na.” kalmadong sagot ko kahit na sa totoo lang sinusubukan kong kumalma kahit mahirap.

Pinpasok ko na nga siya sa loob at biglang lumabas si mommy mula sa kusina. “Oh, may bisita ka pala anak. Sige iho, maupo ka na sa sala namin at ipaghahanda ko kayo.” Imbes na tumango si Joshua lumapit ito kay mommy na siyang ikinagulat ko.

“Mano po,” magalang na sambit nito sabay nagmano ito kay mommy.

Napangiti naman si mommy at nagwika in“Salamat iho, napakapogi naman na binata at magalang pa. Sige, maupo muna kayo sa sala at kukuhaanan ko na rin kayo ng pagkain ninyo. Cinyla, ikaw ng bahala sa bisita mo ha?”

“Yes mommy, salamat po.” Hinila ko na kaagad ang kamay ni Joshua nang dumiretso si mommy sa kusina.

“Hoy, anong ginagawa mo rito? Anong sasabihin mo?”

Kinuha niya ang milk tea na hawak ko at hindi ko namalayan na nadala ko pala ito.

“Painom ha? Favorite ko ’yang chocolate flavor sa Milkias Shop eh.”

“Sige na sayo na 'yan may isa pa naman ako sa itaas. Nakahihiya naman sayo eh, nahawakan mo na nga bago ka nagpaalam.” iritableng tugon ko sabay upo sa sofa.

“Ano nga ulit sasabihin mo?” pag-uulit ko sa tanong sa kanya.

Tumigil ito sa pag-inom at bahagyang napatingin sa paligid. Napataas ako ng kilay dahil hindi ko maintindihan ang ginagawa niya ngayon, ngunit nakaramdam ako ng kirot sa parte ng puso ko. Napahawak ako sa parteng iyon at napaisip. Teka, pakiramdam ko may nais siyang sabihin na kailangan kong paghandaan.

Unforgiven Sins Where stories live. Discover now