Chapter 34: The Secret's of Cinyla's Mother

3 0 0
                                    

Cinyla's POV

NAPAPANSIN kong madalas ng umaalis si mommy, minsan pa nga late na rin siya magsabi na may lakad pala siya. Ngunit hindi ko muna naman inisip ang mga dahilan niya. Kailangan ko na munang maayos ang mga bagay-bagay lalo na ang problema na kinahaharap ko habang wala siya. Alam ko naman na safe siya ngayon.

Kasalukuyan akong nandito sa kwarto. Tumawag na rin kasi ako ng magkakabit ng CCTV sa labas para atleast malaman ko na talaga kung sino ba talaga siya.

Habang nag-aayos din ako ng kwarto ko tumunog ang cellphone ko. Napatigil ako sa paglilinis at mabilis na kinuha sa lamesa ang cellphone at sinagot iyon.

"Hello?"

"Cinyla, anak, bukas pa ako ng tanghali uuwi sa bahay. Ingat ka muna riyan. Uuwian na lang kita ng mga pasalubong. Ingat ka riyan, Cinyla." Pagpapaalala nito na tila nasa maingay na lugar.

Napataas ako ng kilay dahil kung nasa bahay lang naman siya ni lola, tahimik lang doon dahil silang dalawa lang. "Nasaan ka, mommy?" Naglakad ako palabas sa aking kwarto dahil para bang humihina ang signal ko.

"Sige na Cinyla, paalam na." Bigla niyang binababa ang tawag. Napatigil tuloy ako at napaisip, itetext kung sana si mommy pero napansinn kong 2 percent na lang itong cellphone ko. Wala akong nagawa kundi pumasok na lang muli sa kwarto at i-charge.

                                                        ***************************************

Hindi ko gusto na ilihim ito kay Cinyla, pero kailangan at lahat naman ng ito ay ginawa ko para sa kanya, sa pamilya namin. "Anak, ano nakapagpaalam ka na ba kay Cinyla? Hanggang kailan mo itatago ang alam mo? Kawawa naman ang apo ko, pero walang sikretong hindi nalalantad. Tandaan mo, malalaman at malalaman din niya iyan."

Halos bumilis ang tibok ng puso ko at naramdaman ko ang kalungkutan ng sabihin ng aking ina ang mga bagay na iyon. Alam kong malalantad rin ito pagdating ng panahon. Kung dumating man iyon, sisiguraduhin kong handa akong magpaliwanag sa kanya.

Pilit na ngiti na lamang ang nabigay ko kay Inay, alam kong nag-aalala lang siya sa akin lalo na kay Cinyla. Hindi ko rin naman siya masisisi dahil matagal ko ng alam ang totoo pero heto ako laging nagdadahilan at sumasabay lang sa agos.

Minabuti ko na lang tapusin ang ginagawa ko, ang pamimili. Kasalukuyan akong nandito sa mall at napakaraming tao dahil namili ako ng mga gamit para sa kailangan ni Inay sa bagong bahay na tinutuluyan niya. Napabutong-hininga na lang din ako pagkatapos kong makita ang pulang mug na nakita ko. Medium size ito at sa hindi inaasahan nakita ko ang isang taong sobrang malapit sa puso ko.

"Hi! Kumusta ka na? I know it is too long to see each other. Kumusta ang pamangkin ko? Balita ko malaki na at dalaga na, ikaw lang ba mag-isa?" Sunod-sunod na tanong ni Diego ang kapatid ng yumaong asawa ko.

"Hello Diego! Nandito ka rin pala. Oo nga eh, okay naman siya nasa bahay lang siya ngayon. Nope, kasama ko si inay. Sige mauna na ako at ingat kayo ng asawa mo." Pagmamadali ko. Ngunit ngumiti lang ito at nagsalita.

"Until now ganiyan pa rin pala ang akala mo, anyway, wala akong naging asawa o girlfriend after what happened before. Don't worry Talia, I am happy. Nag grocery lang ako mag-isa, ingat kayo ni tita. God bless!" Kumaway ito at tinulak ang cart na hawak niya.

Nakahinga ako nang maayos at biglang lumapit naman si Inay na may dalang biscuit. Pinatong niya ito sa cart na dala namin. "Tara na, Talia. Ibili mo na rin ng pasalubong yung apo ko. Kailangan na natin makauwi at pagod na ako kakalakad dito."

Tumango na lang ako at sinunod ang sinabi niya. Ayokong ipahalata kay Inay na nagkita kami ni Diego. Ayoko ng alahanin pa ang nangyari o kung anong ugnayan namin dati. Matagal na iyon at kinalimutan ko na.

Unforgiven Sins (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now